Chapter 4: National Bungguan Day

Start from the beginning
                                    

"Siguro may pangalan naman sila, 'no? Hindi naman masama kung sabihin mo na lang pangalan nila."

Nginitian niya ako at saka lumapit sa tenga ko sabay bulong, "Si Phoenix Alvarez at Jaydee Samonte."

What?! Sikat talaga ‘yung dalawa ‘yun at pati itong bestfriend ko kilala sila?! Saan ba akong planeta tumatambay at bakit wala akong kaalam alam?

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa sinabi niya kaya mas pinili ko na lang manahimik. Kaya lang hindi ko na nga siya pinapansin pero salita pa rin siya ng salita at kilig na kilig pa rin.Paulit-ulit lang naman ‘yung sinasabi niya. Ang gwapo daw nung dalawa tapos sana raw makita niya ng personal ‘yung dalawang ‘yun. Ewan ko ba dito.

"Grabe, Ash. Kung alam mo lang kanina pa ako libot ng libot para makita ‘yung dalawa kaya lang mailap ang pagkakataon. Ayaw kami pagtagpuin."

"Siya ‘yun."

 "Ha?"

"Si Phoenix ‘yung sinasabi ko sa ‘yong kasama ko kanina sa may pinto nung hilahin mo ko papasok."

"Weh? Bakit hindi ko nakita?"

"Ewan ko sa'yo."

"Bakit mo siya kasama?"

"Sabi niya sabay na raw kami e."

Tiningnan niya muna ako saka unti-unting nanliit ang mata niya at maya maya ay lumagapak na sa pagtawa.  Anong nakakatawa sa sinabi ko? Anong nakakatawa kung sabay kami?

"Nakakatawa ‘yang joke mo!" Hinampas niya pa ako at tumawa ulit.

"Seryoso kaya ako."

"Hindi ka siguro nagbreakfast. Gutom lang yan, Ash.”

Itinaas ko ang kape na hawak ko at ipinakita sa kanya, “Swear. Bigay niya pa nga sa akin ‘to.”

Mas lalo siyang tumawa sa sinabi ko. Mangiyak-ngiyak na nga siya pero ayaw paawat sa pagtawa. Gaano ba kahirap paniwalaan na kasabay ko talaga siya?

Pinanuod ko lang siyang tumawa at nang kumalma na siya ay pinalapit niya ako sa kanya para bulungan, “May gusto ka ba kay Phoenix at nagpapantasya ka diyan?” sasagot pa lang sana ako pero napahinto ako sa kasunod na sinabi niya, “Kaya lang, girl, may balibalitang bakla ‘yan. Sayang nga e.”

Si Phoenix, bading? For real? Hindi ko nahalata ha. Kaya lang sayang nga ang kagwapuhan niya. Sayang din ‘yung dapat sana ay magiging lahi niya.

"Bading na pala, kinikilig ka pa," sabi ko pa sa kanya at saka inilagay ang earphone ko sa tenga ko. Bago pa ulit ako may malaman na kung anu-anong balita ay magpapatugtog na lang ako. Ang tagal din naman kasing dumating ng teacher namin.

Kaya lang ayaw talaga paawat ng magaling kong kaibigan kaya tinanggal niyang ang earphone ko at nangulit na naman.

“Tigil tigilan mo nga lang ‘yang pagkilig kilig mo.” Kaya lang hindi siya tumigil at kwento pa rin ng kwento. "Yung Jaydee.." napatigil siya sa pagkwento nang magsalita ako, "I think hindi ‘yun ‘yung name niya. He's  not -- "

"Ilan natoma mo kagabi? Lasing ka ba?" Natawa na naman siya ng malakas tulad kanina. Baliw na talaga ‘to. Hindi naman ako lasing. Mas mukhang siya pa nga ang nakainom.

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now