Clarence left at 8pm. Malapit lang naman sila sa bahay namin e, hinatid ko lang siya sa labas ng gate namin at nagpaalam. Nagba-bye din naman siya sa akin, pero pinisil pa niya ng madiin yung ilong ko.

E bakit ba trip nila ang ilong ko?!?

And that ends my very long day. Ang daming nangyari ngayon. Sana mag-sink in sa akin lahat. I'm in my PJ's now and off I go to dreamland.

***

Kinabukasan, almost 8am na ako nakarating ng school. Na-late kasi ako ng gising e, may napanaginipan ako. Pero di ko naman na matandaan. Hindi ko naman kasabay si Kuya that morning dahil 7:30 yung class niya, he left the house at 6am.

Nakapila na yung mga students pagdating ko. Hindi ako late, pero hindi na ako nakapag-almusal with Elisha and Candice.

Si Clarence ang una kong nakita sa gym. Bumati naman siya sa akin. At sabi pa niya na medyo sumakit daw yung tiyan niya sa ice cream kahapon. Natawa na lang ako.

Pumila na ako sa likod ni Candice. Bumeso naman siya sa akin. Nagsimula ng paakyatin sa mga rooms yung estudyante, nung pagtingin ko sa likod ng line nila Clarence, may naglalaro ng bola ng basketball. Nage-exhibition pa nga ng dribbling e. Nagulat na lang ako ng tumigil siya at biglang tumingin sa akin at...

Umirap!

Oh wait. I know him!

Siya si...

Marasigan?

***

Anong problema nun? Kung maka-irap parang si Elisha lang! I was about to say na magaling siyang mag-exhibition, buti na lang hindi.

Nandito na kami ngayon sa library, magre-research daw kami about a short story na ipe-play sa English.

Magkakasama kami sa table ng The Cliff, malapit yun sa may bintana. We were all serious sa paghahanap ng story nang biglang may kumatok sa bintana. Napatingin naman kaming tatlo.

"Cleng?"

"Ssshhh!!!" tumingin sa amin yung iba naming classmates.

Medyo napalakas kasi yung pagkakasabi nun ni Elisha, nagulat din kasi.

Nag-peace sign naman sa kanila si Elisha.

Ako naman ang tumingin sa bintana. Nandun pa rin si Clarence.

"Anong ginagawa mo dito?"mahina lang ang pagkakasabi ko.

Nakita ko naman yung reaction niya. Mukhang di niya maintindihan. Okay, how stupid can I get? Nasa labas nga pala siya tapos bumulong lang ako? Haha! Just my luck kung naintindihan nga niya!

So, inulit ko na lang. This time, mabagal na. We're like mouth-reading. Na-gets naman niya. Tinuro niya yung TLE Room. TLE time na pala nila. Magkatapat lang kasi yung TLE Room at library. Nagba-bye naman na siya sa amin nung papasukin na sila sa loob.

Pinagpatuloy na lang namin yung paghahanap. Si Candice at Elisha may nakita na, ako wala pa rin. Gusto ko kasi medyo chick flick e, pero asa naman ako na may ganong short story.

Natigil na lang kami ng may narinig kaming kalabog fron TLE Room. Napatingin nga din yung ibang classmates namin e. Pero parang wala namang nangyari, kasi nakita lang namin na nasa loob pa rin yung mga 4th year. Baka may nahulog lang doon or something.

Pero ano ba talagang nangyari? Lumapit ako a bintana para mas makita ko. Nakatingin pa rin yung mga classmates ko.

"WAAAAAAAAAAHHHH!!!!" napa-atras ako.

Nagtawanan naman yung mga classmates ko.

Nung lumapit kasi ako sa bintana, biglang may lumabas na guy, puting-puti yung mukha. Malamang nagulat ako. Ikaw ba naman pagpakitaan ng white guy?!? And I was like 5 inches away from the window. Ano pa ba magiging instinct mo nun? Malamang sumigaw!

Accidental EverythingWhere stories live. Discover now