The Professor - End

Comenzar desde el principio
                                    

"Si Yana? Doon natulog sa best friend niya ah. Gagawa sila ng project," wika ni Tita Cely. "Hindi ba nagsabi sa'yo?"

"Hindi po eh..."

Pilit na ngumiti si Allen at magalang na nagpaalam. Nang makalayo siya sa bahay nila Yana ay mabilis niyang kinuha ang cellphone sa bulsa, at tinawagan ang best friend ng nobya.

"Hello, Kaye. Kamusta na si Yana?"

"Uy, Allen! 'Bout Yan-Yan, she's not texting me eh... ikaw din ba hindi niya kino-contact?"

"Hindi din, thanks."

May sasabihin pa dapat si Kaye pero pinutol kaagad ni Allen ang tawag!

Sa pagkakataong ito ay sigurado na siya! Walang duda, tama ang sinabi ng kanyang kaibigan! Sumama si Yana doon sa manyakis na propesor!

Pilit niyang kinalma ang sarili, pinigil ang sakit ngunit kusang tumulo ang kanyang mga luha. Durog na durog ang kanyang pagkalalaki dahil ang kasintahan niya ay nagpagamit sa propesor para lamang makapasa.

Noong oras na iyon, alam na niya kung ano ang pakiramdam ng maiputan sa ulo!

•••••

"Sa tabi lang po! Para!"

Bumaba ng jeep si Yana at mabigat ang mga paang naglakad pauwi sa kanilang bahay. Doon ay nakita niya si Allen sa gilid ng poste na nakayuko.

Tila may kung anong kumabog sa dibdib ng dalaga! Nagpunta kaya si Allen sa bahay nila? Ano kaya ang ginagawa niya dito? Ipinagpag ni Yana ang mga negatibong naiisip dahil ang mahalaga ay maganda ang balitang dala niya...

Wala nang problema sa grades niya! Makaka-graduate na sila ng sabay.

Masayang lumapit si Yana kay Allen at sinabi, "babe! Nagpunta ka sa ba samin? Galing nga pala ako kila Kaye kanina, nagpatulong lang ako sa project ko..."

Mabalasik na tumingin ang binata sa kanya. Tila may kung anong takot ang bumalot sa buong katawan ni Yana nang makita ang matinding galit sa mga mata ni Allen.

"B-babe ano, kasi, may problema ba? Don't worry, sigurado pasado n---."

Isang malutong na sampal sa kanang pisngi ang pumutol sa pagsasalita ni Yana! Napaupo ang dalaga sa basa at maputik na kalsada, halos mabingi sa lakas ng sampal ni Allen!

"Putang ina mo!" Halos mapatid ang litid sa leeg ni Allen. "Ang dami mong alibi eh nagpakantot ka lang naman sa prof para pumasa!"

"A-Allen... mali naman ang iniisip mo!" Sinubukang tumayo ni Yana upang yakapin at suyuin si Allen ngunit muli siyang napaupo dahil sa hindi mapigil na panginginig ng magkabila niyang tuhod!

"Mali? Ako pa ngayon ang mali? May nakakita sa inyo sa SM, huling-huli ko ang mga kasinungalingan mo Yana!"

"Wala kang pinagka-iba sa pokpok!"

"Nakakadiri ka!"

Napaluha si Yana, masakit ang pisngi niya ngunit mas masakit ang kanyang dibdib dahil sa mga salitang binitawan ni Allen.

"Sorry..." tanging nasabi ng dalaga na halos magpakain na sa lupa dahil sa labis na kahihiyan.

"Sorry na Allen..." pagmamaka-awa ni Yana. Pilit siyang bumangon mula sa pagkakaupo at mahigpit na niyakap si Allen habang patuloy sa paghagulgol, umaasa siya na sana ay maayos na ang lahat...

Naniniwala siya na patatawarin siya ng nobyo dahil malalim ang samahan nilang dalawa.

"Bitawan mo nga ako, nakakadiri ka!"

Erotica CollectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora