Chapter 2

609 24 5
                                        

“P’re, p’eram laptop mamaya huh?” ani Mark, nakaupo sa sahig at nakasandal sa binti ni Zen, kausap si Elijah na nasa kusina kung nasaan din ang dining table, ginagamit ang laptop ni Lilia.

“Dinala mo dapat laptop mo,” reklamo ni Elijah, “hindi ‘yang hiram ka ng hiram.”

“Damot mo, porke’t sa Lily mo ‘yan,” sagot ni Mark. Tinignan lang niya ito at hindi nagsalita, at mabilis din namang bumalik sa pagkakalikot sa laptop. Sanay na ang binata na sabihan nila siya ng “Lily mo” kapag patungkol kay Lilia ang pinag-uusapan nila.

“Wow, p’re,” malakas na pagkakasabi ni Don na nakaupo at nakalapat ang batok sa sandalan sa pinaka-kanan ng sofa na nakaharap sa kusina, “parang sa’yo ‘yan, ah?”

 Hinampas siya ni Bethe na katabi niyang nakaupo sa sofa, “‘wag ka ngang sumigaw! Ang lakas ng boses mo! Gabi na, o?” mahina ngunit hindi mahinahong sabi nito.

“E kasi, malayo s’ya,” pag-amo ni Don sa kasintahan kahit hindi naman galit ang huli, kahit hindi naman talaga sila masyadong malayo kay Elijah dahil nasa iisang mahabang kwarto lang sila kung saan makikita ang kusina at dining table at ang sala nila Lilia. “Hindi ako galit, timang ka,” paglilinaw ni Bethe kay Don.

Si Zen naman na katabi ni Bethe at nasa pinaka-kaliwa ng sofa ay tahimik lang, kinakabahan dahil nakasandal sa mga binti nito si Mark.

Tumahimik ang paligid at tunog lang ng kuliglig ang naririnig. Alas otso pa lang ng gabi pero antok na sila dahil sa ambiance ng paligid na parang maghahating gabi na.

Nasa bahay sila ng lola ni Lilia. Isang lumang malaking tirahan na ang lola ng dalaga at ilang kasambahay lang ang tumitira. Pinayagan sila ng mga ito na doon na magpalipas ng gabi dahil wala ngayon ang mga ito, bukod sa kanilang all-around yaya na si Merlin, sa pag-aasikaso raw ng kung anong papeles patungkol sa lupa ng bahay na iyon. May pagkabaryo pa rin ang lugar nilang iyon kahit hindi naman ito malayo sa bayan at sementado na rin naman ang daan. Mag-o-over night sila dito dahil sa fun run na volunteers lang dapat ang tatakbo pero ginawang requirement ng “lins’yak”, ayon kay Elijah, nilang Theology Professor. Malapit lang kasi kina Lilia ang gaganapan ng takbuhan, at para hindi ma-late dahil ala’ singko ng umaga ito mag-uumpisa, doon na lang sila magpapalipas ng gabi.

Sa sala, nandoon si Don, gitarista ng barkada, medyo maitim at medyo may kabilugan ang katawan dahil sa pagmamahal na binibigay ng kasintahan; dahil magaling siyang tumugtog, napasagot niya ang kasintahan noong high school students pa lang sila; magaling umawit lalo na kung Metal ang kanta dahil sa natural nitong husky na boses. Nandoon din si Bethe, babaeng may katangkaran, mas maliit lang ng isang pulgada sa kasintahang si Don na dalawang pulgada na lang ay anim na piye na ang tangkad; kayumanggi ang kulay na medyo may pagkadilaw; at, parang professional kung magluto lalo na kung para kay Don.

Si Mark ay nandoon din, ang gwapong kabarkada nila na naghuhumiyaw ang kakisigan sa tangkad na lalagpas lang ng labing-limang sentimetro sa isa’t kalahating metro, pero mas gwapo pa sa mukha niya ang boses na gugustuhin ng kahit sinong lalaki na maangkin at ikakakilig naman ng kahit sinong babae; ka-tandem niya sa musika si Don na bagama’t magaling din namang kumanta ay mas magaling pa rin siya; ang ideal niyang babae ay maliit, maganda ang katawan, tsinita at kilala niya. Makikita rin doon si Zen, ang pinakamaliit sa barkada sa height na hanggang dibdib lang ng napupusuan niya; may lihim na pagsinta kay Mark na halatang-halata naman, o ayon sa kaniya ay sadyang naging manhid lang ang binata kaya nananatili itong sikreto; tsinita at maputi, at kahit mas maliit kay Lilia ay hindi magpapatalo sa ganda ng hubog ng katawan, saktong-sakto yakapin at masarap alagaan, at iyon ang hiling ng dalaga na sana naman ay madama niya mula kay Mark.

Try LangWhere stories live. Discover now