Chapter 51: Gang

7.7K 288 33
                                    

Sana's POV

August 28, Friday

Nandito ako ngayon sa tambayan.. Tamabayan namin. Hindi tambayan nila Kryst ah!

"Oh!! Sana Joyce!" Sabi ni Gast

"Gast." Sabi ko

"May dadalhin si Joie ngayon." Sabi niya

"Tsss.. Make sure hindi la-lampa lampa yan!" Sabi ko at umupo sa mesa

Si Gast ang pinaka-mataas samin. Kumbaga siya ang President, ako ang Vice President. Ako ang kasunod niya, kaya kung mamamatay yan, ako ang papalit.

May narinig kaming tunog ng motor hudyat na andyan na si Joie..

Pumasok si Joie, kasunod si.... Jimin?!

Nagulat siyang makita ako, lalo naman ako! Malay ko bang sasali yan dito! Mamaya ako pa masisi kapag napahamak yan!

"Andito na siya." Sabi ni Joie

"Mukhang may itsura ah! Apilido?!" Tanong ni Gast habang naka-hawak sa balikat ni Jimin

"Bensurto!" Sabi ni Jimin

"Mayaman ka ah! Anak ng isang mayaman.. May ibubuga ba 'to Joie?!" Tanong ni Gast

"Meron yan! Diba?!" Sigaw ni Joie kay Jimin

"Oo naman!" sabi ni Jimin

"Dapat lang! Oh sige. Labanan mo si Sana Joyce." Sabi ni Gast

"Ano?! Bakit ako?!" Tanobg ko

"May angal ka, Sana Joyce?!" Tanong ni Gast

"Oo! Baka mapahamak 'to at ako ang masisi!" Sagot ko

"Kaya ka nga sumali dito diba! Handa ka dapat masisi! Dapat handa kang manakit!" Sigaw sakin ni Gast

"Gast naman eh!" Sigaw ko

"Eh bakit ba ayaw mong labanan yan si Bensurto?!" Tanong ni gast

"Kailangan ba lahat alam mo?" Sakatikong tanong ko

"Oo! Dahil ang dami mong satsat!" Sigaw niya

"Ex siya ng pinsan ko! Masaya ka na?! Kilala ako ng magulang niya! Ayoko masisi! Ayoko mapagalitan! Baka hindi ako makapag-pigil!" Sabi ko

"Tigilan na ang ka-artehan! Simula!" Sigaw ni Gast

Kahit ayaw ko ginawa ko parin. Di ko na lang sasaktan 'to ng masyado. Baka umiyak tulad ni Kyle noon eh.

Nagsimula na kami. Iniilagan ko yung mga tira niya. Minsan pinatatamaan ko na lang yung sarili ko para masabi naman nila na may ibubuga 'to kahit talo naman talaga sakin. Sinipa ko yung paa niya pero mabilis siyang tumalon at ako ang tinamaan ng paa niya. Bumagsak ako. Agad akong tumayo at tinuhod yung tiyan niya.

Bwiset ka! Ako sisipain mo!

"Sana Joyce umayos ka!" Sigaw ni Gast

Tsss! Ang arte nitong baklang 'to!

Tinuhod ko yung tiyan niya tapos agad kong sinipa yung binti niya kaya na-off balance siya at bumagsak. Sinuntok ko siya sa tiyan. Bakit ang tigas? May bato ba 'to sa tiyan?

Tumayo agad ako.

"Pwede na ba yan? Tinatamad na ako." Angal ko

"Pwede naman na. May laban mamaya, grupo nila Four.." Sabi ni Gast

Playgirls & Badgirls vs Playboys & Bad BoysWhere stories live. Discover now