It Was The Road by @fictionalagb

Start from the beginning
                                    

Nag thumbs up sila. At ako, napabuntong hininga.

"Name?" Tanong ko kay Russel at Suki.

"Marj." Simpleng sagot ni Russel.

"What? 'Yung kaibigan ni Freya?" Napatingin rin ako kay Freya nakangiting tumatango.

Gosh! Di ko 'yun ine-expect!

"Wow, congrats, Russ!" Nag-apir kami.

I'm seriously happy for the both of them. Kaso wala si Marj ngayon.

"Suki?" Bumaling naman ako sa bestfriend kong lukaret.

"You probably don't know him. His name is Sebastian, you can call him Basty." She smiled.

"At para saan naman itong party na 'to? Para magcelebrate na ako na lang ang single? So what?"

"Tara, bar." Anyaya ni Leon.

Nakita kong sumimangot si Freya sa kanya. They're such a cute couple!

"Ano, inggit ka na ba? Magboyfriend at magseryoso ka naman na kasi Lilienne!" Bulong sa akin ni Suki.

"Uh, I'm fine alone."

Ngumiwi ako sa sinabi ng tumalikod na si Suki.

Nagsitayuan na kami sa aming mga kinauupuan at nagpunta na sa sasakyan ni Russel.

Sina Leon, Freya, Juliet, at Julio ang magkakasama sa sasakyan ni Leon. At ako, si Suki, at si Russel naman ang sa sasakyan ni Russel.

Ng makapunta kami ay agaran rin naman kaming nakapasok, marahil sa madalas na pagpunta namin nina Leon dito dati at nakikilala na rin kami.

Pumunta kami sa isang bakanteng upuan.

"Wait, is that Basty?" May tinurong lalaki si Suki at mayroon din itong isang kasamang lalaki.

"Don't even know the guy." Natatawa kong sinabi.

"Wait lang guys, huh? May lalapitan lang ako."

Tumango kami sa paalam ni Suki.

Maya-maya lang ay nakita kong umupo na nga si Suki at inakbayan naman ito nung Basty, siguro. Nakita ko rin kung paano kumunot ang noo ni Suki habang pinagmamasdan ang lalaki sa harapan niya.

No! Don't tell me 'yon ang gusto niya at hindi si Basty! Ano ba-

Naputol ang pag-iisip ko ng kawayan ako ni Suki at pinapapunta roon.

"Uh, wait lang guys, huh. Tinatawag ako ni Suki eh. Saglit lang talaga." Paalam ko sa mga kasama ko na tinanguan naman nila.

Ng lumapit ako ay agad kong kinakamayan ang kaakbayan ni Suki.

"Nice to meet you. You're Basty, right?"

"Yeah, and you're Lilienne?"

Tumango ako ng nakangiti.

Agad ko ring binalingan ang isa pa nilang kasama ng na-realize kong kanina pa pala ako nakatalikod sa kanya at hindi niya man lang makita ang mukha ko.

"Hi!" At bigla naman akong napatigil.

"Ikaw ulit?" Pasigaw kong sinabi.

Siya naman ay chill lang. Mabuti nalang at wala masyadong nakapansin, maingay-ingay na rin kasi sa loob ng bar.

"I knew it was him!" Singit naman ni Suki tumigil din ka agad dahil nakita ang galit sa mukha ko.

"Oh, so where did you guys meet?" Sabi naman ni Basty na walang idea.

MFJ ONE SHOT [CLOSED!]Where stories live. Discover now