"BEING A FANGIRL/FANBOY"
Being a fangirl/fanboy is not easy, especially when your idol/bias is too far from you. Yung time na pipila ka sa event, matututo ka mag ipon at hindi kumain para sa upcoming concert especially if you're not that rich. Lahat naman siguro dumanas na makipag debate para lang ipag tanggol si bias.
At nagkakanda bulol ka kakakabisado ng lyrics ng kanta to the point na wala ng space yung memory card at phone storage mo para lang makakuha ng MVs,Pictures,Video Clips, and etc. Lahat tayo nag aral, nag aaral at kailangan mag aral, syempre priorities natin yun.
Dahil alam natin darating yung time na matatapos na ang turn nila bilang artista, papalitan na sila ng mga bagong tatangkilikin. Pero naisip mo rin diba na siguro 30 years from now, darating yung araw na maririnig mo ulit yung kanta nila at mapapangiti ka na lang.
Maalala mo na inabot ka ng ilang araw,linggo o buwan para lang makabisado yung bagong lyrics kanta at steps ng sayaw, na naging instant singer and dancer ka dahil gusto mo sila gayahin diba? Na maiisip mo na, minsan naging fan ka nila at nagawa ka nilang pasayahin sa mga panahon na malungkot ka.
Naging stress reliever mo din sila. Na kahit pinapagalitan at pinapamukha na sayo ng mga kaibigan, kapatid at magulang mo na kahit kailan hinding hindi mo sila maaabot, na isa ka lang sa libo-libong tao na sumusuporta sa kanila. Masakit lang, yung alam mo naman na nabubuhay ka sa pantasya pero wala eh, mundo mo yun at wala silang karapatan na sirain yun.
Hindi mo na nga sila makuha pati ba naman sa pagpapantasya bawal pa? Pero kahit ganun, tuloy ka parin sa pag support sa kanila. Bili ng posters, merch and anything related to them. May mga times maiiyak ka kasi di ka naka attend sa isa sa mga event nila. But, at the end of the day iisipin mo na lang na 'may susunod pa'.
Pero bilang Kpop fan, alam natin na aabutin na naman ng months worst ilang taon bago sila magpunta ulit sa country natin. Na yung simpleng pagkaway nila iisipin mo ikaw lang yung kinakawayan niya/nila. Kaya gagawin mo lahat makapag ipon lang dahil sabik ka na makita sila sa personal. 5 years, 10 years or 20 years from now. Matutupad mo na ang mga pangarap mo sa reality, magkakatrabaho, pamilya at anak.
Kahit sabihin mo ngayon na habang buhay ka nilang fan?
No, Oo fan ka nila pero darating at darating yung araw na mag lelet go ka at mararamdaman mo na sinasampal ka na ng katotohanan na kahit kailan, hindi mo siya/sila makukuha at makakasama habang buhay.
We badly know the differences of our world, they'll only see you as a fan. But you know to yourselves na kahit anong mangyari, mahal na mahal mo sila sa hindi malamang dahilan.
Sometimes, you can't explain what you see in a person, it's just the way they take you to a place where no one else can. Pero tumanda ka man maaalala mo na minsan sa buhay mo, naranasan mo sumuporta sa mga taong mahal na mahal mo.
Hi! I am a certified MeU and Shawol since day 1! And also a Multifandom but, I am proud of it. Being a fangirl is maybe not that easy, but atleast you know that this is your passion and you love it. ☺☺ IF EVER YOU DON'T KNOW. I. AM. A. KPOP. FAN. Thanks!
From: -Oneofthegirlfromthecrowd-
MORE CONFESSIONS TO GO :') How about you? Want to share yours? Just send your confessions privately. :))
BINABASA MO ANG
FANS CONFESSION ROOM.
RandomWANT TO READ WHAT A FANS FEELS? OR YOU WANT TO SECRETLY REVEAL YOURS? C'MON! JOIN US. This is for all fangirls/fanboys around the world. Especially from the Philippines. If you want to confess your feels and thoughts of being a fan just send it to m...
