Prologue

14.3K 239 2
                                    

Nakasandal ako sa pader malapit sa pintuan ng banyo. Kanina pa ako hindi mapakali. Ang tagal kasing lumabas ni Scarlett. Kinakabahan tuloy ako.

Ilang sandali pa ang lumipas ay hindi pa rin siya lumalabas. Kaya naman nang hindi ko na matiis ay kumatok na ako.

"Asawa ko.." Tawag ko sa kanya. Itinapat ko ang isang tainga ko sa pintuan. I hear nothing but silence. "Asawa ko.." Katok ko ulit .

Suddenly, the doorknob twitched. Napa ayos agad ako ng tayo. Lumabas si Scarlett. Nakayuko siya at nanginginig ang kanyang balikat. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman.

"Asawa ko.. ano 'na?" Napalunok ako.

"I'm..." Nag angat siya ng tingin sa akin. Isang malawak na ngiti ang nakapinta sa kanyang labi.

"You are?"

"I'm pregnant, Timothy!" Masayang sabi niya sabay taas sa resulta ng pregnancy kit.

Tumigil ang ikot ng mundo ko. Nakatitig lamang ako hawak ni Scarlett. Dalawang linya.

Positive...

Napakurap ako. Hindi makapaniwala sa nangyayari.

"You are.." Kinuha ko ang resulta sa kanya. "You are pregnant!" Masayang sabi ko. Niyakap ko ng mahigpit ang aking asawa.

She is really pregnant!

I knew it... I really knew it.

Tuwing umaga ay palagi siyang tamad bumangon. Minsan ay nagsusuka rin siya. She has a lot of cravings. Pag may gusto siyang kainin, dapat ay mabili ko iyon kaagad. And then from then... I knew she was really pregnant.

"We're having a baby!" Mas mahigpit ang yakap na ibinigay niya sa akin.

Tumulo ang luha ko dahil sa sobrang saya.  "I love you so much, Scarlett. You make me happy every damn moment of my life.."

"I love you too.." She answered.

I inhaled the sweet and addicting scent of her neck. Wala pa man akong ginagawa ay bigla ng dumiin ang mga kuko niya sa aking likod. I kissed her neck tenderly. Mas niyakap ko pa siya sa baywang. I want her to feel my reaction. Gusto kong malaman niya na siya lang ang nakakagawa sa akin nito.

Umakyat ang halik ko sa kanyang pisngi... hanggang sa umabot ito sa labi. Maingat ko siyang hinalikan. Nakapikit na ang kanyang mga mata, tila malapit ng mawala sa sarili. Pinagmasdan ko siyang mabuti.

Indeed, I'm a lucky man.

I'm married to her and now she's really pregnant! I really got her pregnant. Iyon talaga ang pangunahing hiling ko nang ikasal kami. Gusto kong magka anak na kami. Dahil ang anak ang nagsisimbolo ng isang pamilya. At ngayon... natupad na ang aking pangarap.

Sa loob ng anim na buwan, pagkatapos naming ikasal ay marami na ang nangyari sa amin. Hindi ako makapaniwala na sa ang babaeng matagal kong inaasam ay mapapa sa 'kin na ng tuluyan.

Mahal na mahal kita, Scarlett.

Tumigil ako sa paghalik at binuhat siya patungo sa aming kama. Minulat niya ang kanyang mga mata. Niyakap niya ang aking leeg. Nakatuon ang mga mata niya sa aking labi. She's panting so hard right now.

Marahan ko siyang binaba sa kama. Nilagay ko sa mesa ang pregnancy kit result. Dinaganan ko siya nang hindi binibigay ang aking bigat. Nakatukod ang aking mga siko sa magkabilang gilid niya.

Nagtagpo ang aming mga mata. Ngumiti siya sa akin.

"I love you." Hinalikan ko ang kanyang noo. "I love you." Hinalikan ko ang kanyang pisngi.

The Story Of Us 2: Timothy SerranoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon