(2) The Most Common Type of First Encounter (★)

Beginne am Anfang
                                    

Napangiti ulit siya at tumango. "Hmm."

Yung ngiti niya… Grabe, nakakaloko na to. Talagang love and first sight ang drama ko. Well, sige, kung di kayo naniniwala sa love at first sight edi like at first sight nalang. Eh sa nagustuhan ko nga siya eh. Ewan ko ba, parang may magnet siya nung una naming pagkikita. Parang gustong-gusto kong nakatabi sa kanya. Merong something sa babaeng ‘to. Yun nga yung nakakatawa eh – kasi akala ko sa pelikula at libro lang posible ‘to. You never really believe it’s true until you experience it.

"Ui, Ren!" Three girls approached her. "Last class mo yan? Tara, gala tayo!"

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto narin ako. "Ah, teka lang ha. Pakikilala ko muna kayo… Gals, meet Gerard. Kaklase ko siya sa English class." Ngumiti lang ako sabay sabing, "uh, hi!"

"Hi! My name’s Chen, best friend ni Ren. Oh! That rhymes!" Tumawa siya ng tipid (na halata namang hindi talaga ganun yung tawa niya) saka inabot niya yung kamay ko tapos nakipag-shake hands.

"H-hi!" Bati ko naman. She seems like a nice girl. Maganda siya, tsaka matangkad. Parang model lang. Naka-red heels siya, red top, red bag, red earrings. Di masyadong halata sa kanya na ang favorite color niya ay Red. Hindi. Hindi talaga halata.

"I'm Eclaire." Pakilala naman nung katabi niya. Parang desert lang! Nakakagutom tuloy. Natatawa na naman yung isip ko, pero pinigilan ko muna kasi kailangan kong kilalanin ang mga babaeng ‘to. I can tell by her looks that she’s very different from Miss Chen. We, then, shook hands. Maganda rin siya. Though, hindi siya yung tipo na ka-pansin-pansin. She's slim and the curls of her hair's the Victorian style. Pero bakit ganun? Parang poker face lang siya lagi.

"I'm Reolla. Nice meeting you." Pakilala naman nung katabi ni Miss Eclaire, at naka-shake hands ko rin siya. Ui. Petite naman ‘tong isang ‘to. Pero cute siya kahit maiksi lang yung buhok niya. I can tell she’s a music-lover.

Wow. Grupo ba ito ng Charlie's Angels plus one? Tss. Lumang-luma na. Hmm, Mean girls plus Lindsay Lohan? Nanunuod din naman kaming mga lalake ng ganun, para naman may knowledge kami about girls. Ah, basta, grupo sila ng magaganda. Ba't kaya walang mga lalakeng umaaligid sa mga 'to? Tumingin-tingin ako sa paligid para tignan kung meron at baka naiwan lang sa tabi, pero wala talaga eh.

Oo nga pala. Hindi sila noticeable. Masyadong malaki ang university na ‘to para maging sobrang popular ka. Maliban nalang kung may banda ka, o artista/model ka, o varsity, o talagang famous personality ka (yung mga madalas na lumalabas sa internet o iba pang klase ng media). Hindi na ‘to tulad ng high school na may stereotype ang mga popular.

Nung ibalik ko ang tingin ko sa kanila, yung si Chen abot-tenga ang ngiti. Parang nakakita ng artista. Ehem. Hindi ako magaling na observer no? Hindi eh, hindi talaga. Napatawa na naman ng malakas yung utak ko.

Hinila nila si Ren palayo pero sa sobrang lakas ng boses ni Chen, narinig ko pa usapan nila. "Girl! Kaloka ka! May kaklase ka palang gwapo! Isama mo sa gala!"

"Ssshhh. Ano ka ba….." Medyo napakunot yung noo ko. Pilit kong pinapakinggan pero hindi ko marinig yung ibang sinabi ni Ren. Mahina siguro talaga ang boses niya.

"Sige na, Ren, ipamigay mo na kay Chen yan. Kawawa naman oh, wala pang lovelife. Pa'no ba naman kase, sobrang pihikan. Ngayon nga lang naging ganyan yan eh." Si Eclaire naman yun. Grabe ha, uso ba malakas ang boses sa barkada nila?

"Yayain mo na siya, Ren! Please?" Isa pa ‘tong si Reolla, kung kiligin, wagas! Hmm… Mukhang si Eclaire lang hindi tinamaan sa… ehem ehem… akin ah? Teka, si Ren kaya? Nagsimula na namang mag-imagine ang magaling kong utak. Tapos tumatawa pa siya.

"Akin na siya, Reolla! Maghanap ka ng sa'yo!" May katarayan, pero halata namang nagbibiro lang si Chen. Pero ang ingay talaga niya. Hindi yung nakaka-iritang ingay, basta, malapit na dun.

"May the best girl win!” Kung makatawa naman si Reolla. Imaginin niyo nalang yung pinaka-evil na tawang narinig niyo sa buong buhay niyo.

"May the best girl win ka pa diyan! Ako nauna!" Chen’s arms are crossed at medyo tumataas-taas pa ang kilay. Nakapout naman itong si Reolla. Seryoso ba talagang pinag-aagawan nila... ehem ehem. Ako? Dahil mahilig tumawa ang utak ko, oo, tumatawa ulit siya ngayon.

Nagsalita ulit si Ren pero hindi ko na narinig yung sinabi niya. Lumapit na sila sa'kin ulit. Medyo nagbabangayan pa ‘tong sina Reolla at Chen. Dahil sa… ehem ehem… akin.

"Ah… Gerard." Lumingon siya dun sa dalawang hindi maipinta ang mukha sa sobrang kilig. "Pwede ka ba daw sumama sa Sabado ng gabi?"

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt