Chapter 2 - Joweebee

Start from the beginning
                                    

Nagtawanan sina Aldrin at Rhoi..

Napasimangot si Darius..

          "Wapakels ka utol.. Tangna mo.. Akina nga costume ko.. Kanina pa tayo hinahanap ni Tita Alona.. " sabi nya sabay halungakat ng mga costumes.


Excited at nakangiti nilang kinalkal ang mga dala ng kaibigan..

Pero sa di inaasahang pagkakataon..

Ang ngiti ay napalitan ng simangot ng masilayan ang mga dalang costumes ni Romeo..

Maraming bata ang bisita ni Alyssa..


Kasalukuyan nyang sinecelebrate ang 4th birthday nya..

Dumalo rin ang ilang classmates ni Aldrin at mga emplyado ng ama nyang si Nestor..

May mga dumalo ring kilalang personalidad sa larangan ng pag nenegosyo..

Kahit ang batikang detective na si Jack Valentine ay dumalo..


Imbitado din ang pinuno ng angkan ng mga Villarama na walang iba kundi si Arnulfo Villarama kasama ang kabiyak na si Cedes..


Dumagsa ng pagkain..


Pati mga give aways para sa mga batang bisita.


Nagmistulang malaking playground ang malawak na bakuran ng mga Villarama sa ginaganap na party..


Manghang mangha ang mga bata sa ginagawang magic tricks ng inarkilang magicians ng mag asawa para sa anak..


Namimilog ang mga mata ni Alyssa sa iba't ibang kulay na nakikita..



Masaya ang lahat..


Ng biglang nawala ang tugtugan..

Unti unting binalot ng makapal na usok ang bakuran..


Nagpanic ang mga magulang..


Pero inawat sila nina Primo ..

          "T-teka pare.. Parang may kakaibang nangyayari.. " sabi nya..

Hinanap ng mga mata ni Alona ang anak..


Akala nya ay iiyak ito sa takot..


Pero nag papalakpak pa ito sa tuwa.. Kaya imbes na matakot ang mga kapwa nya bata..


Gumaya ang mga ito sa tuwang pinapakita ni Alyssa..

Kinalma ni Nestor ang mga bisitang magulang..

Nakakunot noo syang nag abang sa mga susunod na mangyayari dahil kahit sya ay walang kaide ideya sa mga magaganap..

Lumipas ang ilang minuto..


Pumailanlang ang isang sikat na tugtog. Hango sa isang sikat na cartoon na pambata..

Kwadro Alas - Ace of DiamondsWhere stories live. Discover now