Sasagutin ko pa sana siya kaya lang bumukas na yung elevator na kanina pa namin hinihintay

Sumakay na si kyle sa elevator ako wala naka tayo lang

"Girl sasakay kaba o ano?" Sabi ni Kyle nakatingin lang ako sa taong nasa may likuran niya

"I'll take the stairs" sabi ko tapos nagstart nakong maglakad para maghagdan

Tama nga ata si Kyle maybe they're too busy surprising the girls they like baka nga love na eh. Hindi nalang nila sinabi sakin dahil iniisip nila na magseselos ako. Am I really too clingy? Bakit hindi nila sabihin sakin ? Para silang utak ko too complicated to understand

While walking napansin kong hanggang sa hagdan merong mga petals tapos sa may wall may nakita akong paper may na kasulat Na "Sad? This way" tapos may arrow

Dahil malungkot ako kahit hindi naman ako sure sa pupuntahan ko ay sinundan ko yung may "this way"

Ano ba kasi yung nakita ko sa elevator
Wala si kuya Reid lang naman na may ka holding hands na babae at may hawak na bulaklak hindi ako napansin ni kuya Reid kasi busy siyang tignan ang kaholding hands niya


Pagdating ko sa 6th floor kasi galing akong 7th floor eh. Sinundan lang yung arrow at kung saan may nga petals bumaba na ng 5th floor tapos pag dating kong 5th floor may babae lumapit sakin

"Ma'am this way po" sabi ni ate with a smile

Ako si uto-uto sumunod tapos nasa tapat na kami ng room 505, pumasok kami tapos madaming ballons at kung anong kaartihan pa ang meron sa loob hindi na sana ako papasok kasi masyadong cheesy eh bitter nga ako diba? Tsaka baka pagbayarin ako wala naman akong pera kaya aalis na sana ako ng may ateng lumapit sakin at kinaladkad ako papasok ng room at pinaupo sa may harapan ng salamin meron ng lumapit sakin at tinanggal ang pagkakabun ng buhok ko

"Teka sandali anong ginagawa niyo?" Tanong ko

"Malungkot ka diba kaya ka pumunta dito? First step para sumaya Free make-over" sabi nung babae na busy lagyan ng kung ano-ano ang mukha ko. Hindi nako umangal free daw eh. Alam niyo naman best things in life are free 😏😂

Habang may nag mamake-up sakin meron namang busy sa pag ayos ng buhok ko. Sosyal ang make-up airbrush 😍

"Ayan tapos na hubad na" utos nung babae

"Hubad?! bakit?!" Nabiglang tanong ko

"Wag ka ng maraming tanong dali na" sabi nung babae sakin

"Ayoko lalabas nako" sabi ko jusko hubad daw anong gagawin ko

"Naku pumasok kana the only way out is to change kaya dali na babae naman tayo lahat dito" sabi nung ate

"Ayoko nga!" Sabi ko

"Miss magpalit kana mahuli kapa sa date mo" sabi nung isa pang babae na may hawak na dress

"Date ? Sino? Ako ? Ay naku ate hindi ako nakikipagdate" sabi ko

"Malungkot ka? Second step makipagdate ka" sabi naman nung may hawak nung sapatos

"Ay ate wag nalang wala akong hilig sa date" sabi ko tapos nagtry lumapit sa may door pero hinarangan ako

"Ate lalabas nalang ako thank you sa pag-aayos sakin" sabi ko

"Okay bayaran mo nalang yung nagastos namin sayo!" Sabi nung isang ate

"Sus sige na babayaran na palabasin niyo nalang ako" sabi ko

Diary ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon