CHAPTER 1

5K 190 86
                                    

DEDICATED TO : Minzy14344

" Alis! " sabi ng kinaiinisan kong nilalang na kung bakit nilikha pa!

" Ba't hindi ikaw yung umalis?! " bulyaw ko sa kanya at tinitigan sya ng masama. Huwag nyang sabihin na kailangan kong matakot sa kanya dahil mukha syang albularyo.

" Sinusubukan mo ba ko? " natatawang sabi nya, kaya tumayo ako at tinaasan sya ng isang kilay.

" Oo. Akala mo ba natatakot ako sayo? Di purkit may lahi kang albularyo?! " pagtataray ko. Hayy, feeling ko hindi magiging masaya ang huling taon ng highschool life ko. Dahil may asungot akong kaklase.

" Ako? Mukhang albularyo san banda?!" Sabi pa nya kaya napangisi ako.

" Dyan sa ulo mong may panyo. Kulang nalang tapalan ko ng dahon yan. " mapang asar na sabi ko pero argh! Bakit nakangisi parin sya. Hindi man lang ba sya nainis.

Teka bakit ko nga ba kinakausap ang badboy slash playboy na katulad nya?! Baka mahawa ako ng kahanginan nya kaya umupo nalang ulit ako, mahirap na.

" Bakit ba ang init ng dugo mo sakin? Ang gusto ko lang naman mapansin mo na ko. " tanong nya. Wow! Matapos nyang lokohin at bola bolahin ang iba't ibang babae gusto nyang maging nice ako sa kanya?

" Pinapansin naman kita ah? Kaya lang isa sa mga kinaiinisan kong gawin yun. " sabi ko pa at inirapan sya.

" Ivan tara basketball. " aya nung lalaking kateam nya. Isa kasi sya sa mga panlaban ng basketball player ng campus namin.

" Umalis ka na nga panira ka ng araw! " sabi ko pero nakangiti parin sya. Hindi ba sya marunong mainis?

"Sige magkita nalang tayo mamaya." Sabi nya sakin at sumunod dun sa kateam nya.

" Sus, kahit hindi na tayo magkita forever! Masaya pa ko. " bulong ko at kinain nalang yung binili kong fries at burger.

" Yuna, pasensya na ngayon lang kasi kami pinababa ng teacher namin. May activity kasi kaming ginawa. " Umupo sya kaharap ko at dumukot sa fries na kinakain ko kaya hinampas ko yung kamay nya.

" Pinaghintay mo na nga ko tapos makikikain kapa, chupi! Bumili ka ng iyo. " sabi ko pero natawa naman sya. Akala nya ba hindi ako naiinis sa kanya. Kung dumating sya agad hindi magkakaroon ng pagkakataon yung ivan na 'yon para bwisitin ang araw ko.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Where stories live. Discover now