Chapter 14: That's my babe

41 0 0
                                    


Sandy's POV

Today is tuesday. Rise and shine mga naggagandahan at naggwagwapuhang nilalang sa ibabaw ng earth. Ngayong araw din magaganap ang Operation: Sorry Lance bebe.  Corny no? Sisihin niyo yung tamad na author nito.

Anyway! Nakapanaginip ako kagabi. At ayon sa panaginip ko, kumakain daw ako ng cake. Isang masarap na masarap na masarap na cake. Nasa katawan daw yun ni lance tapos dinidilaan ko daw yung icing tapos tapos tapos!!! waaaaaaah i kennot! Di ko na ikekwento hihi private yun mga bessy!

Ngayon nga ay nandito ako sa kitchen ng condo. Sinusulat ko ang mga ingredients na kakailanganin ko para sa chocolate cake na gagawin ko. Bibigyan ko siya ng cake kasi nga nahihiya ako na di ko siya pinapansin. Nagtanong rin ako kay Lara kung ano favorite flavor ng kuya niya so yun nga sinabi niyang chocolate cake.

"Rain!!! Busy ka?" Kausap ko ngayon sa phone yung isa kong kaibigan. Di kasi ako makalabas rito sa condo dahil coding ang kotse ko.

"Hindi naman sands. Napatawag ka?" good!

"Umm pwedeng favor? Kasi kailangan ko ng ingredients para sa chocolate cake na ibabake ko tapos di ako makalabas ng condo kasi coding yung sasakyan ko. Pero kung may ginagawa ka, okay lang" please please please pumayag ka. Juskoooooo ikaw nalang pag-asa ko. Wala kasi siyang klase ngayon dahil same day kami ng walang klase kaya alam ko.

"Sure! Yun lang pala eh. Send mo nalang sakin yung listahan tapos dalhin ko nalang dyan" 

"OH GOD! hulog ka ng langit rain! umm medyo literal yun HAHAHA. Anyway, sesend ko nalang sayo tapos bayaran nalang kita kapag pumunta ka na dito. orayt? Thanks ulit muah hugs"

"HAHAHAH ikaw talaga. Sige gotto hung up. Bye~" and the call ended. Okay Kailangan ko na ngayon ayusin at i-sterilize ang mga gagamitin ko.

Hmm ano kaya magandang ilagay sa cake? 

Sorry na baby ko... EEEEEENGK masyadong pabebe

Patawarin mo na me please? ... Conyo much teh gurl! ewwww nakakaturn off ka

hmmmm

Alam ko na! Di ko nalang lalagyan sa mismong cake. Maglalagay nalang ako ng sorry card. Siguro okay na yun? 

Pagkahatid ni Rain ng mga ingredients, umalis na rin siya kasi may pupuntahan pa daw siya. Sinimulan ko na rin ang pag-measure. Sinisgurado kong maayos at tama ang lahat. Aba! Hindi man ako magaling magluto, bawing-bawi naman ako sa pagbake. Sa pagbabake kasi, kailangan sakto lahat. Hindi kagaya sa pagluluto na magtatansta ka kung maalat pa ba or matamis or maasim. Sa bake di mo na pwedeng i-adjust ang mga ingredients kapag masyadong matamis or what. Kailangan talaga ng pag-iingat at maayos na pagsukat. Nang masigurado kong okay na, ipinaghalo-halo ko na at minix. Ngayon naman na nailagay ko na siya sa oven. Yung chocolate icing naman.

Habang nagccrack ng eggs, naisip ko na sana mapatawad na ako ni Lance. Hindi ko rin alam pero parang ayaw magfunction ng utak ko kapag di siya nagpaparamdam at nangungulit. Siguro nasanay lang ako na lagi siyang nandyan. 

Nailagay ko na sa box ang cake at nailagay ko na rin yung card. Hmm ngayon naman kailangan ko pumunta ng school para i-abot sa kanya. Wala rin siyang pasok ngayin pero may training kasi ang basketball team dahil malapit na ang inter-school competition.

"Hello Ma'am. Good Afternoon po" bati sakin ng guard dito sa school. Nagcommute lang ako papunta kasi nga diba coding ang kotse ko.

Suuuuuuuus pero kanina ayaw mo magcommute nung bibili ka ng ingredients. Pero kapag pupunta kay lance, kahit nagkahirap-hirap ka para lang di mahawakan ng iba yang box okay lang...hmmmm fishy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Cassanova is my Girlfriend ~on hold~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon