You and Me by @IamPrettyEszah

718 58 16
                                    

You and Me
The names of the protagonists I used were from Jonaxx’s Why Do You Hate Me story, credits to her. The places and incidents are purely made by the writer’s imagination. This one-shot story is dedicated to Ate Jonaxx, MadeForJonaxx fan account and to all JSLs. I was inspired to make the plot of this story while I was backreading WDYHM.

Nakaupo ako sa open reading center ng paaralan habang pinapanood di kalayuan ang tanging lalaking laman ng puso't isipan ko. Ang sabi niya'y hintayin ko lang siyang matapos ang kanilang basketball practice. Andito ako hindi para magbasa kundi upang tumambay lamang sa lugar na 'to. I'm so out of place. Lahat ng estudyanteng kasama ko dito ay nagbabasa sa kani-kanilang textbooks o di kaya'y novels. Napagdesisyunan kong dito maghihintay sa kanya dahil malapit lang sa gym.

Hindi ko alam kung bakit dito naisipang itayo itong reading center. Malapit sa gym at araw-araw na ginagamit kaya't medyo maingay sa paligid. Hindi nakakapagconcentrate ang tumatambay dito upang magbasa. Ayon sa principal dito, ililipat din daw ito sa medyo isolated na lugar sa campus na ito. Wala akong pakialam kung saan ito ililipat. Magtatapos na rin naman ako this year. Hindi ko na ito mapapakinabangan sa susunod na taon.

Nakatunganga lang ako buong magdamag hanggang sa nakita kong papunta na siya sa kinauupuan ko. Bumilis agad ang tibok ng puso ko.

"Hi Jus. Kanina ka pa ba? Pasensya na't matagal kaming dinismiss ni coach eh."

Hanggang ngayon 'di pa rin ako makapaniwalang naging boyfriend ko na 'tong guwapong nilalang na ito. I never thought I would become Chancellor Jory "The Great" Rama's girlfriend. Alam kong 'di ako ang first girlfriend niya but nararamdaman ko naman na his true to his words and actions towards me. At ako si Justice Corpuz, isang simpleng nilalang na napabilang sa mga babaeng nahumaling sa kakisigan at katalinuhan ng lalaking ito.

"Medyo. Pero okay lang, hihintayin naman kita kahit kailan." Ngumiti ako sa kanya. And he smiled back. Ang gwapo talaga. Wala na 'ata sa akin ang puso ko. Tumalbog na papunta sa puso ng kaharap ko.

CJ's one of the prominent students here in our school. He's from Cebu and he transferred here in Manila. Ang rason, hindi ko alam. Hindi niya gustong pag-usapan and it is okay for me. Kung ako din naman, if it's a sensitive issue then hindi na mahalagang malaman pa ng iba. It's a private matter.

Unang kita ko kay CJ, naging crush ko na siya. Palagi akong nakatambay sa open reading center kung kaya't natatanaw ko rin siya sa open gym ng campus 'di kalayuan. Napapansin ko minsan na pagkatapos ng practice nila ay nakatingin siya sa banda ko. I don't want to assume but I did. Hanggang sa ilang araw na pagtatambay ko dito at panonood sa kanya ay nilapitan niya ako matapos ang kanilang practice. Halos lumiwanag ang paligid na parang nasa langit na ako at ang nakikita ko lang ay ang pagmumukha ng crush ko.

Lumapit siya sa akin. "Hi. Do you mind if I talk to you for a second?" Tama bang narinig ko? Talk to me? Walang pag-aatubiling sumagot ako.

"Yeah, sure. Talk about what?" Pa-cool kong sagot kahit na di na magkamayaw ang buong sistema ko dahil sa kaharap ko.

"Can you be my date?" A-anong sabi... date? DATE! "Our degree program is having an annual get-together party before the graduation day. It's only for graduating students."

Ano daw? Teka, 'di ko ma-process ng maayos. OMG! CJ Rama is taking me on a date!

"B-bakit ako?" Teka, parang pabebe naman ng tono ng pagtatanong ko. Gusto ko ring malaman kung bakit ako ang napili niya.

"Bakit? Hindi ba pwede? May magagalit ba? I'm sorry. I just," pinutol ko siya. Chance na 'to no.
"No! I mean... I just wanna know kung bakit ako. Wala namang magagalit." Ngumiti ako. Assurance sa kanya na okay na okay ako sa date na yan. Naku! Si CJ Rama na ito no. Masuwerte ka nga Justice at ikaw ang nilapitan kahit di pa kayo lubos na magkakilala.

"I just want to take you. I mean... Lahat na yata ng babae ay nalapitan na ng mga batchmates ko, so," tumingin siya sa akin. Ayoko na ngang magtanong. Baka magbago pa desisyon niya no. Diyos ko! CJ Rama! Ako ang magiging ka-date niya sa event nila! Ang swerte mo, este, ko pala. Hehe.

"Game!" Ngumiti ako to the highest level. Nagulat siya. Di niya siguro akalaing mabilis niya akong napasagot. Kung pinagtitripan lang ako nito, bahala na. Basta ba magkalapit kaming dalawa. Hihi.

"Thanks! Sige. Alis na ako." Umalis siya at lumapit sa mga kasama niya. Di ko na maintindihan ang nangyari. Nakita kong nagkakatuwaan pa sila, parang tinutukso nila si CJ at ang isang kasama niya ay tumingin pa sa'kin at ngumisi ng napakalapad bago sila umalis. So weird. Bahala na nga, ang importante ako ang DATE niya.

Lumipas ang ilang araw matapos ang event ng Accountancy students. Maganda at sobrang gara ng mga pagkain at iba pa. Palaisipan sa lahat ng mga dumalo kung bakit ako ang naging date ni CJ. I don't care about them. Kay CJ lang ako naka-focus na palaging nasa tabi ko lang at minsan lang umaalis kapag kasali siya sa presentation. Paminsan-minsan ay hinahawakan niya ang kamay ko at tinatanong kung okay lang lang ba ako, nagpapasensya pa siya kasi boring daw ang event. No. Ba't naman ako magiging bored kung isang CJ Rama ang kasama ko.

And now he's here with me. Nasa open reading center ulit ako. May dala akong books but hindi iyon ang pinagkakaabalahan ko. Itong katabi ko. Gusto niya raw na magrelax. Nakakastress daw sa gym kaya siya nandito. Tumakas lang din ito sa practice.

"Sigurado ka bang hindi ka papagalitan ng coach niyo? Tumakas ka lang eh," sabi ko sa kanya.

"No. Alam na ni coach. Nagpaalam naman ako. Sabi ko punta muna ako sa clinic. I need a therapy."

"Therapy?"

"Therapy nga. I want to relax. I'm stressed."

"Gusto mo lang siguro makawala. May pa therapy ka pang nalalaman. Mabuti't nakalusot 'yang rason mo." Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. Hulog na talaga ako sayo, CJ.

"Tara sa canteen. Libre kita." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila para mapatayo saka hinila ulit para magpuntang canteen. Nagpatianod na lang ako sa gusto niya.

These past few days, naging mas close kami ni CJ and parang mag-bestfriend na rin ang turingan namin sa isa't-isa. Minsan sabay kaming kumakain sa canteen. Hinihintay niya rin ako sa labas ng classroom ko. Minsan din hatid-sundo niya ako. I didn't ask him about this. Sapat na sa akin ang friendship na meron kami ngayon.

Wala siya sa araw na ito. I ask one of his friends at ang sabi ay absent daw dahil may sakit. I texted him pero wala akong reply na natanggap. I am concern because he is my friend. May klase pa ako. Mamaya ko na lang siya tatawagan.

Paglabas ko ng classroom, andaming tao sa plaza. May nag-a-assemble pa ng kung anu-ano sa mini-stage doon. Sa dami ng tao, di na ako makalusot upang makiusyoso kung anong meron. Tumalikod na lang ako at aalis na upang matawagan si CJ.

"Hello. Mic test..." Magsisimula na yata sila. Binibilisan ko ang paglalakad palayo upang 'di madamay sa mga taong dumudumog. May sikat na banda ba? Anong meron at pinapasok nila eh school days ngayon. No special day or event for the school.

"Hello. Kilala niyo ba si Justice Corpuz? Kung sino ang makakapagbigay-alam sakin at madala siya dito ay bibigyan ko ng....." Hindi pa rin ako tumigil sa paglalakad. Mas lalong dumami ang mga tao dito. Kailangan ko ng makaalis. Pupuntahan ko na lang si CJ. "VIP ticket para sa concert ng The Chainsmokers..." What? The Chainsmokers? My God! The Chainsmokers ang nandito? Pero, nagtatagalog 'yong nagsasalita.

"Teka, miss..." tawag ko sa babaeng makikidumog din yata doon. Bumaling si ate sa akin. Parang handa siyang kumalmot sa oras na hindi importante ang sasabihin ko.

"What?" Pagalit niyang sabi.

"Anong meron? The Chainsmokers ba ang nandito? Anong VIP ticket?"

"Ang bingi mo naman!" Aba, galit. "Hahanapin daw si Justice Corpuz. Kung sinong makahanap, bibigyan ng VIP ticket para sa concert! Diyan ka na nga!" At umalis na siya..

Kahit mukhang ang laki ng galit niya sa mundo, nagthank you pa rin ako sa kanya. "Thank you!" sigaw ko. Pero teka, sino 'yong hahanapin? Justice Corpuz? JUSTICE? AKO YON AH! Teka, bakit ako hinahanap? Sinong nagpapahanap? Pinagtitripan na naman ba pangalan ko. Sinong...? Bago pa ako maka-ikot para bumalik sa dinadaanan ko ay may humatak sa akin at inalsa na parang sako.

"Hoy! Teka, sino ka? Ibaba mo ako. Masakit na ulo ko hoy! Ano ba?" Pagpupumiglas ko ngunit mas malakas yata 'tong tao na 'to. Ang sakit na ng ulo ko. Parang lahat ng dugo ko, napunta sa utak ko. Naka baliktad nga naman katawan mo, sinong hindi magsasakit ang ulo.
Hanggang sa naramdaman kong parang tumatabi ang mga tao habang naglalakad 'tong kung sino mang poncio pilato na 'to. Para naman akong ewan sa posisyon kong 'to.

"Hoy, teka! Hindi ko sinabing buhatin niyo siya. Ang sabi ko dalhin niyo ng buhay at maayos sa akin. Ibaba mo na! Tsansing ka eh." Tumawa 'yong mga kasama ng nagsalita. Sino ba kasi 'to? Lumapat ang mga paa ko sa lupa. Sa wakas, di na masakit ulo ko. May biglang humila sa akin at niyakap ang braso niya sa baywang ko. Teka, pamilyar ang amoy ah. Amoy...

"CJ!" Ba't nag-iba boses niya? Di ko siya nakilala. Anong ibig sabihin nito?

"Tss." Galit siya. Kahit kunot noo siya, ang gwapo pa rin. "Diyan ka lang! Umatras kayo! Bigyan niyo siya ng space!" Narinig kong nagmura siya ng malutong bago umakyat sa isang baitang na mini stage na ginawa nila dito sa plaza.

"This is for the girl who keeps on running through my mind. From the day that I met her, I never thought I can feel something towards her." Sinasabi niya ito habang nakatingin sakin. His eyes only darted at me. Change of mood agad. Kanina, galit galitan siya. Ngayon, ngumingiti na siya. Teka, kakanta siya? Ngayon ko pa lang siya maririnig na kakanta.

"What day is it? And it what month this clock never seemed so alive..." Pagsisimula niya. This is my favorite song. Iniisip ko noon na kung maging kami man ni CJ, na sobrang layo sa katotohanan, ay gagawin ko itong theme song for us. Kinanta niya... Alam niya ba na fave song ko ito o gusto niya lang ang kanta na ito?

He has a good voice. Mas lalo lang akong na inlove sa kanya. How I like guys who loves to sing, lalo na pag ganito kaganda ang boses. It seems like I'm in heaven now. This guy knows how to swoon the hearts of many girls. He even know how to dance, just like what they did noong Accountancy night. They danced the moves of Hashtags. Tawang tawa ako noon. Siya lang kasi ang nakuha lahat ng moves ng Hashtags. Parang si Zeus kung sumayaw. CJ, ano pang hindi mo kayang gawin?

And now this guy is in front me of. He's singing for me and asking if I want to be his girl. Who wouldn't?

"Ano na? Gusto mo ba o gusto mo? Kasi ako, gustong-gusto kitang maging girlfriend." Naiinip niyang sabi. Kailan pa naging masungit ang isang 'to? Wala naman akong choice sa tanong niya. Haha.

Tumango ako sa kanya.

"Ano? Kailangan ko ng salita."

"Yes."

"Yes lang?" Huh? Ano pa bang sasabihin ko?

"Huh?"

"Aish.. Okay na yan. Tara na!" Hinila niya ako. "Kayo ng bahala diyan!" sigaw niya sa mga kasama niya.

"Saan tayo?" tanong ko.

"Date."

"Date?"

"Bakit? Ayaw mo?" Sungit.

"Ang sungit mo. Alam mo ba yon?"

"Tss." Iminuwestra niya ang front seat ng kanyang sasakyan. Sumakay ako agad.

"Bakit ang sungit ng isang CJ Rama ngayon?"

"Ba't di ako magsusungit? Halos makita na ang panty mo kanina habang pinapasan ka ng lalaki na iyon. Pwede namang maglakad lang, nagpakarga pa talaga." Bulong bulong niya.

"Hindi ako nagpakarga ha. Nabigla na lang ako at may humatak na sakin at kinarga ako. Masakit pa nga ulo ko dahil sa ginawa niya."

"Masakit? Saan? Ba't di mo sinabi agad? Nasapak ko na sana 'yon." Tignan mo 'to. Brutal din eh.

"Bibigyan mo pa 'yon ng ticket. Ba't kasi may pa ganon pa? Pwede namang diretso mo lang akong tanungin."

"Hindi ko na yon bibigyan. Hinawakan niya ang dapat sana'y ako lang ang makakahawak," seryoso niyang sabi. "Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?" Mula seryoso ay naging malambing ang boses niya.

"I like what you did. Favorite song ko pa kinanta mo. Ang hindi ko lang gusto ay 'yong nakahatak ka pa ng fans." Tinignan ko siya. Hindi alam kong magseseryoso ba o magpipigil ng ngiti. Di ko na sana sinabi yon. Nahiya naman ako sa huling sinabi ko.

Simula sa araw na iyon ay palagi na kaming nagsasabay sa paaralan. If he has practice, sinasama niya ako sa gym. Kung gusto kong tumambay sa open reading center, sinasamahan niya ako. Lagi niya rin akong kinakantahan ng You and Me.

It's so fast na hindi ko na napagtuonan ng pansin ang ibang bagay nang dumating si CJ sa aking buhay. He brought me to Cebu City where his family lived. Mababait sila. Ang laki ng angkan nila. My family already knew about CJ. Nakasundo nga agad ni CJ ang Papa ko.

Nasa dining table kami ng bahay nina CJ. Kinakausap naman nila ako habang kumakain kami. Minsan, tahimik lang din ako. His family is too intimidating. Hindi bagay ang isang tulad ko sa pamilya nila. I simply live my life with my mother, father and younger brother. I'm not rich like him. Pinipigilan ko ang sariling kong huwag maiyak sa mga iniisip.

Naramdaman ko ang kamay ni CJ sa likod ko. Napansin niya yatang malalim ang iniisip ko. Lumingon ako sa kanya.

"Hey, are you okay?" malambing niyang sabi. Mas lalo tuloy akong naiiyak. "Are you tired? Magpahinga na tayo pagkatapos kumain. Eat well, please. Konti lang kinain mo. May problema ba?" Tumulo na lang bigla ang luha ko. Pinunasan ko agad. Lumingon pa sa akin lahat ng mga kamag-anak niya.

"I'm okay. Where's your comfort room? Mag-aayos lang ako." ngumiti ako sa kanya saka tumayo. "I'm sorry po. Excuse me." Paalam ko sa mga kasama naming sa mesa.

Gusto ko na lang lumubog at 'wag ng lumitaw pa. Anong meron sa emosyon ko ngayon? Sobrang drama naman nitong ginawa ko. Iginiya ako ni CJ sa comfort room. Pumasok ako. Pumasok din siya.

"CJ, labas ka muna."

"No. What's on your mind, Jus? Gusto kong malaman. Bigla ka na lang naging malungkot."

"Please... CJ.."

"Chance, what's wrong? Is she okay?" Lumapit ang kanyang ina sa amin. Nakakahiya na talaga.

"I-i'm okay po, Ma'am," sagot ko. "I'm sorry po kanina. Siguro po namiss ko lang po ang pamilya ko," sabi ko na lang para di na sila magtanong. Kung malaman nila ang dahilan, baka ano pang masabi tungkol sa akin. Ang babaw lang naman ng rason ko.

"Leave us muna, Chance. Ako na ang bahalang kumausap kay Justice. Maybe, Jus is more comfortable if she's talking to a girl." Hinawakan ng mama ni CJ ang kamay ko.

"No, Mom. I'll deal with her. She's mine. She's my girl. Dapat ako ang kumausap sa kanya." Damn, CJ. Nakakatuwa ang mga banat mo. Maybe, I'm okay now.

"Son, I know she's all yours. Sige na, saglit lang 'to. Babalik din kami agad." Ngumiti ang kanyang ina. Mapupungay ang mga mata niya ng tumingin sa akin. Nandoon pa rin ang concern sa kanyang mukha.

"Mom, be good to her po," sabi nito bago umalis. Umiiling habang natatawa si Mrs. Rama. Now I have to face his mom. CJ's face has a resemblance with his mom while sa tindig at pangangatawan ay sa kanyang ama siya nagmana. This woman is so simple yet intimidating.

"Halika, hija. Sa garden na muna tayo," tumango ako.

Lumabas kami. Nang makarating sa kanilang garden ay nagsalita si Mrs. Rama,

"Hija, I know what you're feeling. Yung pagluha mo kanina, I remember someone who did that also while having a dinner." Really?

"S-sino po?"

"Myself," she smiled at me. "Did you cry because the Ramas so intimidating?" What? Paanong nalaman ni Mrs. Rama ang rason ko?

"P-po? P-paano niyo po nalaman?"

"You remind me of myself. Ganyan din ako noon. The first time that I met the Ramas, halos hindi na ako kumibo at tanging pagngiti lang ang nagagawa ko. Nag-away pa nga kami saglit ng daddy ni CJ dahil sa naging aksyon ko noon. But, he understood right after he knew what my reason is," she stopped for awhile. Then, nagpatuloy ito.

"I thought of negative things. Akala ko noon hindi ako matatanggap ng pamilya ng daddy ni CJ. Simple lang ako noon. Walang maipagmamayabang 'di katulad ng daddy ni CJ. But then, they accepted me. Hanggang sa ikasal kami and until now, hindi ko naranasan ang alipustahin ng isang Rama. Mababait sila, hija..."

"CJ is just too good for me po. He's imperfect. But his flaws made him almost perfect. Nakikita ko rin po na ang isang tulad ni CJ ay malayo pa ang mararating at makakahanap pa po siya ng mas babagay sa kanya."

"So, what do you suggest, Justice Corpuz? Are you going to dumped me? 'Cause I won't let you." Kanina pa siya diyan? "Mom, stop it. Ako na po ang bahala kay Justice. Hinahanap ka na po ni daddy sa loob."

"Hija, just be yourself, okay? Totoo lahat ng sinabi ko kanina. Mag-usap kayo ni CJ. I'll just go inside." Ngumiti si Mrs. Rama sakin. "And please, don't call me Ma'am. Tita na itawag mo sakin."

"Mom, she'll have to learn to call you Mom too. Soon. Very soon."

"Alright, son. I'll leave you two here. Bye Jus."

"T-thank you po."

Ngayon, kaming dalawa na lang ni CJ. Alam kong narinig niya lahat ng pinag-usapan namin kanina ng mommy niya. What to do now?

"Don't you have trust in me? Tingin mo hindi ako seryoso sa relasyon natin? Why, Jus? Am I not enough? You thought of the worst in me. Na makakahanap pa ako ng iba? Really?” saad niya ng may halong hinanakit. Lumapit siya sa akin at hinila ako papalapit sa kanya. He enveloped his arms around me.

“I’m sorry, CJ…” Inikot niya ako. Nasa likod ko siya. He held my waist then wrapped his arms around me. I lean my whole body to him. Nilagay niya ang kanyang baba sa balikat ko.

“Do you remember the first time I approached to you? I was so nervous then and I thought you would snob me. Natotorpe ako sayo. I wasn’t like this before. Sayo lang ako ganito, Jus.” I know. I felt it, CJ. I’m so lucky.

“Kung may nangyari na satin, iisipin kong buntis ka ngayon Jus,” bulong niya sakin. Tumawa siya ng mahina. Pabiro kong hinampas ang kanyang braso. Natawa din ako sa sinabi niya. “Pahinga na tayo. Maaga pa tayo bukas. Ipapasyal kita sa Cebu City.”

I can’t remember the exact time that I was so happy. Today, I am marrying Chancellor Jory Rama. Naging crush ko and in a span of time, ikakasal na ako sa kanya.

“I love you so much, Mrs. Justice Corpuz Rama. I am so in love with you...”

“I love you Chancellor Jory Rama. I love only you,” ngumiti ako sa kanya.

“This is going to be our first kiss, Jus. I will make it a memorable one,” and he kissed me. I’ll never forget my first kiss because I shared it with you, and in our wedding day, CJ.

Narinig kong may humampas ng mesa sa harapan ko. Napadilat ako.

“Aba, Miss… This is a reading center, not your sleeping room.”

“Disturbo ka talaga kahit kailan, Mae.”

“I thought you are sleeping.” My bestfriend sit beside me.

“I was creating scenes in my mind until you came. Nawala na tuloy iyong momentum.”

“Ayan ka na naman. Day dreaming. Patingin nga nito,” sabay hablot niya sa librong hawak ko. Binasa niya ang cover page ng libro ko. “Why Do You Hate Me by Jonaxx. Ito na naman? Pang ilang basa mo na ‘to, Justice?” singhal niya. Ang laki naman ng problema ng babaeng ito kung makasinghal.

“This is my favorite. Andito ang bias ko na jonaxx boy,” sagot ko sa kanya. Matalim ang mga mata niyang nakapako sa akin. Magsesermon na naman ‘to.

“Jonaxx boy na naman. Hindi naman iyan totoo. Kung makapagbigay ka ng atensyon parang totoo talaga ah.”

“Hindi mo kasi ako naiintindihan. Hindi ka naman JSL.”

“Ano na naman iyang JSL? Naku Jus, tigil-tigilan mo na nga ang kakabasa sa Wattpad. Gumagastos ka pa kapag siniself-published iyong books ng favorite author mong si Jonaxx. My God! Whatever! Tara na nga. Pakilala kita sa pinsan ko.”

My parents are so cool with my obsessions, Jonaxx books and stuffs. If I don’t have enough money, humihingi ako sa mga magulang ko. Hindi naman nila ako tinatanggihan. Itong bestfriend ko lang ang sobrang asungot, kung minsan. Hindi niya raw kasi ako maintindihan. Nagsasayang lang daw ako ng pera at effort kakagawa at kakabili ng mga stuffs about Jonaxx, the characters of her stories, and her stories itself. Tinatamad na akong mag-explain sa kanya. She didn’t listen to me, anyway.

“CJ!” Narinig kong tawag ng bestfriend ko sa pinsan niya. CJ?

“CJ Rama?”

“CJ Rama na naman, Justice!” I didn’t look at her. Nakatuon ang pansin ko sa lalaking papalapit sa amin. “Anyway, this is my cousin-” Hindi niya pinatapos ang bestfriend ko. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin sabay pakilala.

“Hi. I’m Chancellor Jory Romero. You are?” he smiled at me pagkatapos niyang magpakilala. Chancellor Jory… Romero. His features screamed like CJ Rama’s. Now I have seen CJ Rama in real life, a jonaxx boy in real world.

“Justice Cordova.” Pakilala ko sa aking sarili. I smiled at him, too.

I am Justice but not a Corpuz. He is Chancellor Jory but not a Rama. I have to continue the story I made lately. I will make a story for me and for my jonaxx boy, even if it will only be in my own website.

Wakas

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MFJ ONE SHOT [CLOSED!]Where stories live. Discover now