Hinanap ko kaagad ang cellphone ko na may 11 text at 10 miss call galing kay Max. Nang binuksan ko ito ay timing na tumawag si Max. Sinagot ko kaagad to at lumayo ng bahagya kay Luis. Buti wala pa yung ibang tao.

"Hello..." I did not dare say his name at baka marinig pa ni Luis.

"Hey..." Nahabag ang dibdib ko sa pagod ng boses niya. Kumalat na siguro ang mga pictures. Seloso pa naman ito.

"Kamusta?" I tried to make it sound normal. Yung parang kaibigan lang ang kausap ko para hindi mahalata ni Luis.

"Jealous." Hindi ko napigilanang pag tawa kaya naman napatingin si Luis sakin na may kung anong ginagawa sa cell phone niya. Tumalikod ako para matago ang ngiting hindi ko mapigilan.

"Bakit naman?" Halos makita ko ang pag irap niya sa hangin.

"Kailangan ba talaga ganun ang position?" Napa iling ako.

"Yun ang sabi eh. Alam mo naman na-"

"Trabaho lang. I know. Kaso...." Hindi niya maituloy.

"Kaso ano?" Narinig ko ang pag buntong hininga niya.

"Kaso....I can't help but regret ending our tandem. Edi ako parin sana ang ka partner mo." Halos ma bingi na ako sa lakas ng pintig ng puso ko.

"I-Ikaw naman sa totong buhay ang partner ko ah." Napangisi ako sa kagagahan ko.

"I know-"

"Eve!" Nagulat ako ng bigla akong hinagkan ni Luis sa likod. Binaba ko ang cell phone ko at pinatay ang tawag.

"Luis! Wag mo naman akong ginugulat." Sinikangutan ko siya pero tinawanan lang niya ako.

"Tinatawag kaya kita. You weren't listening. Sino ba kasi yang katawagan mo at parang nakukuha niya ang buong atensyon mo?" Tumaas ang isang kilay niya, tila tinitimbang ang reaksyon ko.

"Wala..." Patay malisya kong sagot.

"Ay. Di yan pwede. Anong wala eh kung maka ngiti ka diyan wagas? Boyfriend mo?" Buti nalang talaga at magling akong umarte! Dinaan ko sa tawa ang kaba ko na siyang nagpatawa din kay Luis.

"Anong boyfriend. Wala akong boyfriend nuh." Iling ko.

"So you're single? Walang nangliligaw? Nothing?" Lumapit si Luis sakin dahilan kaya napa ataras ako.

"Yup!" Ngiti ko at linagpasan na siya bago pa niya ako makulong. Phew! That was close.

"Oh shit!" Halos mabitawan ko ang cell phone kong nakatawag pa pala. Hindi ko na end call! My God! Max heard all that? What?

"What's wrong?" This time sinigurado kong na patay ko ang tawag at bumaling kay Luis.

"Wala. Medyo ma lalate nap ala ako sa next appointment ko." Nagsimula na akong mag ligpit ng mga gamit ko.

"Gusto mo ihatid na kita?"

"No!" Agarang kong sagot na nagpakunot sa nuo ni Luis. "Thank you, pero wag na. Uhh...dala ko naman ang saskayan ko ngayon." Kumunot ang nuo niya.

"Wala yung driver mo?"

"Ah! Wala, day off kasi ni manong ngayon. Birthday ng anak niya kaya ayun." Pagsisinungaling ko. It's either I'm a really good actress or a really good liar. Ano bang pinagkaiba?

Nagmadali akong pumunta sa sasakyan ko dahil hindi naman talaga ako maususnod ni Max ngayon dahil may gig daw sila sa kabilang syudad. Mamayang gabi pa ang uwi nila.

"The number you have dialled-"

"Max, naman!" Pang limang tawag ko na sakanya ito. Hindi pa ako nakaka alis sa parking lot at kung ma late man ako bahala na. Gagawa nalang ulit ako ng excuse.

Behind The SceneWhere stories live. Discover now