Chapter 7 (New Door)

2.2K 34 4
                                    



3 months later .....

Nasa tapat ako ng salamin at nag aayos ng sarili ko . First day namin sa university kaya maaga akong gumising para hindi kami malate .

Naglagay lang ako ng pulbo at lip gloss saka ko kinuha ang bag ko at lumabas na ng kwarto . Bumaba ako sa sala at doon ko hinintay si Kath at Tina .

Natapos ang graduation namin 3 months ago . Naka graduate ako bilang Cum Laude ng batch namin . Medyo dissapointed ako dahil simula 1st year lagi akong nauuna . Hindi naman nagalit sa akin si mama . Ang mahalaga sa kanya ay makapagtapos ako ng pag aaral . Dahil na rin siguro sa mga pinagdaanan ko 3 months ago kaya hindi ako masyadong nakafocus sa pag aaral ko . Ayoko ng alalahanin pa . Nasasaktan nanaman ako .

Iisang university lang ang papasukan naming tatlo . Civil Engineering ang course na kinuha ko . Matagal ko na talagang pangarap na maging Engineer . Limang taon na lang ang bubunuin ko at matutupad ko na ang pangarap kong yon . Tourism naman ang kinuha ni Tina at Business Administration naman si Kath dahil siya ang maghahandle ng family business nila kaya kailangan mapag aralan niya ang pasikot sikot sa pagmamanage ng negosyo .

Hindi ko maiwasang mapatingin sa bintana . Lagi ng nakasara yon dahil inutos ko . Sinabi ko kila mama na ayokong makitang nakabukas ang bintana . Hindi naman niya ako tinanong at sinunod na lang ang gusto ko . Malamang nagtataka kayo kung bakit hindi ko nababanggit at tatay ko . Yun ay dahil hindi naman namin siya kasama . In fact , I dont even know him . I never got a chance to see him . Kahit sa pictures . At ayoko din sa kanya dahil iniwan niya kami ni mama , bata pa lang ako .

Mag isa akong binuhay ni mama . Hindi niya sinubukang hanapin ang tatay ko para humingi ng tulong . I consider myself lucky to have her as my mom . Kasi kinaya niya ang lahat ng sakit para mabuhay kami . Sana ako din . Sana makayanan ko din .

Naalala ko nanaman ang nangyari nung umagang yon . Hindi na ata mawawala sa isip ko yon . Ayokong makasira ng relasyon dahil galing ako sa isang broken family kaya pinutol ko na lahat ng communications na mayroon kami . Nagpalit ako ng number at nagdeactivate ng account . Kahit masakit ginawa ko . Tinanggap ko na lang na hanggang doon na lang kami . Tanggap ko na pero hindi ko pa din maiwasang hindi masaktan .

Tumayo na ako sa kinauupuan ko ng marinig kong may nagdoor bell na sa gate namin . Paniguradong sila Kath yon . Nagpaalam na ako kay mama na papasok na ako .

" Ma , andyan na sila . Papasok na kami . See you later " sigaw ko sa kanya . Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ako .

Hindi ako nagkamali . Silang dalawa nga ang nakita ko pagkabukas ko ng gate .

"Ready?" Tanong ni Tina sa akin .

" I always am " sagot ko pabalik sa kanya sabay ngiti .

" Are you sure you wanna go to school today ? First day pa lang naman and for sure wala naman pang gagawin kaya pwede kang magpahinga muna " suhestyon ni Kath na halata mong nag aalala sakin .

" Im okay bes . You both dont have to worry about me . Tatlong buwan na akong nagkukulong sa kwarto " walang ganang sagot ko sa kanya .

Oo alam na din nila ang nangyari . Pero hindi sila nagalit tulad ng inaasahan ko . Hindi ako nakarinig ng salitang I told you so kay Kath . Sinamahan lang nila ako nung mga panahong umiiyak pa ako . Hindi nila ako iniwan at nanatili lang sila sa tabi ko .

" If that's the case , should we get going na po ? Baka malate kasi po tayo " may halong pang aasar na sabi ni Tina . Nagtawanan naman kaming tatlo .

20 mins walk lang ang university na papasukan namin . Dahil maaga pa naman kaya nagdesisyon kaming maglakad papunta .

Aaminin ko na hanggang ngayon naiisip ko pa din siya . Pero hindi na tulad ng dati na kapag naiisip ko siya napapangiti ako . Kapag naiisip ko siya at ang mga napag usapan namin nasasaktan na lang ako . Ni hindi ko magawang ngumiti dahil ang kasunod non ay may luhang papatak sa mga mata ko .

What did I do to deserve this kind of pain ?

Bakit po ako ?

Naisip ko na lang na siguro nagmahal ako ng maling tao sa maling pagkakataon . Maybe we're really not meant for each other . Pero kahit kailan , hindi ako nagsisi na nakilala kita . Ang pinagsisisihan ko ay ang mahalin ka .

Nang malapit na kami sa gate ng university , Napukaw ng atensyon ko ang lalaking naglalakad papalapit sa amin . Siya yung lalaking matagal ng nagpaparamdam sa akin na gusto niya ako . Second year highschool pa lang ako nagtapat na siya sakin . Kaso ayoko siyang paasahin dahil that time naghihintay pa ako sa first love ko .

Matagal na din sinasabi sa akin nila Tina na pagbigyan ko daw na manligaw sa akin . Ako lang ang tumatanggi . Natatakot ako na masaktan siya dahil alam ko na ang pakiramdam ng masaktan .

"Oh bes , Look who's coming" sabay na sabi ng dalawa na halatang kinikilig pa . Napansin din pala nila ang lalaking naglalakad palapit sa amin .

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad .

"Oh come on Ysabelle . You have to at least entertain other guys . Para makalimot ka . Im not saying na gawin mo siyang rebound , what Im trying to say is give him a chance to court you" halata mong inis na si Kath dahil tinawag niya ako sa buo kong pangalan .

Muli kong tinignan ang lalaking malapit ng makalapit sa amin .

" You know what Ysa , Kath is Right . You have to close the old door and open up a new one " dugtong ni Tina sa sinabi ni Kath .

Siguro nga tama sila . Wala na din namang point na magmukmok pa ako dahil kahit na anong iyak pa ang gawin ko hindi na babalik si Sean sa akin . Masaya na siya at wala na siyang pakialam pa sa akin . Tinanggap ko na din yon kaya siguro dapat ko ng bigyan ng pagkakataon yung mga taong ako naman ang hinihintay .

Maybe I can give him a chance .

Rain Martin Dela Rosa , I am now willing to open up a new door for you . I just hope you're worth it .

A/N

Enjoyyyyyy

Nights With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon