Property of Yan4Christ//TheIdiot'sDiary
Magie's POV
Break time na. Sakto nga at gutom na ako. Kinain ko yung sandwich na pinabaon sakin.
Pagkagat ko, biglang binalibag ng kung sino man yung limang patong patong na hardbound books sa desk ko kaya nahulog yung sandwich ko.
"Napawalang hiya mo talaga!!!! Arg, palitan mo yung sandwich ko kundi ikaw kakainin ko!" humal na Caleb talaga yan. Bwiset! Take note, makakapal pa yun ah! Argg talaga, arrrrggh! >______<
"Unahin mo muna kaya yung project mo." sabi nya habang nakalagay yung dalawa nyang kamay sa bulsa ng pants nya. Peste talaga 'tong taong 'to, bwisit na bwisit na ko, sya kalmado padin? -_______-"
"Ano ba kasing gagawin ko dito?"
"Kainin mo kung makakain mo." tinitigan ko sya saglit then yung books naman tapos sinamaan ko sya ng tingin.
"E kung ipakain ko kaya 'to sayo? Noh?"
"Tss," naglagay sya ng earphone sa kanang tenga nya tsaka nagsalita ulit, "Maghanap ka ng information dyan sa mga librong yan na may kinalaman sa investigatory project natin. Ikaw gumawa ng abstract." oo nga pala, kagroup ko pala sya sa IP. Kaso, pano ko gagawin 'to? E kung isang short story nga, di ako makatapos sumulat e, gumawa pa kaya ng formal writing tungkol dito? Susmiyo.
"Pano ko gagawin to?" napakamot sya sa ulo nya.
"Seriously, may natutunan ka ba sa technical writing nung second year?" I tried to recall kung meron but I therefore conclude na wala pala talaga.
"Wala."
"Hay naku. Ganto nalang gawin mo. May ibibigay ako sayong terminologies mamaya, define mo sila. Kahit gumamit ka na ng net or ng kahit anong reference. Itype mo tsaka mo bigay sakin." kinuha nya ulit yung limang books at lumayas na sya. Buti naman at yun lang gagawin ko, pampadali ng buhay, hayahay!
After ng mga boring na klase, umuwi na ko ng bahay. Naglakad lang ako since walking distance lang naman yung bahay namin from school.
Bakit ganon? Feeling ko pagod na pagod kahit wala naman talaga akong ginawa buong araw. Hmm, sa bagay, nakakapagod din kayang umupo ng umupo. Masakit yun sa pwet.
Si Yaya Tanya yung sumalubong sakin. Medyo may edad na sya at bago lang sya dito dahil nagresign yung isa naming yaya dahil sa kamalditahan ng kapatid kong si Madie. Kung tatanungin nyo kung sino si Madie, well, makikilala nyo sya sa next, since wala naman syang kwenta dito sa storyang to.
"Good Afternoon po, Ma'am Magie."
"Magie nalang po. Anyway, good afternoon din po."
"Ah, sige po. Akin na po yung bag nyo, dalhin ko na po sa kwarto nyo."
"Wag na po, kaya ko na po ito. At oo nga po pala, wag na po kayo mag 'po' sakin, ayos lang. Pahanda nalang ng bubble bath."
"Sige." umalis na si Yaya Tanya at ako naman, inakyat na yung gamit ko sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili sa kamang malambot.
Napaisip lang ako, bakit napakaunfair ng buhay?
Yung iba, mayaman nga, hindi naman matalino, tulad ko. Yung iba, matalino pero hindi mayaman.
Yung iba, mayaman na, matalino pa. And lastly, yung iba, hindi na nga matalino, hindi pa mayaman.
Ayos pa siguro sa katayuan ko e, magagawan ng paraan. E pano yung huli kong nabanggit, mas nakakawala ng pag-asang mabuhay. Hay.
Bakit ko nga ba iniisip yun? E isa lang naman ang sagot dun: walang thrill ang buhay pag walang ganong sitwasyon.
Oha, marunong na ko sa reasoning :D
"Magie! Handa na yung bubble bath nyo." rinig ko namang sigaw ni Yaya Tanya galing sa labas.
"Sige po, pababa na rin po ako." sigaw ko naman pabalik. Ganda ng communication namin noh? Parang nasa magkabilang bundok lang.
Kumuha muna ako ng pampalit na damit tsaka bumaba na.
Siguro mga kalahating oras din akong nakababad sa bath tub nung nakaramdam ako ng lamig sa katawan kaya umahon narin ako agad.
Bumalik ako sa kwarto ko para maghalungkat ng makakain kaso ubos na pala yung stocks na inakyat ko kaya bumaba ulit ako para kumuha ulit kaso dahil nga likas na sakin ang katangahan, nahulog ako sa hagdan.
AnakNgSampungKalabaw! Bakit ba ang malas malas ko sa mga hagdan? Lagi nalang ako nahuhulog! Good thing dalawang steps lang yung kinahulugan ko pero masakit parin sa pwet -_______-"
"Naku Magie! Ayos ka lang ba?" ang bait naman ni Yaya Tanya :"> Concern na concern sya sakin ^__^
"Opo, ayos lang." nginitian ko sya at inalalayan nya kong tumayo. Narinig ko naman na sumabat si Daddy.
"Masanay ka na dyan, Tanya. Palagi namang ganyan yang alaga mo, palibhasa kasi hindi ginagamit ang utak." masakit magsalita si Daddy, pranka, lalo na sakin. At kung iniisip nyo na masama ang loob ko, nagkakamali kayo. Sanay na ako sa ganyan. Sa araw araw ko ba namang naririnig yang dialog nyang yan, hindi pa ba ako masasanay?
"Sobra naman po ata yun, Sir? Hindi naman po siguro." pinagtatanggol po ako ni Yaya Tanya. Wala namang magagawa yung concern ni Yaya e kasi dito sa bahay, si Daddy ang matalino, magaling etc. In short, he's the boss.
"Sumasagot ka?" boss nga kasi, wag nang kontrahin.
"Hindi po." napayuko naman si Yaya Tanya dun.
"At ikaw naman, gamitin mo nga yang utak mo, kung meron man. Nakakahiya! Isa akong matalinong business man tapos ang anak kong bobo? Nakakahiya ng sobra! Sa tingin ko, kahit kelan hindi kita maipagmamalaki." umalis na sya pagkatapos nyang sabihin yun. Dun na tumulo ang luha ko. Akala ko sanay na ko e, hindi parin pala. Of all these years, ngayon lang ulit ako umiyak. Mas masakit pala yung paulit ulit na ipamumukha sayo yung kapintasan mo. Kaya minsan, naiisip ko na baka ampon lang ako dahil ni minsan, hindi ako pinagmalaki ng tatay ko.
Hindi ba kung tutuusin, sila ang dapat dumamay sakin? E bakit sila pa yung lalong nagdadown sakin? Sana naman maunawaan nila ako, tao lang naman ako, never naging perpekto.
"Anak, ayos lang yan. Kung hindi ka maipagmalaki ng daddy mo, ako, ipinagmamalaki kita. Kahit na isang linggo palang ako dito, alam ko na mabait kang bata. Sapat na yun para maging proud ako sayo." natuwa naman ako sa sinabi ni Yaya. Buti pa sya, kahit na hindi ko sya biological parent, naiintindihan nya ako. Niyakap ko sya. Sya pa lang ata ang nagparamdam sakin na special ako, na hindi ako tanga o bobo.
"Yaya Tanya, pwede po ba kitang tawaging mama?" para akong batang nagmamakaawa sa nanay nya na bumili ng laruan. Humihikbi-hikbi pa ako nun habang nagsasalita. I'm indeed a crybaby.
"Sympre naman, anak." ngumiti sya sakin at ganon din ako sa kanya. Ngayon, nakahanap ako ng isang taong nakakaintindi sakin at tinitignan ako, hindi sa katangahan ko, kundi sa laman nito *points to the heart*
Dear Diary,
I have my new mama, Mama Tanya.
-Magie
<3
YOU ARE READING
The Idiot's Diary
Teen FictionThe Idiot's Diary sa School nila, isa ng boba ang bansag kay Magie. wala daw syang alam kundi ang magpakatamad sa school at magpakatanga. sa isang banda, nandyan si Caleb, na sobrang talino nga, ubod naman ng kasungitan, or minsan, bipolar. ang Tano...
