Ang pinasasalamatan ng ibang taong pag-gising sa umaga ay parang pagharap sa impyerno para sa isang babaeng katulad ko.
Ayoko ng tao.
Tao ako, pero hindi ako tinatratong tao ng mga tao kaya ayoko sakanila.
Magulo, mahirap intindihan, komplikado, pero ayoko talaga harapin sila.
"Bunso! Bumangon ka na dyan at maghanda ka na para sa pagpasok mo." sigaw ni Mama mula sa kusina. Oo, ganyan sila dito. Maingay. Nakakairita.
Dali-dali akong naghilamos at eto na nga, kaharap ko na naman siya..
Salamin.
Salamin na nagpapaalala saakin na panget ako, madumi ako..
Biglang may tumulong luha sa mga mata kong parang holdaper kung tumingin. Ayokong umiiyak, pero wasak na wasak na ako.
Ayos lang 'to. Pagpapaalala ko sa sarili ko, tila kinakalaban yung salamin na nagsasabi naman ng totoo.
Minsan naiisip ko, may tatanggap pa kaya saakim neto? Napaka-kadiri ko..
Nakakasuka.
YOU ARE READING
Perfectly Flawed
Teen FictionStill On-Going. 3rd year highschool lang po ako, and busy po ako sometimes. Kaya expect na po kayo errors dito hehe. Nangangarap lang po. Libre naman e, haha! Salamat po.
