Hmmm... I guess hindi pa ito ang huli nating pagkikita... Tiffany Ocampo.

"At kaninong I.D. naman iyan?" Nakapout na tanong nito.

"None of your business, Marge. Tara. Bumalik na muna tayo sa loob."

***
"Tiffany Ocampo. Assistant Librarian." Basa ko sa nakasulat sa I.D na hawak ko.

Kasalukuyan kong isinesearch sa facebook ang pangalang nakuha ko. I hope may fb account s'ya. Hindi ako napakali sa bar dahil sa kakaisip sa kanya kaya ipinasya kong umuwi para alamin kung sino s'ya.

"Tippy Ocampo. Ito kaya ang account n'ya? Kamukha n'ya naman 'yong nasa profile picture."

I sent her a friend request but to no extent hindi pa agad n'ya ito inaccept.

"Baka hindi pa s'ya online. I will send her a message nalang muna."

Here's the content:

Hi! Blake Dominguez here. Sad to say ako iyong nakabangga sa'yo kanina pero hindi ko talaga sinasadya. I was just in a hurry. Sorry talaga. I sent you this message to apologize and to tell you na nasa akin ang I.D mo. Hindi mo siguro napansin na nahulog dahil sa pagmamadali mong makaalis kanina. Pupwede kaya tayong magkita para maisauli ko ito sa'yo?

I send the message. Naghintay ako ng ilang oras hanggang sa nakatulugan ko na.

I checked my account paggising ko hoping na may message ako mula sa kanya pero wala talaga. Ang masaklap ay sineenzoned pa ako.

"Argh! I need to see her." Hindi ako napakali kung kaya't naligo ako at nagbihis para sana puntahan s'ya sa pinagtatrabahuan n'yang Public Library.

***
"Hello, Miss. I'm looking for Miss Tiffany Ocampo. Andito po ba s'ya?" Nakangiti kong tanong sa Librarian.

Tinitigan lang n'ya ako saglit bago bumalik sa ginagawa nito.

"Ikaw ba si Blake Dominguez?" Wow! As in wow. Kilala niya ako? Urgh! Don't tell me na pati ang kamukha ni Miss Tapia maiinlove din sa akin? Hala! I'm not prepared.

"Maganda ba ako Mr. Dominguez?" Nagpapacute pang tanong ng ewan ko ba kung saan pinaglihi. Ang kapal at ang lapad ng bibig nito, ang mga kilay nito ay lumalampas pa kahit ang laki na nga ng glasses nito, at hindi sa nanlalait pero gusto ko sanang itanong kung nakakahinga pa ba ang mga taghiyawat n'ya sa pagsisiksikan ng mga ito sa pisngi niya.

"P...Po?" Lord help me! Sana hindi n'yo nalang ako ginawang gwapo. Okay na sana eh. Magpapasalamat na sana sa gandang lalaking biyaya niyo pero kung kay Miss Tapia lang rin pala ang bagsak ko, kunin n'yo nalang ako Lord.

"Tsk! Ano ba kasi ang iniisip mo Mr. Dominguez at titig na titig ka sa akin?"

"Ahh. Wala naman po. Iniisip ko lang kung paano n'yo ako nakilala?"

"Ganun pala. Sana sinabi mo kaagad at nang hindi na ako nag- assume pa na nagagandahan ka sa akin. Pinapasabi ni Tippy na sakaling mapadpad ka dito iwanan mo lang daw ang I.D. n'ya at ilang araw din s'yang nakaleave. She sent me a photo of you para daw mas mabilis kitang makilala."

"Ganun po ba? Heto po ang I.D n'ya. Pakibigay nalang po at ako ay aalis na." Hindi ko talaga maatim ang pagmumukha n'ya. May pabeautiful eyes pa kasing nalalaman eh.

***
Wala akong ginawa sa loob ng ilang araw kundi ang hanapin si Tippy. Inalam ko ang address n'ya at sinundan s'ya ng palihim saan man siya magpunta.

Madalas ko s'ya nakikitang nagsusulat, pagkatapos ay isinisiksik ito sa isang garapon at ibinabaon ito sa may ugat ng puno ng Acacia malapit sa bahay nila. Curious man ako, ni hindi sumagi sa isipan ko na hukayin at basahin ang mga sulat na nasa garapon na iyon.

"Say Something"Where stories live. Discover now