Math Camp #4 - Tortured Barbies

Start from the beginning
                                    

Lumipas ang mga minuto at nahulog ako. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong sakit. Minulat ko ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang isang babaeng naka Hale University na uniform. Lumingon ako at nakita ang isang kutsilyo, ang kutsilyo na binato sa akin. Tumingin ako sa itaas at nakita ang tali na putol. Hinawakan ko ang katawan ko. Buong-buo pa ako. Hindi pa ako patay.

Pumunta ang babae sa likod ko at kinuha ang kutsilyo at sinabing " Found this on the way."

"Niligtas mo ako... Maraming salamat." Nakakahiya man pero sinabi ko. Yan ang sinasabi ko sa kanila! Hindi lahat ng Taga-Hale University ay pare-pareho, mayroon din namang mabait. Hindi ko rin makita ang point na kailangan nilang gumamit ng dahas. Hindi pa nga natin kilala silang lahat tas maghuhusga na tayo agad. Fuck that logic! 

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ellipse Gorovan. Eh ikaw?" Sagot niya.

"Yvonne, Yvonne Domingo." Sabi ko.

"Yvonne Domingo? Wait, ikaw ba yung model nung Penshoppe?" Tanong niya at tumango naman ako. Oo, model ako ng Penshoppe. "Oh my god! Kaya pala pamilyar yang mukha mo!" Sabi niya at hinawakan niya naman ang makinis na mukha ko. Ngunit napatigil siya nung sumigaw.

"Intruder at section 11! Yvonne escape, Yvonne escape. Onrush, Onrush!"

"Halika na at umalis na dito." Sabi ni Ellipse at hinila ako palayo. Nakalayo naman kami sa main lobby--Kung saan ako nakabitay kanina. Ngunit kami ay napatigil sa pagtatakbo ng may gumarang sa amin na isang CLOFAS leader. Naka-color blue siya. Hindi ko maalala kung sino siya. Kilala ko naman lahat ng CLOFAS leaders kaso sadyang walang pumapasok sa utak ko.

"Yvonne, San ka naman pupunta? Kakantahan ka pa namin ng paalam eh. Pero okay lang dahil nagsama ka pa ng isa pang pwedeng patayin. Gagawa kami ng remix ng 'Paalam' at 'Two is better than one' para sa inyong mga hukay." Sabi niya.

Naalala ko na, Siya si Yohan Balayon, Ang president ng male choir,

at ex ko rin.

***

*UNKNOWN'S POV*

Umiiyak..

Nagmamaka-awa...

Humihina...

At namamatay.

Nakakatawa silang pagmasdan. Everyone of them looks stupid. Mga manika ko silang lahat. I can manipulate them whenever I want. Hindi nila ako kayang patumbahin, I am unbeatable. Nilabas ko ang isang picture mula sa wallet ko. Isang picture na kung saan tino-torture ko ang mga barbie dolls ko.

Memories, Good memories~! Pero ngayon hindi na barbie ang mga tinotorture ko kundi nga tunay na tao na. Tumingin ako sa screen at nakita ang isang babaeng binaril ng isang kampon ko. Tumalsik ang mga dugo sa ulo niya.

"Lovely..." bulong ko ngunit biglang bumukas ang pinto at dumungaw sa aking paningin ang isang leader ng kampon ko.

"Captain! Nakatakas po si Yvonne sa bitay niya at may nakatakas din na estyudyante ng Hale University." Sabi niya. 

"Ano?!" Tanong ko

"Nakatakas sina Yvonne at ang ilang estyudyante ng Hale University!" Sabi niya. Kinuha ko ag baril ko sa lamesa at binaril siya. 

"Mga langya! Hindi niyo ba alam na pagnakatakas sila dito sa campus na ito, buking tayo!" Sigaw ko. Tumingin ako sa pintuan at nakita ang mga ilang kampon ko na tumitingin sa akin. "Anong tinitingin niyo?! Gusto niyo rin mabaril?!" Sabi ko at nagsitakbuhan sila.

May mga oras talaga na ang dapat na umaaksyon ay ang mga nakakataas hindi ang mga kampon. Pero hindi pa ito ang tama na oras. Maghintay lang sila.

~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~

Yung picture na tinutukay ni unknown ay yung nasa multimedia side. =))

Vote, Comment, Share and Support 

Math CampWhere stories live. Discover now