'S' stands for?

Depuis le début
                                    

"I don't know!"

"Sige na."

"Gusto mo ba talagang malaman?" nanghahamon niyang tanong.

"O-oo." Parang bigla akong natakot.

"Siya ang unang babaeng minahal ni Rion. When he was fifteen."

"S-Sigurado ka?"

"Of course! Why would I waste my time creating stupid stories? Isang babae lang ang mahal ni Rion at mamahalin and that is his first love, si Sherry. And he won't give his heart to another girl kahit wala na silang relasyon ngayon. At wala akong pakelam kung maniwala ka man o hindi. Now, get out of my way."

Tahimik akong tumabi sa dadaanan niya.

The letter 'S' tattoo on Rion's chest stands for Sherry. Rion must have loved her too much para i-tattoo pa ang initial niya. Worst... minamahal pa din. Kaya wala siguro akong alam na nagtatagal na girlfriend niya o kaya dati sabi niya hanggang date lang siya. Because he's keeping someone dear to his heart.

Parang binigyan ako ng death sentence sa sobrang kawalan ko ng pag-asa. Hindi niya maibibigay sa'kin ang gusto ko. Baka sa susunod hindi niya na 'ko hayaang lumapit sa kanya. And someday he'll realize I'm only an irritant. Kaya pala ang layo lage ng distansya niya kahit kanino. At hindi ko na magigiba iyon...


^^^^^^^^

Rion's POV


Nakita ko si Dollar na nasa tapat ng pinto ng kwarto ko. Ilang minuto syang nakipagtitigan sa pinto saka naglakad palayo.

One part of me told me to go after her. But why? I don't usually attach myself too much to anything I could never have. To those who do not belong to me. Sighing, I stepped out of the balcony and entered my room and took a shower. Nagpalit ako ng damit at kumuha ng canned beer sa personal ref.

It's eleven-thirty in the evening. Bumalik ako sa balcony and was surprised when I saw Dollar there. Ilang araw ko din syang hindi nakita pagkatapos ng hapon sa tree house. I'm busy with the team's new assignment. At kapag umuuwi na naman ako sa bahay ay malalim na ang gabi. But then again, ano ang magiging dahilan kung bakit kailangan ko siyang makita araw-araw?

Tahimik akong uminom ng beer sa madilim na sulok ng balcony.

Dollar's so serene and calm. Pwede naman palang tumahimik ang babaeng 'to. But I like more the talkative side of her. Some guys said that a girl's silence is one of the hardest things to deal with. 

Lumingon siya sa tinatayuan ko. "R-Rion? Nandyan ka ba?"

I stepped from the dark and revealed myself. "How'd you know?"

"Your scent," she smiled.

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Hindi pa kasi ako makatulog. Hehehe, tama ba ang sinabi ko? Ikaw? Bakit hindi ka pa natututulog?"

"Hindi pa 'ko makatulog."

"Hahahaha!"

Now I know what I've been missing these few days.

"So, Rion? Ano nga palang kaugnayan mo kila Zilv?"

Napahinto sa ere ang pag-inom ko. I was caught off guard. Bakit ba ang hilig manorpresa ng babaeng 'to?

"Nothing." Kung walang balak sila Zilv at Moi na sabihin kay Dollar ang tungkol sa grupo ay lalong wala akong balak. isa rin iyon sa pinangako namin nang sumali kami sa grupo ni Uncle Al. Hindi na kailangang malaman pa ninuman lalo na ni Dollar.

RION (Complete)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant