"You look uneasy. Eat slowly," puna ni Scarlet sabay punas nito ng tissue sa gilid ng bibig ng boyfriend.

"N-Nag-aalala lang ako baka malate ka sa klase mo. You should leave now. Hindi mo na ako kailangang bantayan. Don't worry uubusin ko lahat to."

Umiling si Scarlet. "No. I'm enjoying this kind of moment. Yung inaasikaso ka before you go to work," nakangiting sagot nito. "I have still an hour before my first class kaya pwede pa akong mag-stay dito ng ilang sandali."

Tinapos kaagad ni Lance ang almusal.

Iniligpit naman ni Scarlet ang pinagkainan ng boyfriend. Inilagay niya ang mga hugasin sa sink.

"Just leave it there. I'll take care of that. You can leave now baka matraffic ka," wika ng lalaki.

Hindi inintindi ng dalaga ang narinig. Matapos ilagay ang mga plato sa sink ay naglakad ito patungo sa kuwarto ng boyfriend. "What do you want to wear? I'll prepare your clothes habang nagshashower ka."

Nanlaki ang mga mata ni Lance sa sinabi ni Scarlet. He felt as if all his blood rushed towards his face. Mabilis niyang hinabol ang girlfriend at nang maabutan niya ito ay eksaktong nakahawak na ito sa pinto ng cabinet.

"Don't!" natatarantang utos niya nang aktong bubuksan na ng girlfriend ang closet.

Nagtatakang nilingon siya ni Scarlet at bago pa man ito makapagsalita ay kinabig niya ito papaharap sa kanya. Kailangan niyang ilihis ang atensiyon nito so he leaned her back in the closet. Siniil niya ito ng mga halik sa labi at ikinulong sa kanyang mga bisig habang nakadiin ang kanyang magkabilaang kamay sa aparador.

Bagama't naguguluhan sa kakaibang kilos ni Lance, agad namang nadala si Scarlet sa halik ng boyfriend. Nawala kaagad sa isip niya na tanungin ito tungkol dito. Sa halip ay napapikit na lamang siya ng mga mata at gumanti sa malalim na halik ng binata.

Her eyes were closed while his eyes were wide open.

Nakatitig ang mga mata ni Lance sa aparador habang iniisip ang babaeng nasa loob nito. Hindi niya maibuhos-buhos ang buong atensiyon sa halikan nilang magkasintahan dahil sa matinding kabang nararamdaman. Ngunit ilang saglit lamang ay naramdaman niya ang gumagapang na mga kamay ni Scarlet. Ipinasok ng babae ang mga kamay nito sa loob ng kanyang T-shirt at marahang hinaplos ang kanyang dibdib hanggang sa niyakap nito ng mahigpit ang kanyang katawan habang patuloy na hinahaplos ang kanyang likod. Unti-unti siyang nadala sa ginagawa ng girlfriend. Nag-umpisang mag-init ang kanyang pakiramdam hanggang sa dahan-dahan niya na ring ipinikit ang mga mata...Ngunit agad din siyang napamulat after he realized na baka nararamdaman ni Clarisse ang kanilang ginagawa.

He shifted their position. Siya naman ang sumandal sa closet. Dahan-dahan niyang inihakbang ang mga paa papalayo sa cabinet ngunit papalapit sa kama. Scarlet responded to his steps. Sinabayan nito ng pag-atras ang bawat hakbang niya. Huminto siya nang nasa tabi na sila ng higaan ngunit hindi pa rin naghihiwalay ang kanilang mga labi and to his surprise, kinabig siya papahiga sa kama ng girlfriend. She wrapped her arms around his body.

"Let's do it now Lance," Scarlet whispered with steamy voice.

Natigilan si Lance sa paghalik at biglang napatingin sa mukha ng kayakap. "W-What are you talking about?"

"Forget about what I said before... I'm ready to have sex with you."

Pansamantalang napanganga at hindi nakapagsalita si Lance sa narinig. Ilang saglit siyang natulala hanggang sa muli siyang siniil ng halik sa mga labi ng babae. He responded to her kiss dumfoundedly. Alam niyang dapat siyang matuwa sa narinig ngunit sa mga sandaling iyon ay kaba at panghihinayang ang kanyang nararamdaman. Why does it has to happen today? Scarlet slowly kissed his neck up to his ear. At hindi niya na rin napigilan ang kanyang sarili. He slowly moved his hand toward her breast. Marahan niyang hinimas ang magkabilaang dibdib ng dalaga.

Love Me TooWhere stories live. Discover now