ONE SHOT STORY.
WELCOME TO ANDRA'S HELL. HOPE YOU GUYS LIKE IT :)
WARNING: BAD WORDS AHEAD.
THANKYOU AND ENJOY!!
ANDRA'S HELL
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Third person's pov.
Nakayuko habang naglalakad sa malawak na cover court si Andra. Kakikitaan ng labis na sakit at pagdurusa ang mga mata nito. Ramdam niya ang mga tingin ng kanyang kaiskwela na lalong nakapagpababa sakanyang pagkatao. Nanginginig man ay pinilit niyang lumakad ng mabilis. Ngunit hindi pa siya nakakalabas ng tuluyan sa naturang lugar ay hinarang na agad siya ng dalawang nagtatangkarang lalaki. Kapwa ito nakangisi habang nandidiring nakatingin ngayon sakanyang katawang punong puno ng pinagsamang hilaw na itlog at harina.
Tila mas dumoble ang kabang nararamdaman niya.
"Where do you think you're going b*tch? We're not yet done playing with you." Nakangising sabi ng isang babaeng kung titignan ay perpekto na sana kung hindi lamang sa masama nitong ugali.
"A-amanda.. I-Im really tired please let me go." Andra said almost whispering.
"Pardon?" Sabi lamang ni Amanda sa kabila ng pagmamakaawa ni Andra.
"A-ate.." Umiiyak na tawag niya kay Amanda.
Ang babaeng nagpapahirap sakanya sa araw-araw. Ang babaeng naging dahilan kaya wala siyang nagiging kaibigan.
Si Amanda.. Ang ate niya. Ang nagiisa niyang kapatid.
"Ilang beses ko bang sasabihing wag na wag mo akong tatawaging ate? Tanga! Bobo! Hindi mo ako kapatid! Ampon ka lang! Naiintindihan mo?! Ampon!" Umalingawngaw ang napakalakas na boses ni Amanda sa loob ng cover court. Lahat ng taong nasa paligid ni Andra ay nagtawanan. Ngunit para sakanya ay nakakabingi ito.
Walang nagawa si Andra kung hindi ang umiyak. Umiyak ng umiyak sa araw-araw niyang pamumuhay.
"Get out of my sight you son of a b!tch!" Muling sigaw sakanya ni Amanda kaya naman dali dali siyang tumakbo palabas.
Nanlalabo man ang paningin ay hindi siya tumigil sa kakatakbo. Tulad ng nakasanayan niya tuwing palagi siyang umiiyak at nalulungkot pumunta siya sa isang liblib na lugar na malayo sa lahat.
Andra's Point of view.
Napangiti ako ng mapait habang deretso lamang ang tingin ko sa mga naglalakihang puno sa paligid ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang mga luha kong kanina pa tumutulo.
Ilang araw na ba? Ilang buwan na? Ilang taon na ba akong umiiyak ng ganito? Ilang taon na ba akong naghihirap sa kamay ng sarili kong kapatid? Ilang taon na ba akong nagdurusa sa kasalanang hindi ko naman ginawa?
Sabi ng ilang tao, Sa impyerno daw ay puno ng mga taong humihingi at sumisigaw ng saklolo. Mainit at kasuklamsuklam ang itsura ng mga demonyo. Wala kang makikita kung hindi puro paghihirap.. na walang katapusan.
Pero para saakin ang totoong impyerno ay ang kinalalagyan ko.
Puno ng taong akala mo ay mga anghel ngunit hindi pala. Puno ng mga mapanghusgang mata na any minute ay maaari kang higupin. Hindi literal pero sadyang nakakatakot.
Mga nabulag na sa katotohanan.
Simula ng mangyari ang aksidenteng iyon. Ay naging Impyerno na ang buhay ko
YOU ARE READING
Andra's Hell
Horror"She only wants freedom. She only wants to escape" One shot story. Hope you'll like it :)
