"Ang Bwiset na Hairu na yon Nanay. Tingnan nyo ang ipapabaon sakin!" Ipinakita ko kay Nanay ang laman ng eco bag.

"Asido at Zonrox! Ang pinabaon niya sakin Nanay!" Sabi ko habang Nagngi-ngitngit ako sa galit.

"Hairuu!!" Tawag ni Nanay.

"Bakit po Nanay?" Sagot ni Hairu. Ngunit hindi siya lumapit samin ni Nanay.

Nakapameywang na pinandilatan siya ng mata ni Nanay. "Bakit mo pinabaunan ng ganon ang Ate mo?"

"Eh, Nanay gusto na po niyang magpakamatay."

Salubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "Kapag hindi kumakain gusto na agad magpakamatay?"

"Oo ate! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo diet ka lang! Kaya Tatlong araw ka ng hindi kumakain? Ate yang ginagawa mo mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo. Kapag pinagpatuloy no yan. Magkakasakit ka. Gagastos pa si Nanay ng malaki tapos Mamatay ka din naman. So para mas mabilis ang lahat sayo pinabaunan kita nyan. Para isang hirap lang sayo. Saglit lang kaming iiyak at malulungkot sa pagkawala mo. Kesa naman sa ginagawa mong yan Ate. Hindi ka kumakain. Hindi lang ikaw ang nahihirapan pati kami ni Nanay. Kung mahal mo kami hindi ka dapat nagkakaganyan." Mahabang paliwanag ni Hairu.

Yumuko ako. Sa lahat ng sinabi niya. Lahat yon totoo. Bakit ba masyado akong mahina. Sarili ko lang palagi ang iniisip ko. Yung sakit ng damdamin ko lang ang nararamdaman ko. Hindi ko nakikita na may nasasaktan na pala akong iba. Na may mga taong nagmamahal sakin at handang damayan ako anuman ang problema ko. Huminga ako ng malalim tapos muli akong tumingin kay Hairu. "Saan mo nakukuha ang ganyang tapang Hairu? Daig mo pa ako. Salamat sa concern nyo ni Nanay. Promise magiging matatag na si Ate." Ngumiti pa ako.

Nakangiting lumapit sakin si Hairu at niyakap niya ako. "Salamat!" Sabi ko. Tapos kinutusan ko siya. "Pero nakakabadtrip ka talaga! Muntik ko ng madala ang Pinabaon mo sakin." Inis kong sabi.

Kakamot-kamot si Hairu. "Ang Slow mo kasi ate." Sagot niya.

"Oo na slow na! Sige papasok na ako." Sabi ko.

"Sige Ate ingat ka."

"Ingat ka Anak."

Nakatatlong hakbang pa lang ako ng nilingon ko sila. Tapos. Ngumiti ako sa kanila. "Nagugutom na ako. Nay, pwede mo ba akong ipagbalot ng Sandwich at Baon ko sa tanghalian. Pero wag yung pinaabon ni Hairu ha!"

Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Nanay. "Oo anak! Saglit lang hintayin mo ako."

"Salamat po Nanay."

"Tutulungan na kita Nay." Sabat ni Hairu.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko sila. Tama! Hindi ako dapat sumusuko. Dahil nariyan pa sila Nanay at Hairu. Ako dapat ang nag-aalaga sa kanila.

SPIA

"Kaya mo yan Heira! Kaya mong harapin si Dark Devil. Kaya mo yan!" Kausap ko sa sarili ko ng makapasok ako sa gate ng Academy. Late na ako ng Sampung minuto dahil sa Sobrang traffic. Para akong nakalutang habang binabagtas ko ang daan patungo sa Classroom namin. Hindi ko rin kayang patigilin ang kabog ng dibdib ko mula ng malaman ko mula sa Security Guard na pumasok na daw si John Ace ngayon. Hindi ko maiiwasang hindi makita siya dahil iisang Classroom lang kami at magkatabi ang kinauupuan naming dalawa. Ngayon naiintindihan ko na ang mga kapitbahay namin at kababata ko na ayaw nilang magkaroon ng Boyfriend na Iisang School or iisang Company ang pinapasukan dahil mahirap daw mag move on. Totoo pala.

"Heira!"

Napalingon ako sa tumawag sakin. Ngunit para lang masira ang araw ko. Si Faye Erika Lim kasi ang tumatawag sakin. Salubong ang kilay kong nakatingin sa kanya. "Anong kailangan mo sakin? Ibinigay ko na sayo si King. Pinalaya ko na siya."

King Of Casanova Book1 (PUBLISHED UNDER PSICOMWhere stories live. Discover now