Kabanata 3

5.8K 88 4
                                    

Wala na siyang nagawa ng marahas nitong hinawakan ang braso niya at nag-marsta patungo sa pintuan ng bahay nila.May magagawa pa ba siya?

Para itong  Sasabak sa giyera dahil sa kaseryosohan ng mukha.Diretso ang tingin nito,lapat na lapat ang mga labi at higit sa lahat ang nakakunot nitong noo.Kahit ganun ay masasabi niyang bumagay sa mukha nito ang nakakakunot na noo.

Nagawa mo pa siyang purihin sa lagay na yan,Jhing,ha?

Saway niya sa isang bahagi ng utak niya!Baka nakakalimutan niyang kalaban niya ito,hindi niya kayang magtiwala sa tulad nito.Pagkatapos ng mga ginawa nito sa kanya?No!Hindi niya kaya pagkatiwalaan ito!

Sinira nang lalaki ang mga plano niya,nila ng nobyo.Pinunit ang binili niyang ticket.Kinaladkad siya pauwi at ang mas lalong kinangingitngit ng kalooban niya ay pagnakaw nito ng halik sa kanya!Yun ang hindi niya mapapatawad!

Galit na tumingin siya sa lalaki.Kung okay lang sana na patayin ito ay matagal niya na nagawa!

Naramdaman yata nito na masama ang tingin niya."Wag mo akong tignan ng ganya."sabi nito na diretso pa rin ang tingin.

Napairap siya sa hangin.Kung kaya niya lang...sana lang...

Huminto sila sa tapat ng pintuan nila.Tumigil din siya at tumayo patagilid.

"Ano pang hinihintay mo?"parang among sabi nito.

Hindi ko siya pinansin.Panay ang irap ko sa hangin.Masama ang loob niya.Hindi lang masama kundi galit..

Muntik na siya mapanawan ng ulirat ng wala ano-ano nitong hinila ang hood ng jacket niya kaya napaharap siya dito.Napanganga siya sa ginawa nito.

Nakangisi ang hayop!

"Open it.."at mas lalong hinila ang hood ng jacket niya.Nasasakal na siya ngunit hindi niya pinakita dito.Ayaw niyang makita nitong natatakot siya kahit ang totoo ay gusto niya ng tumakbo..tumakbo palayo sa hayop na lalaki.

Napalunok siya.Lunok lahat ng laway niya.Kinuyom niya ang dalawang kamao,hindi makatingin dito.Kita-kita niya ang ngiting tagumpay sa labi nito.Ngiting pang-hayop.

Ilang beses muna siya lumunok at buga ng hangin.Ito naman ay nakamasid lang sa ginagawa niya.Pakiramdam niya pinag-aaralan nito ang bawat galaw niya.Uminit ang pisngi niya,naisip niya ang pinagsaluhan nilang halik kani-kanina lang.

Hindi pa niya nga natataas ang isang kamay niya para abutin ang saradura ng pinto ng bumukas iyon.Nanlaki ang mata niya.Hindi niya alam ang gagawin.Sino?Sino ang lalabas ng pinto?

Parang suspense pa kung bumukas ang pinto...dahan-dahan..kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya.Dahil kung sakali isa sa mga magulang niya tiyak na iba ang iisipin ng mga ito.Siya at ang lalaki sa tabi niya?Ano'ng ginagawa nila sa labas sa ganitong oras?Ano irarason niya?Wala!Wala siyang excuse na rason.

Kung gaano ka-suspense ganun din ang paglabas ng kuya niya!Magulo ang buhok nito at halata sa mukhang wala pang tulog!Patay!

Seryosong mata na tinignan siya nito hanggang sa hood ng jacket niya na hawak ng lalaki sa likod niya!

"What the?"murang sabi ng kuya niya sa lalaki bago binalik ang tingin sa'kin."Ano pang ginagawa mo diyan,Rafaela?Go to your room!"malakas na utos ng kuya niya sa kanya.Dun lang siya natauhan at parang asong hindi alam ang gagawin.

"Aray!"daing niya.Hawak pa rin kasi ng lalaki ang hood ng jacket niya,nasasakal na siya.Umirap siya sa kawalan."Bitawan muna ako."

Parang bingi na hindi pa rin nito binatawan ang hood ng jacket niya bagkus ay pumasok sa loob ng bahay.Humawa naman si Kuya at umirap.Kita-kita niya yun!Patay!Galit ba sa kanya ang kuya niya?Malamang!Secret bf niya kaya ang hayop na lalaki!

My Kuya's Boyfriend (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon