"Okay." Casual na sagot ko kay Candice. As I've said, wala ng bago doon.

"No!" Medyo napataas yung boses ni Candice. Nagulat naman ako sa kanya. "I'm sorry.. it's just that, hindi ko na kayang tanggapin yung load na yun." Medyo kalmado na siya ngayon.

"Huh?" Nagtaka naman ako. Bakit naman hindi?

"Girl, loaded na din kasi ako e. Look, may journalism contest din kami next month, and we do have trainings every after class. Kaya malabo na talagang maisiksik sa schedule ko pag sumali pa ako doon."

"And what do you want me to do? Mag-volunteer to be the representative of the juniors?" prinangka ko na talaga siya.

"Yes?" Candice was quite hesitated to answer. "Please...Please.. AR.. Tanggapin mo na agad. Ikaw na lang yung mag-represent sa atin, please AR?" She's pleading me na talaga, is this Candice? She seems so serious.

"Alright."

Candice hurriedly hugged me. Indeed, she was relieved nung pumayag ako sa favor niya.

"Thank you AR! Thank you! Thank you! Thanks bigtime!"

"Yeah, yeah! But you owe me one!" I grinned.

"Anything!"

***

The class started, at sinabi na nga ng adviser naming na either me or Candice yung magiging representative ng third year. Nung tinawag kami sa harapan, tinitigan na ako ni Candice. Alam ko na ang ibig sabihin nun.

Apparently, ako na nga ang napili. Dalawang year palang daw yung may representative, yung first year kasi, under evaluation pa kung sino talaga yung pinakamagaling while for the seniors, walang gustong sumali, well, mainly because marami silang inaasikaso, graduating nga kasi.

Sabi ni Ms. Laresma, magsisimula daw yung review session namin next week, every after class, sa library na lang daw magkikita-kita and every once in a while daw e pupuntahin kami ng science coordinator namin.

Nung nag-break kami, dumaan kami sa room ng 4th years, nung nasa tapat na kami ng room nila Clarence, tumingin ako sa pwesto ni Clarence, only to find out that he's looking at me. I smiled and he smiled as well.

Ganun naman kasi lagi yung routine namin, di kasi kami magkasabay ng break, nauuna kaming mga juniors kaysa sa kanila. Masyado kasing maraming students sa canteen kung sakaling sabay.

Hindi naman ako kumain nung recess, busog pa kasi ako sa kinain kong cupcake bago mag-start ng classes. Pero sabi naman nila Candice at Elisha, wala lang daw akong gana dahil nga iniisip ko yung pag-alis ni Clarence. Siguro tama nga sila, isipin ko palang, ang hirap na, paano pa kaya pag nangyari na?

"Pahingi nga ako nyan!" sabay kuha ng isang kurot sa pancake ni Candice.

"Grabe!!! Ang lakas mo mamburaot bading!" di ko alam kung galit o ano si si Candice.

"Paano, nakatulala ka lang dyan, hindi ka naman kumakain."

"E kasi 'tong si AR e, nakakahawa. Tignan mo, tulala din!" tinuro niya ako pagkatapos ay inubos na yung pancake niya.

Wala lang ako siguro sa wisyo at wala din ako sa mood para makipag-asaran sa kanila, kaya di ko na lang pinansin yung dalawa.

Bumalik na kami sa room after the break. And we had Geometry and English. Usual lecture lang naman. So after that, lunch break na.

Walang pinadalang lunch sila Momsy, so bibili na lang ako sa canteen. Sabi nila Candice, kumain na daw ako dahil kung hindi, dedma ever na daw sila sa akin. Gutom na rin naman ako nun, naubos kasi yung energy namin sa Geometry, kaya madaling natapos ang usapan.

Accidental EverythingWhere stories live. Discover now