☆Develious 29☆

6.8K 208 2
                                    

Ashley Fredrich Hell's POV

Bigla akong natigilan ng may lumitaw na liwanag sa pader. Napatingin ako doon at nakita ko sila Jayden at iba pa. Mas lalo akong nakaramdam ng galit ng mapansing duguan sila.

"What do you want?" Tanong ko sa kanya habang masamang tingin ang ipinukol.

"If you really want them to survive... let me take your life." Nakangising turan nito. Napatingin ako sa kanila. Napansin ko sunod-sunod na pagiling nila. Alam kong gusto nilang sabihin na wag akong pumayag. Pero kung ito lang ang paraan para maligtas sila wala akong magagawa.

"Sige. Pumapayag na ako. Pakawalan mo na sila!" Matigas kong turan. Napatawa ito ng malakas. Ilang saglit lang ay bigla itong tumingin sa mga tauhan niya at sumenyas. Bigla nilang kinalas yung mga nakagapos kila Cj at dinala sa kung saan.

"Siguraduhin mo lang na ligtas sila. Kung hindi bago mo pa ako mapatay ikaw ang iuuna ko!" Malamig kong sabi. Napangisi ito.

"May isang salita ako wag kang mag-alala." Pagkasabi nitong iyong ay lumapit siya sakin. Hinawakan nito ang pisngi ko.

"Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito, alam mo ba yun? Simula nung mapatay niyo ang papa ko ay sinumpa ko na ipaghihiganti ko siya." Serysong sabi ito idiniin ang pagkakahawak sa pisngi.

"Walang katotohanan ang sinasabi mo! Dahil hindi ko pinatay ang ama mo!" Matigas kong sabi. biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Mas naging nakakatakot. Sinampal niya ako ng pagkalakas-lakas at naramdaman ko na dumugo ang labi ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Singungaling ka! Pero kahit anong sabihin mo hindi na magbabago ang isip ko! Papatayin parin kita!" Pagkasabi niyang iyon ay umalis na siya at iniwan akong magisa sa loob ng madilim na silid na iyon.

Napangiti ako ng mapait. Kahit ano palang gawin ko ay mahina parin ako. Bakit pag dating sa kanila humihina ako? Ginawa ko na ang lahat pero ganun parin. Paano ko pa magawang maipaghiganti ang mga magulang ko.....

***

Emmanuel's POV

"Boss, we received a message from Jayden." turan ng tauhan ko. Napakunot ang noo ko.

"What did he said?" Tanong ko.

"He said the they are now in the hospital and your grand daughter is in danger." Biglang akong napatayo sa pagkagulat. Naibato ko yung hawak na baso na naglalaman ng alak.

Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Nakahanap ng paraan ang anak ni Sanchez para makuha si Hell. Hindi ako makakapayag na magtagumpay sila.


"Prepare our people. Were going to the enemies location!" malamig na utos ko. Yumukod muna ito bago umalis. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number niya. Ito na ang tamang pagkakataon para tawagan siya.


[Hello, sir?] Isang tinig na matagal ko ng hindi naririnig.

"I need you to be here. I want you to protect my grand daughter." Seryosong sabi ko. Bigla itong natigilan.

[Did something happened?] Tanong nito.

"She's in danger. If ever i died... i want you to stay by her side no matter what."

[Okay sir. I will going to protect her.] Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig.

"I trust you." Pagkasabi ko nun ay binaba ko na ang tawag. Ngayon ay kailangan ko ng kumilos. Hindi ko hahayaan na nay manakit sa apo ako.

'Hintayin mo lang ako hell.. ililigtas kita.'

***

Jayden's POV

"How is she?" Tanong ko kay Cj. Seryoso ang mukha nito at anumang oras ay maari itong makapatay.

"She's still unconscious." Cold na sabi nito. Nakatingin lang ito kay Krish na ngayon ay walang malay.

"Bakit kailangan humantong sa ganito ang lahat. Hindi ko alam ang nangyayari pero matagal na akong may kutob." Sabi pa nito. Napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi ko alam ang plano ni Ash sa susunod na mangyayari pero hindi ko alam kung magiging handa ang mga nasa paligid niya kung sakaling may mangyari mang masama sa kanya." Napayuko nalang ako. Tulog si Nic at si Cyrus naman ay nasa kabilang kwarto.

"We can't save her." Malungkot na turan ko.

"What do you mean?" Tanong nito na may halong inis.

"She's the only one who can save herself. Wala tayong magagawa kung hindi intindihin siya." Sabi ko at ikinuyom ang palad. Natigil kami sa pag-uusap ng biglang bumukas yung pinto at nakita naming nakatayo doon si Cyrus.

"Sino ba talaga Ashley... Sino ba talaga kayo?" sabi nito sa expression.

"Huwag munang alamin dahil baka madamay ka lang." Naiiling na sabi ko. Bigla niya akong nilapitan at kinuwelyuhan.

"Damay na ako dito kaya sabihin mo na sakin ang totoo! Sino ba talaga kayo?!" Galit na usal nito. Nilingon ko muna si Cj at nag nod lang ito. Alam kong pag sinabi ko sa kanya ang totoo ay tiyak na malalagot ako kay Hell. Pero wala na akong magagawa.


"First of all, will you please calm down!" Sabi ko dito. Huminga muna ito ng malalim bago ako binitawan.

"Tell me everything." Madiin niyang utos. Napailing nalang ako.

"Unang una sa lahat alam kong gangster ka. Pero ang mundong kinagagalawan namin ay malayong malayo sa buhay na ginagalawan mo." Sabi ko sa kanya. Napansin ko ang pagbabago ng reaction niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong niya. Bumuntong hininga muna ako.

"Isa kaming assassin na kabilang sa isang mafia. Ang grupo nila Ashley ang pinaka kinakatakutan na assassin sa mundo ng Mafia at Assassin. Sila ay tinatawag na Develious Child." Pagkukuwento ko. Napansin ko ang pagkagulat na sa mukha niya.

"Pero si Ashley... Ang totoo ay isa syang Mafia heiress. Nung bata pa sya ay napatay ang mga magulang dahil sa kalabang mafia. Ito ang may kagagawan ngayon ng sitwasyon natin. Pero nawala ang alaala niya nun kaya nawala sa isipan niya ang tungkol sa mafia." Pagpaatuloy ko.

"Kaya pala..." narinig kong sabi nito sa mahinang tono.

"Ano?" Tanong ko.

"Kaya pala ayaw niyang sabihin sakin kung sino siya." Seryosong sabi niya.

"Ngayong nalaman mo na ang lahat ng tungkol sa amin at sa kanya. Hindi mo na kailangan pang idamay ang sarili mo sa problema namin." Sabi ko dito. Bigla itong ngumiti at tumingin sakin.


"Ngayon nalaman ko na ang totoo sa tingin mo hahayaan kong mapahamak siya?" Sabi nito na may ngiti sa labi. Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko rin maintindihan ang isang to e.

"Bakit kaba nagpupumilit? Magsabi ka nga ng totoo." Nagtatakang tanong ko. Tumalikod siya sa amin.

"Dahil mahal ko siya."


***

Wag po kayong magtaka ah. Hindi pa to matatapos :D Kailangan ko pang pahabain.

Anywayszzz... Sa may mga tanong

Sino kaya yung kausap nung lolo ni Hell??

For the answer. Patuloy niyo pong basahin. Sigurado malalaman niyo. :D

☆Develious Child☆(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon