Ikaw pa rin - 39

Începe de la început
                                    

"Wala. Ayaw mo kasing gumising eh. Sorry na." Sabi ko. At dahil matangkad si Chris, tumingala pa ako sa kanya at ngumiti. 

"Alam mo bang, antok na antok ako ha? Tsk." Aniya at hinawakan yung kamay ko. 

"Sorry na nga po! Bakit ka ba kasi nagpupuyat ha?!" Sabi ko at tinawag yung isang bg ko. Binigay naman sa kanya ni Chris yung gamit ko at sila na naglagay dun sa van. 

Van ko yung gagamitin namin eh. Yes, meron akong sariling van. Yung katulad ng mga van ng mga artista? Alam niyo yun? Meron itong lalagyan ng food, may bed, may tv. Basta, ganun yung van ko. And, color yellow ito! *u* 

"Marami kasi akong pinaayos sa bahay namin sa Baguio. Para pagdating natin dun, nakahanda na. Ayoko namang mahirapan ka." Lumingon siya sakin at nag-wink. Pumula naman yung pisngi ko. Arrgghh, damn this boy! 

"Ganun ba? Hmm.... Matulog ka na lang sa byahe. May bed naman sa loob eh." 

Tumango lang siya at ngumiti. Binuksan niya yung pintuan ng van at pinauna akong pumasok. Umupo ako dun sa bed. Inayos ko yung mga unan at yung kumot. Umupo rin si Chris sa tabi ko at pinulupot niya yung braso niya sa waist ko. 

Ilang sandali pa, may dumating na dalawang SUV. Nandun sila Julia at yung mga BG nila.  

Nang mag 10:00 na, umalis na kami sa bahay. Convoy kami. Nauuna yung SUV ng BG ko at ni Chris. Sunod naman yung amin at kela Julia. Tapos nasa huli yung BG nila Julia at Diego. 

Kinuha ko yung earphones ko at sinaksak ito sa iPod ko. Ang boring eh! Si Chris naman, mukang anytime eh babagsak na. Naramdaman kong may kumuha ng isang earphone ko. Tumingin ako at nakita ko si Chris na nakapikit at nakasandal sa balikat ko. Ngumiti lang ako at naglaro sa iPad ko. 

Maya maya pa, naramdaman kong bumabagsak yung ulo ni Chris. Hay, tamo tong isang to! Pinapahirapan ang sarili niya. 

Ginising ko siya at sinabi sa kanya na humiga na. Tumango lang siya at kumuha ng unan. Nagulat ako ng ilagay niya yung unan sa lap ko at humiga na. Hinayaan ko na lang at pinagmasdan siyang matulog.

[Play the video at the right side para mas feel niyo :)] 

♫ ♪ I've never gone with the wind

Just let it flow

Let it take me where it wants to go

Till you open the door

There's so much more

I've never seen it before

I was trying to fly

But I couldn't find wings

Then you came along

And you changed everything ♫ ♪ 

Sinuklay ko yung buhok niya. Grabe! Ang gwapo niya talaga kahit tulog. Ang peaceful ng muka niya pagtulog siya. Hindi mo aakalain na makulit tong isang to at sobrang daldal paggising. Hindi mo aakalain na may pagka-hangin at isnabero 'tong isang to. *sigh* 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum