"GOOD MORNING MA !!" Masaya kong bati kay mama nang maabutan ko siyang naghahanda ng pagkain sa kusina . Humalik ako sa pisngi niya at dumiretso sa lamesa para kumain ng agahan .
"Aba naman ! Ang aga mo ata ngayon . Hindi ako sanay . Ni wala pa nga yung dalawang sundo mo eh" sagot ni mama pabalik sa akin . Tama siya , ang aga ko nga . Sa isang normal na araw kasi hindi na ako nakakapag agahan . Pero ngayon , tignan mo naman naunahan ko pa yung dalawang baliw .
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko . Sinaluhan na din ako ni mama sa pagkain . Habang kumakain hindi ko maiwasan ang mapangiti . Hindi naman ako ganito , siguro dahil na din sa nangyari kagabi .
Kausap ko siya magdamag . Oo , kausap . Dahil pagkatapos namin magkamustahan sa chat nagkuhaan na agad kami ng number at nag usap . Ang dami naming pinag usapan . Inabot kami hanggang alas kwatro ng umaga . I remembered myself last night , smiling while talking to him . Ang sarap lang sa feeling na makausap mo na yung taong matagal mo ng gustong makausap . I've been waiting for this for so long . And finally , kausap na kita .
Kaya naman kahit 2 hours lang ang tulog ko ay hindi pa din ako inaantok . Parang ang sarap sarap gumising sa umaga .
Napakadami nating napag usapan kagabi . Nagkamustahan , nagtanungan . Pero hindi natin napag usapan yung tungkol sa ating dalawa . Okay na siguro yon . Ienjoy na lang siguro natin yung ganitong pagkakataon .
Saktong pagtapos ko nang dumating si Kath at Tina .
"Hi bes . Tara pasok na tayo" bati ko sa kanilang dalawa . Halatang nagulat sila sa kakaibang saya at energy na mayroon ako ngayon . Hinawakan ko parehas ang braso nila at naglakad na kami palabas ng bahay .
Habang papunta kaming school hindi maalis ang tingin nila sakin . Naglalakad kasi ako ng nakangiti which is very unusual . Nakilala nila ako na hindi palangiti . Kumabaga , silang dalawa lang ang may kayang patawanin o pangitiin ako . Alam kong kanina pa nila ako gustong tanungin kaya naman hindi na nakatiis si Kath at nagsalita na din .
"Okay Ysa , tell us about it" Seryosong sabi niya sakin .
"Tell you what?" Patay malisyang balik tanong ko sa kanya .
"Come on . Tell us why you're happy . We want to know . No , I think we deserve to know co'z we're your bestfriends" Sabi naman ni Tina with matching hand gestures pa .
Wala naman akong magagawa dahil sure ako na kapag hindi ko sinabi ngayon sa kanila hanggang mamaya na nila ako kukulitin niyan .
"Nakausap ko na siya mga bes" sabi ko ng may malapad na ngiti .
"AHHHHHH !! IHHHHH !! For real ? " tili ni Tina habang tumatalon pa .
Nakita kong sumimangot si Kath kaya nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod . Ipinatong ko din ang mukha ko sa may balikat niya saka ako nagsalita .
"Trixy galit ka ba sakin ? Sorry na . Alam mo naman na ang tagal kong hinintay to diba ? Pagbigyan mo na ako . Please ?" Paglalambing ko sa kanya sabay pout ng lips .
Humiwalay siya sa yakap ko at humarap sa akin . Halata mo sa itsura nya yung lungkot dahil sa pag aalala .
"Dont call me with that name , Ysabelle . And yes , im mad . Pero ano bang magagawa ko ? E diyan ka naman magiging masaya . Ngayon na lang ulit kita nakitang ganyan kasaya hahadlangan pa ba kita?" Sabi niya sabay ngiti .
Hindi ko siya masisisi kung bakit siya nagagalit . Sa kanya ako umiyak noong mga panahong nawala ang communications namin ni Sean . Nakita niya din kung paano ako naghintay ng napakatagal na panahon para sa taong yon . Ayaw niya lang na masaktan ulit ako dahil nakita na niya yung hirap na pinagdaanan ko . And I'm so thankful to have her . I'm blessed to have this two in my life .
"Talaga bes ? Talaga ? Yeheyyyy ! Thank you . Thank you " and after saying that I hug her tight and kiss her on her cheeks .
"Uy sali ako! Ang daya niyo kayo lang ah!" Pagkasabi non , sumama na sa yakapan namin si Tina .
I am really greatful to be with this two . Minsan hindi mo kailangan ng madaming kaibigan para maging masaya ka . Ang kailangan lang natin ay yung kaibigan na kaya kang intindihin . Yung kaibigan na kaya kang ipagtanggol . Yung kaibigan na sasamahan ka umiyak at masaktan . Yung kaibigan na kahit na anong mangyari hindi ka iiwan . At dalawang kaibigan lang ang kailangan ko , sila yon .
It was really a perfect day for me . I have him back . I also have my friends to support me . I have the happiness i've been dreaming on . I hope this would last longer .
But I guess im wrong .
Not everything will work the way you want it .
Mali na naman ako .
A/N
ENJOYYYYY
BINABASA MO ANG
Nights With Him
RomanceWARNING!!! A love story of a girl who can't be moved ☺ 1st story so sana magustuhan nyo :) Enjoy reading ☺ Inspired by true to life story Characters were not real ☺ Gawa gawa lang siya ng malikot na pag iisip ng nagsusulat