Napangiti ako. Isang linggo lang akong hindi nagparamdam, tsk tsk.

Nang sandaling iyon ay parang tumataba ang puso ko. Pakiramdam ko ay noon ko lang nakita kung gaano ako kaswerte sa mga taong nakapaligid sa 'kin. Kahit na alam kong kaya lang sila ganito ay dahil sa pinagdaraanan ko. Sila 'yong mga taong hindi magdadalawang-isip na gawin ang lahat ng makakaya para sa akin.

"Sa Palawan," sagot ko.

"That's great, hehehe," pinilit niyang tumawa. "I can't wait to leave."

"Nag-eempake na 'ko, si Tob ay naghahanda na rin. Hindi naman tayo nagmamadali."

"Excited ako kaya bibilisan ko. Dederetso na lang ako diyan."

"Isama mo ang mga pinsan mo."

"Sure."

"Bye." Napabuntong-hininga ako saka nakangiting tumitig sa telepono.

Si Parrot ang sunod kong tinawagan. Gaya nina Lee at Tob ay hindi siya nagdalawang-isip na pumayag sa anyaya ko. Nagtitili pa ito sa pagpayag at excitement, hindi ko alam kung bakit. Sa sobrang tuwa nga niya ay niyaya niya maging sina Migz at BJ. Si Michiko ay paniguradong isasama rin ni Tob.

Iiling-iling at nakangiti kong inilapag ang telepono ko saka ako nagpatuloy sa pag-eempake. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Nakakatuwa lang isipin na nang magising ako kanina ay bigla ko na lang naisip ang Palawan. Bigla ay gusto ko na lang pumunta ro'n. Walang pag-aalinlangan kong sinabi iyon kay mommy at agad din siyang pumayag. Ang lahat ng taong malapit sa 'kin ay hindi ako binigyan ng dahilan para malungkot nang mag-isa. Kahit na alam kong may mga importanteng bagay silang kailangang gawin.

Sinabi ko kay mommy kung sino-sino ang mga makakasama namin. Nagulat siya pero hindi nag-alinlangang pumayag na isama sila. Nang hapon ding iyon ay nakakuha sila ng flights ni daddy para sa 'ming lahat. At habang nasa himpapawid ay hindi ako makapaniwala, hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa lubos na pagkamangha.

Sana lahat ng sitwasyon ay ganito na lang kadali. Na sana...kapag ginusto mo, pwede. Kapag plinano mo, mangyayari. Sana ganito na lang kadali, Taguro.

Doon nawala ang ngiti ko. Ang lungkot ay muling binalot ang kabuuan ko. Padausdos kong inihiga ang sarili ko sa first class seat. Nilingon ko ang mga ulap sa labas ng bintana at doon muling inisip si Taguro hanggang sa makatulog ako.

Alam kong may ideya sila tungkol sa pinagdaraanan ko. Kaya gano'n na lang silang makisama. Pero hindi ko alam kung may ideya ba sila tungkol sa tunay na sitwasyon ni Taguro. Hindi pa ako nagbabanggit, wala pa akong kinukwentuhan nang buo. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang sabihin ang lahat nang nalaman ko.

Nasa Palawan na kami nang magising ako. Hindi ko alam kung paanong na-contact ni mommy si Mang Pitong dahil nandoon na ito nang makalabas kami sa airport. Nagtaka ako, syempre. Masiyadong umaayon ang lahat sa gusto kong mangyari. Pero hindi na ako nagtanong, ayaw kong sirain ang magandang sandali.

"Bagay!" agad na kaway ni Mang Pitong sa 'kin.

Napangiti ako at wala sa sariling sumalubong ng yakap dito. "Mang Pitong." Nagtapikan kami ng mga likod. "Kumusta, Mang Pitong?" nakangiting tanong ko, hawak namin ang balikat ng isa't isa.

"'Eto, tumatanda na," tumawa siya. "Aba'y kay tagal kitang hindi nakita, ah? At talagang lalo kang gumuguwapo, binata! Mabuti naman at naisama mo ang mga kaibigan mo." Nilingon niya ang mga ito.

Napangiti ako. Natural naman sana ang ngiting iyon pero nang mapansin kong hindi niya hinahanap si Maxpein ay naging peke at tipid iyon. Marahil ay alam na nito ang tungkol kay Taguro. Kung hindi kasi ay paniguradong hahanapin niya agad ito.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon