PURE 19

4.3K 129 0
                                    

*Cleio's POV*







Nasakit na at natunog na tiyan ko. Gutom na ako! Hindi parin ako nakakapag breakfast, kahapon din hindi ako nakakain kahit manlang tinapay. May balak ba silang pakainin ako? Papatayin ata nila ako sa gutom. Salbahe talaga mga tao dito.






"Dawn nagugutom ko!" sumigaw ako para marinig niya ako, nasa labas parin sila, magdamag silang nasa labas nagbabantay, hindi ba sila inaantok? Buti ngayon medyo medyo bumabait na sila sa akin. Medyo nasunod na rin, pero maliban kay Sapphire syempre.







Agad naman itong pumasok.







"Pwedeng kumain?" tanong ko habang nakahawak sa tiyan, Para makita nyang gutom na talaga ako.







"Kukuha lang po ako ng pagkain" sabi nito at umalis na. Wow may 'po'? Ginagalang na ko dito ah. Mabuti naman.







Nagkalikot muna ako ng kung ano ano dito sa loob, may kumatok na sa pinto, si dawn na siguro ito. Isang basong juice lang ang dala nito, nakalagay sa tray.





"Hay! Salamat makakakain narin" wika ko. Correction, makakainom. Hindi naman kinakain yung juice.







Ngumiti lamang siya.






"Eh ikaw nakakain kana ba?" Tanong ko.









Hindi siya sumagot. Ibig sabihin hindi pa.








"Kumain na kayo" utos ko.







"Pero hindi kami pwedeng kumain Hanggat hindi sinasabi ni lord Symon" sagot nito.








Ha? Ganon ba iyon? Mahirap talaga sa lugar na ito aba. Pano na lang kapag nakalimutan niyang sabihin na kumain na hindi sila makakakain? Ginugutom niya mga tao dito. Hindi siya bagay mamahala dito, masyado niyang tinotorture mga tauhan niya dito. Buti nalang sinusunod pa siya ng mga to.







"Sige na dawn kain na kayo ako na bahala kay tito." Utos ko. Dapat na silang kumain, masama ang malipasan ng gutom, tsaka ako na ang bahala kay tito, sa mga gantong bagay kailangan ko maging matapang.








"Maraming salamat po!" Pasasalamt niya.









Lumabas na ito at sinabi sa iba na kumain narin. Ang higpit naman ni tito. Kawawa naman sila. Kung ako lang ang namamahala dito aba hindi ko iyon gagawin. Siguro kinaiinisan si tito ng mga tao dito dahil sa ugali niya.







*Claud's POV*







Sa wakas! Makakakain kami ngayon sa oras. Hindi tulad dati na aantayin pa namin si lord Symon. Minsan pa nakakalimutan niya. Kapag ganon kami na mismo nagawa ng paraan para lang makakain kame.





Nagpunta kami sa kusina.





"Ang aga niyo atang kumain ngayong araw?" Tanong ng isang kusinero.









"Ang prinsesa kasi ang nagsabi saamin na kumain na kami,ang bait niya hano? Tulad ni queen torelie" sabi ni brent.







"Tama kayo pero simula nang mamuno si Lord Symon dito, sobrang higpit na" sabi pa ng isang kusinero.








"Sige kumain na kayo oh?" Sabi ng kusinero.







Kumain na kami. Matatapos na sana kami sa pagkain ng....







"Who gave you the permission to eat!" It's Lord Symon. Ume-echo sa buong paligid ang boses niya, grabe.









"The princess" sagot ni sapphire.










Galit na galit ito, pati yung yapak niya eh maingay, dumadagungdong ang sahig. Hindi na namin tinapos ang pagkain, pupunta ito kay cleio, sinundan namin siya at baka kung anong gawin niya sa prinsesa.

pure (The pure blood princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon