CHAPTER 1

7 2 4
                                    

"Do you Marvin Cruz take Lorraine Villarde as your wife?" Tanong ng pari kay kuya marvin.

"Yes Father, I do" Sabi ni kuya marvin na abot hanggang tenga ang ngiti.

"Do you Lorraine Villarde take Marvin Cruz as your husband?" Tanong naman ng pari kay ate.

"I-I do" Naiiyak na sabi ni ate.

Nilingon ko naman si mama na iyak pa rin ng iyak mula kagabi. Umurong ako kaunti para lumapit sa kanya. Hinagod ko sya sa likod!

"Ma ano ka ba! Mag aasawa lang si ate hindi mamamatay!" Pabulong na sabi ko. Kinurot nya ko sa tagiliran pero hindi naman masakit.

"Ikaw talaga Lorie Grace!" Binuo nya na naman yung pangalan ko! "Hindi ko lang lubos maisip na tatlo na lang tayo nila Lj. Ang kuya mo may sarili ng pamilya tapos ngayon si ate mo naman pano kung pate ikaw mag asawa na rin next year, edi dalawa na lang kami ni Lj!" Nakasibangot na sabi ni mama.

"Ma hindi ako mag aasawa next year, next week na lang para masaya" pabirong sabi ko then she rolled her eyes. Natawa na lang ako at binalik ko ang tingin kila ate.

"Lorraine, take this ring as a sign of my love and loyalty." Sinuot ni kuya marvin yung wedding ring kay ate.

"Marvin, take this ring as a sign of my love and loyalty" sinuot din ni ate kay kuya Marvin yung wedding ring.

"You may now kiss the bride" sabi ng pari.

Haaaaay! Settled na si kuya Luke kay ate Krizza, 2 years na silang kasal pero wala pa silang anak. 25 years old si kuya nung magpakasal sila ni ate Krizza then si ate Lorraine 25 years old din sya ngayon, 2 years ang tanda ni kuya marvin sa kanya. Ako kaya mga ilang taon ako magse-settled down sa lalaking sigurado ako na makakasama ko habang buhay? 23 years old na ko ngayon pero baka 30 years old pa ko makasal.

∆∆∆

Andito na kami sa Beach Resort na pagmamay ari ng pamilya nila kuya marvin, Dito kase ginanap ang Reception. Hindi na ko nakapag pigil at sumandok na ko ng pagkain. Nagtago ako sa likod ng mini stage kung saan nasa gilid nito ang PowerPoint slideshow nila ate at kuya marvin. Umupo na ko at dun kumain lagot ako kay mama pag nakita ako nun na kumakain na. Wala pa kaseng sinabi na pwede ng kumain! Susubo na sana ako ng carbonara ng biglang may lalaking nagtanong sakin.

"Excuse me, miss? Alam mo ba kung nasaan si Papa Ronnie?" Ang gwapo nyaaaaaaaaa! Shakssss! Eto na ba yung sinasabi ni Tito Ronnie na anak nya na nakatira sa State? Omaygad!  Parang nakita ko na yung lalaking bubuntis sakin! Hahaha! Bad yun Graceeee!

"Miss?" Sabi ng maputi at matangkad na babae na ka-HOLDING HANDS nya. Aray na kuuuu! Olats naman agad!

"D-dun sa gitnang table na nasa harapan." Sabi ko. Tinitigan naman ako ng anak ni tito ronnie.

"Let's go baby!" Sabi ng girlfriend nya at tinignan ako then inirapan ako.

Umalis na sila at kumain na lang ako. Sayang taken na sya! :( Sa bagay, hindi rin naman kami pwede kase stepbrother ko sya. Ikakain ko na lang talaga to!

If I Will Fall In Love?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora