CHAPTER 10 ~ Bubble ~

Start from the beginning
                                    

Nag pout si Yale. "I thought you love me...."

-________-

How can he be so cute?

"Whatever." Nilingon ko ang kinaroroonan namin. Walang sakay na iba ang lantsa na sinasakyan namin dahil ni rent ni Yale iyon ng buo. Maiispoil daw kung saan kami mapupunta kapag may ibang tao.

Pinapanalangin ko na lang na hindi kami mapadpad sa lugar kung saan hindi na kami makikita ulit.

 Nakatulis ang nguso na sumiksik sa akin si Yale na mukhang hindi kuntento na hindi ko siya sinagot. Umusog ako palayo pero mas lalo lang siyang lumalapit sakin.

Pasaway talaga.

"Usog don."-me

"Ayaw. Sabihin mo munang love mo ko."

Pilit na itinago ko ang ngiti ko. "Oo na."

"Oo nang alin?"

Umusog ako palapit sa kaniya at inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. "Oo na po kulit, I love you na."

Lumayo ako at tuluyan na akong napangiti ng makita ko ang namumula niyang mukha. "Hindi ako makulit!..pero...pero.."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Pero?"

"Hindi kita mahal."

Binigyan ko siya ng matalim na tingin pero ngumiti lang siya. "Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kasi kita. Kung magmamahal ako, bakit ko pa titipirin diba?"

Nag-init ang mga pisngi ko at tumingin na lang ako sa bintana ng lantsa. Naramdaman kong pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko at isiniksik niya ang ulo niya sa mukha ko.

"I never thought you'll come up with an idea like this."

"Why? You dont like it?"-me

"It's impossible not to like the thought of having you for myself. Naisip ko lang na...parang close kayo ni Ferrell..kaya nakakapagtakang pumayag ka na maiwan siya."

The Camp: He's My Secret Agent Kusinero (Book 6)Where stories live. Discover now