-One Shot-

111 10 0
                                    


[Blake]

"Sibad na ako mga pre. Andyan na naman kasi ang asungot." Paalam ko sa barkada. Kasalukuyan kaming nagjajamming sa tambayan.

Actually, ang tambayan namin ay isang sikat na bar dito sa amin. Pagmamay-ari ng isang kabarkada at miminsan rin kaming tumutugtog bilang banda kapag inirerequest n'ya.

"Iba kasi kapag gwapo, palaging kinahabol ng aso." Nagsitawanan ang mga ugok. Well, hindi naman talaga sila mga ugok. Lahat sila may mga itsura at pinag aralan. Lahat sila ay may matitinong trabaho, kung hindi boss ng kompanya, mga tagapagmana din ang mga ito.

"Tss! Hindi aso si Margarette no." Sabi ko pa.

"Uyyy! Pinagtatanggol. Pakasalan mo na kasi 'yan."

"Oo nga."

"Tss! Manahimik nga kayo. Si Daddy lang ang may gustong pakasalan ko s'ya."

Totoo naman 'yon. Si Margarette kasi ay anak ng kasosyo ni Dad sa negosyo. Hmmm... Alam n'yo na ang kwento kapag ganun, fix marriage ang mangyayari.

Hindi naman masama ang makasal kay Margarette. Maganda ito, matangkad, sa katunayan ay isa s'yang modelo, matalinong babae rin naman at may breeding...'yonlang talagang hindi ko s'ya gusto.

Pinipilit n'ya ang sarili n'ya sa akin at isa iyong malaking, NO! NO! Mas gusto ko kasing ako ang mismong naghahabol sa babae. Ako iyong uri ng lalaki na papakasal nang dahil din sa pag-ibig.

Aaminin ko badboy ako, player, at wala pa ni isang babae ang sineryoso. Maybe because hindi ko pa nakikita si "The One", iyon bang babaeng magpapatibok ng puso ko nang mas malakas pa kaysa sa drums na pinapalo ko.

"Blakey!" Sigaw mula sa kompol ng mga taong nagsasayawan sa dance floor.

"Whooahhh! Here she comes. I guess this is really goodbye guys." Tawanan lang ang naging sagot ng mga ito ng dali-dali akong tumalilis para umalis. Tss! Kaibigan nga sila. Problemado ka na nga, tatawanan ka pa nila.

***
Blaggg...

"Naku! Nasaktan ka ba Miss? Okay ka lang ba?" Sabi ko nang inaalalayan ko patayo ang babaeng nakabanggaan ko. Sa sobrang lakas nang pagkakabangga ko sa kanya ay napaupo ito sa sementadong kalye at nagkalat ang mga dala nitong libro.

Imbes na sagutin ako ay isa isa n'yang pinulot ang mga libro at walang lingon-likod na iniwan akong nakatayo sa gitna ng iskinita malapit sa bar na nilabasan ko.

Paano ba naman kasi ay sa pagmamadali kong matakasan si Margarette ay hindi ko na tinitingnan ang dinadaanan ko. Halos lakad takbo na ang ginawa ko nang makita ko s'yang sumusunod sa akin palabas ng bar na iyon.

"Who are you?" Nasambit ko nalang habang tinatanaw ang papalayong babae.

Nacurious kasi ako. Sino kaya siya? Hmmmm... Ewan ko ba at lumakas bigla ang tibok ng puso ko nang matitigan ko ang maamo n'yang mukha. Well, she's not the typical girl...she wasn't wearing glasses just like the nerds, hindi din s'ya sobrang ganda kagaya ng mga bida sa pelikula at istorya. She's...exceptionally mysterious. There's something in her character that made me want and wish to know her more. Lalo na nang titigan niya ako sa mata with those innocent eyes of her.

"Blakey! Saan ka ba pupunta? Tatakas ka na naman ba?" Patay! Naabutan tuloy ako ni Margarette nang dahil sa babaeng 'yon. Hay, buhay!

"Naku! Hindi, Marge. May hinahanap lang ako dito." Pagsisinungaling ko pa.

"Ano naman kaya 'yon? Hali ka na, Blake. Bumalik na tayo doon sa loob. Ipapakilala kita sa mga friends ko."

"I... I.D.? Tama. Itong I.D. ang hinahanap ko." Naghahanap ako ng maiaalibi kay Margarette nang mahagip ng mata ko ang isang I.D. Napangiti ako nang makita ko ang picture sa I.D na pinulot ko.

"Say Something"Where stories live. Discover now