Chapter Three

16.6K 609 28
                                    

Pag pasok nila sa bar kung saan gaganapin ang birthday party ni Alexa malakas na rock music ang sumalubong sa kanila.

"Ang dami ng tao.."turan ni Lora.



"Beatriz"

Napalingon siya sa tumawag sa kanyang pangalan at agad ding sumimangot ng makita si Tod ang football player sa campus nila.

"Hi..."anito ng makalapit sa kanila sabay halik sa kanyang pisngi.

Kita naman niya ang kakaibang ngiti ni Lora at jenny,kaya agad niyang pinandilatan ang mga iyo.

"Kasama talaga ang kiss"? Nakataas ang kilay na tanong niya dito.

Kumamot ito sa ulo bago ngumiti sa kanya.

"I'm happy na nakarating ka I thought na hindi ka pinayagan nag kuya mo..."

Ngiti lang naitugon niya dito matagal na itong nagpapalipad hangin sa kanya kaya Lang kahit gwapo ito hindi niya ito type dahil sa sobrang taas ng tingin nito sa sarili.

Tumaas baba ang mata nito sa katawan niya.

"You looked lovely tonight..."anito na hindi maitago ang paghanga sa tinig.

"Thank you..."matabang na turan niya.

"Hey guys...andito na pala kayo.."si Alexa na palapit sa kinaruruunan nila.

Lahat sila'y napatingin dito,Nakasuot ito ng navy blue na dress na malalim ang v-neck line at humapit sa katawan nito na umabot lamang sa may ilalim ng kuyukot nito iskandalusa ang suot ng kaibigan niya.

"Grabing ikli naman niyang suot mo Alexandria gusto mo na ba talagang ilantad yang katawan mo sa maraming tao..."sita niya dito.

Tinawanan naman nito ang sinabi niya.

"Ito na nanaman po si conservative girl,kunti lang naman ang haba ng suot mo sa suot ko diba.."

"Kahit na mas maikli parin yan.."nakangusong turan niya dito."But happy birthday..."bati niya na humalik sa pisngi nito.

"Thank you my dear friend.."tugon naman nito.


Maging si jenny at lora ay binati rin ito at nakipag beso-beso.

"Alright...shall we drink na kanina pa nanunuyo ang lalamunan ko..."si jenny.

"Heto naman ang adik sa alchohol.."natatawang sabi ni Lora.

"Bakit ikaw ba hindi?

"Slight lang....hehehe.."Natatawang sagot nito.


"Alright guys let's the party begins"masayang turan ni Alexa.


***

Tinatakpan niya ang ilong dahil sa usok ng sigarilyong kumakalat sa loob ng bar,at medyo na hihilo narin siya sa dalawang baso ng alak na nainom niya,Hindi siya sanay uminom,napilitan lang siya dahil sa mga kaibigan.

Si Alexa ,jenny at Lora ay parehong nasa dance floor at nakikipag sayaw sa mga kaparehang mga lalaki na bisita ni Alexa sa party nito.

"Hey,bea may I dance with you.."si tod

"Im sorry tod,nahihilo na kasi ako.."tanggi niya.

"Ganun ba di sasamahan nalang kita dito.."anito na umupo sa bakanteng silya sa tabi niya.


Hindi na siya tumugon at hinayaan na lamang nito.


******

Blake's PoV

Inisang lagok niya ang alak sa kanyang baso bago iginala ang paningin sa loob nang bar.At tumigil ang mga mata niya sa teenager na naka suot nang red dress na di kalayuan sa kanya.Nakaupo ito paharap sa gawi niya kaya malaya niyang napapag masdan ang maganda nitong mukha.Sa tansya niyay nag lalaro sa 18 to 19 years old ang edad nito.Marahil isa ito sa bisita nang pinsan niya.

Hindi na sana siya dadalo sa birthday party ng pinsan niyang si Alexa pero nakapangako na siya ditong pupunta,Hindi na siya nag sama ng bodyguard dahil ayaw niyang sa ganitong okasyon may bumubuntot pa sa kanya,Kahit pa may mga natatanggap siyang death threats.Natural lang iyon sa mundong ginagalawan niya,he was a successful business tycoon at the young age of 29 kaya marami siyang kakumpitensya sa negosyo.

Pag mamay-ari niya ang malalaking shipping lines sa bansa at may malaki pa siyang negosyo sa Brazil,pag aari rin niya ang Jordan's Tower Enterprises o JTE.

Nakita niya ang paglapit sa teenager nang isa ring lalaking teenager.May sinabi ito babae bago umupo sa bakanteng silya sa counter katabi nang babaeng teenager.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang na irita sa lalaking lumapit dito.Napailing siya sa nararamdaman.Hindi pwedeng ma attract siya sa babaeng teenager.Dahil neneng nene pa ito kumpara sa edad niya.

Tumayo siya at nag tungo sa men's room para maalis sa paningin ang teenager na umaagaw nang kaniyang atensyon.

Beatriz PoV

Naiinis siya sa presensya ni Tod sa tabi niya pakiramdam niya binabakuran na siya nito.

Kaya naman para makatakas sa presensya nito.Nag pasiya siyang tumungo nag lady's room.

"Saan ka pupunta? Tanong ni Tod

"Sa restroom .."maikling turan niya."Bakit sasamahan mo ako...?dugtong niya.

Nakakalukong ngumisi ito." Kung papayag ka.."


"In your dreams..."aniya bago ito tinalikuran.

Tinalunton niya ang way patungong restroom.Nakahawak ang kamay niya sa pader dahil nahihilo na nga siya.At Dahil medyo nanlalabo na ang kaniyang paningin salip na restroom nang pambabae ang papasukan niya.Sa men's room siya nakapasok.


"What the hell are you doing here..."the irritated baritone voice said.

Kunot noong dumako ang tingin niya sa nagsalita at Parang nawala ang lasing niya ng tumingin sa mukha nito,pababa sa malapad nitong balikat hangang sa may tiyan nito,Ng mapatapat ang mata niya sa pagitan ng hita nito'y napalunok siya,muli niyang ibinalik ang paningin sa mukha nito.

Oh my god ito na yata ang pinakagwapong lalaking nakita niya,makapal ang kilay nito na binagayan ng medyo mabilog nitong mata na animoy gabi sa kaitiman, maikli ang pagagagupit ng buhok nito na bumagay sa medyo pangalan nitonh mukha ,,matangos din ang perpekto nitong ilong na binagayan ng makipot at manipis nitong labi na mamula-mula na parang nangaakit "siguro napakasarap nitong humalik',napangiti siya ,sa naisip,at kung hindi siya nagkakamali hindi ito pure pilipino.

Nakasuot ito ng leather jacket na pinailaliman ng black v-neck T-shirt at black turso.maiihahalintulad ito sa greekgod na nakikita niya sa museum.



"Wow,men in black.."tanging naibulalas niya






Don't forget to comment, vote and share paki follow narin po ako kung pwede...thank you.

Love

ALBENIA26

I LOVE YOU GUARDIAN BLAKE✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon