CHAPTER 7

2.6K 55 2
                                    

Maya maya lang ay napag disisyunan ko ng maligo. Hindi na naman masyado mainit. Tama lang para maligo na at hindi magka sunborn. Naghubad na ako ng sando at tanging bikini top lang ang suot ko at pinaiwan ko ang aking short shorts.

Ng makalabas na ako sa cottage namin ay nakita ko sa di kalayuan si steven at ang girlfriend niya. Yakap yakap ng babae ang leeg ni steven. As if malulunod siya. Si steven naman ay humahawak sa bewang ng babae. Tsk! Manyakis!

Ng biglang napalingon c steven sakin. Nagulat pa ako sa paglingon niya. At mas nagulat ako sa nakita ko. Bigla siyang hinalikan ng babae. Napaiwas ako ng tingin at tumuloy nalang sa paglakad papunta kina freya. Tss!! Kailangan talaga sa public! I wonder kung magkaka aids ba c steven dahil sa dami na ng kanyang nahalikan! Sa pagkakaalala ko kasi hindi yan yung nakita ko sa likod ng building na kahalikan niya. What a playboy!!

"Sam! Over here"

Tawag sakin ni myka. At nag wave pa sa kanyang kamay. Agad ko naman silang pinuntahan.

"Tagal mo naman" reklamo agad ni myka.

"Mainit pa kasi kanina" sabi ko naman.

"Nandyan pala sila steven oh" sabi naman ni freya. At agad nilingon ni myka.

"Oo nga nuh. Steveeeeen". tawag naman ni myka sa pinsan niya.

Agad naman lumingon si steven sa gawi namin. At nag wave ng kamay papalapit samin kasama yung girlfriend niya.

"Hindi mo sinabing pupunta pala kayo dito myka" sabi ni steven ng tuluyan ng makalapit. Agad naman akong lumangoy para makalayo sa kanila. Hindi naman ako interesado sa mga pinaguusapan nila.

"Eh hindi naman siguro kailangan lahat alam mo. Parang hindi ka na nasanay. At parang interesado ka naman sa lakad namin" sbi nman ni myka.

"Well. Hindi nman pero syempre pinsan kita baka kung mapano ka." At pagkasabi ni steven nun ay sakin siya nakatingin. Nagkatitigan tuloy kami.

At bakit akong tinitignan mo. Gusto ko sanang itanong pero syempre hindi ko tinuloy! Ano ako assuming!! Mahirap na lalo na sa playboy na to!

"Kala mo naman sino kang concern! Oh siya umahon na tayo at mag babbq na tau. Tara sam. Sumama na rin kayo steven. The more the merrier!"

Napalingon ako sa sinabi ni myka. At bakit kailangan kasama pa sila. May mga baon rin naman siguro sila.

Wala na nga akong nagawa at sumunod na sa kanila.

"Pakihawak mo naman tong paypay sam. Pakipaypayan mo na rin ang bbq" sabi ni myka at sinunod ko naman ang sinabi niya.

Pumunta ako sa may grill kung saan nandun si steven at yung babae niya  na nagluluto ng bbq.

"Wow babe ang galing mo palang mag bbq. Mas lalo lang akong naiinlove sayo" narinig kung sabi ng babae niya! Naglalandian na naman. Hindi ba talaga makakapag antay yan! Hindi ba pwedeng pag uwi nalang nila. Sumingit na ako sa kanilang landian. Baka hindi na kasi makapagpigil.

"Ah excuseme! Baka kailangan nyo ng paypay." Sabi ko at agad nman nila akong nilingon.

"Oh thanks! Ako nalang magpapaypay" agaw naman agad sakin ng girlfrien niya. At kinuha ang paypay.

Tatalikod na sana ako ng bigla akong tawagin ni steven.

"Ahh wait! Sam!" .

Napalingon ako sa kanya. At tinaas ang kilay.

"Ah babe pumasok ka muna sa loob. Pahinga ka muna dun. Okay?" Sabi ni steven sa babae niya.

"No. Im okay babe! I can help you here." Lambing naman na sabi ng babae niya.

"Nope! U need to rest okay. Dun ka na sa loob" sabi ni steven at tinulak na ang babae papasok. At wala na nga itong nagawa.

Tiningnan ko naman siya ng nagtatakang mukha! Tumingin nman siya sakin ng may ngiti sa labi. Ano na nman ang plano mo ngayon??

"Ah. Sam can you help me here?" Tanong niya sakin.

"Nandito na sana yung girlfriend mo kanina pinaalis mo pa." Diretsong sabi ko.

"Ah eh pagod na kasi siya. Saka nandito ka rin naman para tumulong diba? " tanong niya.

Kaya wala na akong nagawa at lumapit na sa kanya.

Kinuha ko ang pork at nilagyan ng sauce saka nilagay sa grill. Nakita ko naman ang pagngiti niya..

"Sanay ka rin pala?" Steven ask.

"Oo naman. Small thing" sagot ko na nakatingin parin sa pork.

Lumapit naman siya at pinaypayan yun. Napalakas yata ang pagpaypay niya at lumapat sa mukha ko ang usok at napaubo ako.

"Ay sorry sam." Sabi niya at lumapit sakin. Hinawkan niya ng mukha ko at hinarap sa kanya. Nagulat naman ako dun. At napaatras.

"Ayos ka lang ba? " tanong niya in a worried tone. 

"Yeah im okay. Pasok muna ako" agad na sabi ko at tinalikuran ko na siya.

Narinig ko pa ang pagtawag niya sakin. Pero hindi ko na pinansin.

Kakaiba ang epekto ng ginawa niya sakin kanina. Biglang kumabog ang puso ko. Shit! Ano yun. Kaba lang siguro yun! Hindi ko nalang yun pinansin at tuluyan ng pumasok sa loob.

Maya maya lang ay pumasok na rin si steven sa loob at sinabing luto na raw. Kaya kumain na rin kami agad. Pagkatapos kumain ay naligo ulit kami. May 1 hour pa kami bago magdilim. Pumunta kami sa pinakamalapit na lagoon at dun naligo. Ng biglang may lumapit na tatlong lalaki samin.

"Hi miss. Pwede maki join?" Tanong nung isang lalki at agad naman lumingon si myka.

"Yeah sure." At saka sila nag usap dalawa. Si freya naman ay agad kinausap yung isang lalki. Agad namang lumapit sakin ang isa.

"Hi. Im bryan. You are sam right?" Nagulat pa ako sa sinabi niya kasi kilala niya ako. Well siguro taga university lang din to.

"Ah yeah." Tanging nasabi ko. Wala ako sa mood makipag usap sa kanya hindi ko siya type.

"Tara dun sa kabilang lagoon. Dun tayo maligo" sabi niya at agad humawak sa bewang ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Agad kung kinalas ang kamay niya. Pero mas lalo pa siyang lumapit sakin. Na halos magkadikit na ang dibdib namin!

"Hey! Ano bang ginagawa mo" reklamo ko naman.

"Sige na miss wag ka ng pakipot"

At bago pa ako makasagot agad kung nakita ang lalki sa nakahandusay na sa sahig.

"Gago ka! Dont ever touch her again"

Kitang kita ko ang galit na mata ni steven. Para itong nagaapoy sa galit. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng sobra! At bigla akong natakot sa nakikita ko ngayon sa kanya.

Steven!

Unexpected LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora