Chapter II: Choice

12 0 0
                                    

"Dolores.... Sandali lang.." Humahangos na sinabi ni Kurt habang tumatakbo.
"Paalam.. Kurt.." Lumuluhang sinabi ni Dolores habang unti unting lumalayo.
"Dolores! Dolores! Hintay! Dolo...!" Sabay nagising si Kurt at pawis na pawis.
.....
Panaginip lang pala ulit yun.. Anim na buwan na pala ang nakalipas mula nung araw na yun. Pakiramdam ko parang kahapon lang..
*toot*
"Kurt, brad pasensya na di ko nasagot tawag mo kagabi medyo busy eh.. Gusto mo meet tayo mamaya? After work? Basta text mo nalang ako. Wag kang gagawa ng kung anung kalokohan ah? Sige see you later." *tooot*
.
.
.
*beep! Beep!*
Grabe ang gulo talaga dito sa Metro Manila 30 minutes na kong late haiiii bwiset talaga . May sasakyan pa ko ng lagay na to partida..
*brrr.. Brrr* (phone vibrates)
"Hello." Sagot ni Kurt.
"Hello, Kurt san ka na? Late ka nanaman tas wala ka pang notice maski text." Sabi ng manager ni Kurt.
"Sorry sir natraffic lang." Paliwanag ni Kurt.
"Traffic nanaman? Kailan pa ba nawala traffic sa manila? Tsaka di ka naman ganyan noon ah? Ewan ko Kurt matagal na tayo magkatrabaho and i know you just lost your wife half a year ago but you are working for a business... I'm sorry pero this is the last time i'll overlook this kind of incident." Phone drops
..
Yeah right. Business is business... It's not like i give a rat's ass about it. Who asked you to understand me? I don't remember asking for anything. Do you think i care about that lame ass job? Give me a break. The only difference between people like me and a slave is that i wear a nice tie instead of shackles.. Makaabsent na nga lang at nawalan na ko ng gana. Badtrip.
..
*brake sound* (car parked in front of a restobar)
*shiing* (chymes sound as the door opens)
"Brad isang bucket nga." Order ni Kurt habang papaupo sa isa sa mga silya malapit sa pinto.
Di katagalan ay dumating ang inorder ni Kurt.
*gulp gulp gulp*
"Aaaah!"
Alcohol. Yan ang pinakatapat kong karamay nitong nakaraang anim na buwan.. Halos araw araw tulog lang o kain ang pahinga. Di ako tanga kung yan ang iniisip mo. Alam kong masama sa kalusugan ang ginagawa ko. Pero kasi may mga bagay kang ginagawa kung minsan na kahit alam mong masama ginagawa mo parin kapalit ng sandaling ginhawa. Ginhawa sa mga bagay na pilit mong tinatakasan. Tipong bawat bote ay mistulang kamay na sasaklolo sayo. Di ko alam kung maiintindihan mo, di ko rin naman hangad na maintindihan ng kahit sino.. Nasasawa na rin kasi akong lokohin ang sarili ko..
.
.
.
"Shit gabi na pala." Sabi ni Kurt.
Nakatulog ako sa kotse kagaya parin ng dati. Isang bucket kuno tas makakatatlo pala.
*brrr.. brrr* (phone vibrates)
" Kurt kaka'out ko lng sa office. San ka? Shot tayo." Sabi ng lalaki sa phone.
"Sige ba basta libre mo eh hahaha. Hintayin kita dito parin sa dati. Yung bar parin na tinatambayan natin dito sa mandaluyong Dex." Sagot ni Kurt.
"Buraot ka talaga, sige na on the way na ko." Sabi ni Dex.
"Sige brad. Hintayin kita." Tugon ni Kurt sabay baba ng phone.
...
(45 mins later) *brake sound*
(Car parked in front of a restobar)
"Brad, sensya na medyo traffic eh." Bungad ni Dex sabay kamay kay Kurt.
"Ok lang. Ano dito na ba tayo o sa ibang place pa?" Sabi ni Kurt.
"Ok na dito." Sagot ni Dex.
"Waiter 3 bucket nga ng beer tas isa ring sisig." Patuloy pa nya.
"Oh brad kmusta na? Looking good ka ngayon ah hahaha." Tanong ni Kurt.
"Ok naman pre haha halata ba?" Sagot ni Dex. "Bale kasi brad nagpropose na ko kay Anne eh and she said yes." Patuloy pa niya.
"That's great bro! So kailan kasal nyo?" Tugon ni Kurt.
"Di pa certain yung date eh pero most likely sa 10th anniversary namin." Sagot ni Dex.
.
.
.
5 hours later
(Car parked inside the Condominium building)
"Aaaah!" Sigaw ni Kurt habang lumuluha sa loob ng kotse.

(".... Bale kasi brad nagpropose na ko eh.." - Dex)

Buti pa si Dex... Mukhang maliwanag ang bukas na sasalubong sa kanya.. I'm not saying that i'm a bad kind of friend.. Of course masaya ako para sa kanya since we've been friends for as long as i can recall pero kasi i can't help but feel insecure. Insecure of the fact that he's heading towards his future while i'm stuck in the past. If i can only bring back those times.. Those happy days.. But they all seem to be nothing but memories..
(Kurt suddenly remembered)
( "... If you're interested meet me up here.."- stranger)
...
*sound of wind blowing*
What the heck am i doing up here?.. I must have gone nuts already..
"So, you actually came my friend.." Someone spoke out of nowhere.
(Kurt looks around)
"Sino ka? Magpakita ka." Sabi ni Kurt.
"Chill ka lang.. Teka mukhang nakainom ka ah.." May nagsalita ulit sabay may umakbay kay Kurt galing sa likod . Sa sobrang gulat ni Kurt ay napaatras sya palayo sa istranghero.
"Holy shit!" Sigaw ni Kurt.
"Pasensya kung nagulat kita. "
Sagot ng istranghero.
"Sino ka ba talaga?!" Sigaw ni Kurt.
"Oh bakit ako tinatanong mo eh ikaw pumunta dito." Pabirong sagot ng lalaki.
"Nagpakilala na ko diba? Ako si kamatayan, ako ang sundo, ako ang pupuntahan ng lahat." Patuloy pa nya. Hindi makapagsalita sa Kurt sa sobrang pagkalito.
"Oh natahimik ka ata? Pero aminin mo man o hindi alam kong interesado ka sa pwede kong ibigay o sabihin sayo." Sabi ng lalaki. "Hindi na ko magpapaliguyligoy pa.. Naparito ka dahil gusto mong ibalik si Dolores." Patuloy pa nya.
Nagulat si Kurt dahil alam ng istranghero ang pangalan ni Dolores.
"Sino ka ba talaga?! Bakit kilala mo si Dolores?!" Sigaw ni Kurt na gigil na gigil na sa inis. "Kamatayan? Ikaw si kamatayan?! Pwede ba iba nalang gaguhin mo!" Patuloy ni Kurt.
"Isa ka ngang mortal Kurt hahaha kitang kita ang kahangalan mo. Umaarte ka na parang ginagago kita pero ikaw mismo nagdesisyon na umakyat dito." Pabirong sagot ng lalaki.
"Hahaha oh sige nga if you are indeed death himself take my life then!" Kurt shouted trying to mock the stranger.
"Be careful of what you wish for Kurt.." Sagot ng lalaki.
Matapos nun ay biglang lumakas ang ihip ng hangin tapos ay may mga piraso ng putik ang umangat mula sa mga paso ng halaman sa sahig ng rooftop.. Unti unti 'tong nabuo, unti unti rin itong lumalaki at ito'y para ring humuhulma.
..What the hell did i get myself into?...
Patuloy na lumalaki at humuhulma ang kumpol ng putik hangang sa ito'y maging halos 'sing laki na ni Kurt. Mayamaya pa'y humugis ito na parang katawan ng tao. Matapos ng ilang sandali ay nawala na ang pagiging putik nito at nagmukha na talagang katawan ng tao mula sa mga laman loob.. Hangang sa nabuo na ang mga buto.. Tapos nagkaroon narin ng mga muscle, nabalutan ng balat, at nagkaroon ng buhok.
..
"Dolores?"
Dumilat ng dahan dahan ang mata ng taong nabuo mula putik.
"Kurt?" Sabi ni dolores.
"Oh nagulat ka yata? Anu sapat na bang katibayan yan na ako si kamatayan?" Sabi ng istranghero.
Mistulang bato si Kurt na di man lang makakilos o makabigkas ng salita.

...Si Dolores? Pano nangyari yun? Binabangungot ba ko?...
...
Tumakbo si Dolores papunta kay Kurt at sabay yakap.
"Kurt!" Sabi ni Dolores habang umiiyak.
Tulala parin si Kurt. Mistulang pipi ang mga labi Kurt sa mga pangyayari hangang sa di nya na namalayan na tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata at kanya nang niyakap ng mahigpit si Dolores.
"Oh mukhang natuwa ka sa regalo ko ah.. Handa ka na bang makipaglaro sakin?" Tanong ng stranghero.
Di parin makasagot si Kurt dala ng pagkabigla.
*clack* (snapping sound of fingers)
Biglang nawalan ng buhay si Dolores habang yakap si Kurt. Mabilis rin itong nanumbalik sa pagiging putik at nadurog na parang abo...
"Dolores!!!" Parang biglang nawala sa katinuan si Kurt. Pilit nyang pinagsasamasama ang nagkalat na putik sa sahig habang humahagulgol.
"Haiii di ko talaga alam kung bakit sobrang sakim ng mga tao.. Masyado nilang dinadamdam ang mga bagay tulad ng kamatayan.. Di naman nila ako maiiwasan." Sabi ng istranghero.
.
.
.
"Di ko alam kung anung klaseng laro ang gusto mo... Pero kahit anu pa yan wala akong pakialam... Lahat gagawin ko basta makasama ko lang ulit si Dolores!" Isinigaw ni Kurt habang luhaang nakaluhod sa putik.
"Magaling... Yan ang gusto ko. Kailangan mo nalang pirmahan ito gamit ang patak ng iyong dugo." Nakangising sinagot ng lalaki.
Dali dali ay kinuha ni Kurt ang papel sa kamay ng istranghero sabay nya kinagat ang hinlalaki nya at tsaka ipinatak sa papel ng kasunduan ang tumutulong dugo.
"Magaling.." Sagot ng istranghero habang nakangisi.
..

The ContractWhere stories live. Discover now