Chapter 2

3.7K 95 7
                                    

Chapter 2:

                 

Sinundo na ni Kyra si Fiel sa kanilang bahay, Pagsalubong ni Fiel sa kanya, Mapait na mukha ang binigay ni Kyra sa Kaibigan.

“Alam ko na ang sasabihin mo.”

“Bakit mo naman pinasign si Dean sa slumbook ko ng hindi nagpapaalam?”

“Slumbook mo?! Eh diba nga napulot mo lang yan? Wag mo ngang aangkinin ang hindi naman sayo.” Inirapan nalang ni Kyra si Fiel. “Mauna ka nang pumasok, maghahanda pa ako ng baon ko.” Naglakad na si Kyra papalayo sa bahay nila Fiel at pumasok na siya papunta ng eskwela.

^^^^^^^^^^

                Sa classroom, Pinuntahan ni Kyra si Jane para ipasign ang Slumbook niya.

“Jane. J” Inabot niya ang kanyang kwadernong itim. Agad naman iyong kinuha ni Jane.

“Ano ito?” Binuklat niya ang itim na kwaderno, dito’y nalaman niya kung ano ang sagot sa tanong niya.

“Mag sign ka ah, Pagkatapos mo, Ibigay mo kay Carl, Pagkatapos niya, Iabot mo nalang kay Jonas.”  Kausap niya si Jane habang binubulalat ang Notebook.

“Okay J” Aalis na sana si Kyra ng Biglang nagsalita si Jane. “Ikaw ah! Kailan pa kayo nagbati ni Dean? Pinasign mo pa talaga siya dito ah. “ Dahil sa sinabing iyon ni Jane, Napakunot ng noo si Kyra at hindi alam kung anong sasabihin.

“Paano mo nalaman?” Tinanong niya si Jane ng mahinahon.

“Ito oh!” Pinakita ni Jane ang Pahina kung saan Nagsign si Dean.

Tila may bumagabag sa isip ng Dalaga.

^^^^^^^^^^

                Tapos na magsign si Jane, Kaya inabot niya ito sa kanyang boyfriend, si Carl. Pagkaabot niya neto, Nagsign agad siya, Wala pa siya sa kalahati ng nagring ang bell na hudyat ng kanilang recess.

“Babe, Pano yan? Nangangalahati pa lang ako.”

“Ano ka ba, Pwede mo namang iwanan yan jan eh, Balikan mo nalang mamaya, Ano halika na? Baba na tayo?”

“Sige.” Nilapag nalang niya ang Ballpen sa kanyang Desk kasama ang Slumbook.

                Makalipas ang ilang minuto, Dumating ang Grupo nila Lara, Ang kaaway ni Kyra at Fiel na kinaiinisan ng karamihan sa klase.

“Look girls oh! A black notebook on Carl’s desk?” Pumunta sa desk ni Carl at Binuklat ang slumbook.

“Omaygosh. Hindi pa ba laos ang slumbook sa kanila? How natives.” Sabi ng isang kaibigan ni Lara.

“Looks like it’s Fiel’s” Binulatlat pa ng maigi ang notebook. “Oh? Only one spot left? Let me handle this.”

Sabay sabay silang tumawa na parang mga ipokrita.

Slumbook [COMPLETED]Where stories live. Discover now