Chapter Three

44 4 0
                                    

“ANO KA BA Zharm, amoy pawis ako wag kang lumapit sa akin.” Sabi ni Alexander kay Zharm. Nagkibit balikat lang ito. May kinuha ito sa bag nito. Napatingin naman siya kay Reanne na kasalukuyan ay tinitignan ang cellphone nito. Naramdaman ata nitong nakatingin siya rito kaya tumingin rin ito sa kanya. Tinaasan siya nito ng kilay. Ngumisi naman siya dito. She said something to herself and stares back at her phone.

Nagpalipat lipat si Zharm ng tingin sa kanila. “Reanne.” Tawag nito kay Reanne. Tinatamad na nag angat ng tingin si Reanne dito.

“What?”

“Halika ipapakilala kita sa kaibigan ko.”

Kumibot kibot ang labi nito na parang may gustong sabihin pero napagpasyahan na lang tumahimik. She made a hissing sound. Sumabat na siya.

“No need Zharm, kilala ko na si Reanne.” Sabi niya. Pinandilatan siya ni Reanne.

“Saan kayo nagkakilala?” tanong ni Zharm.

“Bakit ka napadaan dito?” tanong niya upang iwasan ang tanong nito. Nagkibit balikat na lang ito.

“Aabot ko lang to. I’ll be eighteen next week.” Masayang sabi nito at inabot sa kanya ang invitation sa debut nito. Tumingin siya kay Reanne na naiinip na nakasandal sa kotse ni Zharm. Tumingin din si Zharm sa direksiyon ng tinitignan niya. Bumaling siya kay Zharm. A knowing smile formed in her lips.

“What?” tanong niya. Lalong lumuwang ang pagkakangiti nito.

“I guess we better go. Pumunta ka sa party Alexander kundi,” lumapit ito sa kanya at bumulong. “Ikakalat ko yung sikreto mo. At wag kang magaalala dadaan ulit ako dito. Bibigyan kita ng picture ni Reanne.” Bulong nito sa kanya. Nagulat siya sa sinabi nito. Lumayo na ito sa kanya. She even gave him a knowing look then playfully winks at him. Tumalikod na ito at sumakay sa kotse nito. Tinignan niya ang hawak na card at muling tinignan ang papaalis na sasakyan. What the heck did just happen?

TAHIMIK lang si Reanne habang nasa loob siya ng sasakyan ni Zharm. Kaaalis lang nila mula sa autoshop na pinagtratrabahuan ni Alexander. Hindi niya akalain na magkaibigan sila Zharm at Alexander.

Ang lalaking pinagpustahan lang siya. Ang lalaking napakayabang. Ang lalaking nagpapabilis sa tibok ng puso niya. Ang lalaking mahal niya—HINDI!

Mahal agad! Crush lang muna! Mali! Hindi ko rin pala siya crush. Err! Ano bang alam ko sa mga ganyan ganyan?

Inis na ibinalya niya ang sarili sa passenger seat. Ano ba talaga ang nararamdaman niya? Bakit nakaramdam siya ng kirot sa dibdib nang halikan ni Zharm sa pisngi si Alexander? Was she jealous?

There is no freaking way! I’m not like Juliet who fell in love with Romeo the moment she saw him.

“Bakit ang bagal ng takbo mo?” naiinis na tanong niya. Kung kanina ay mabilis ang takbo ng minamaneho ni Zharm ay ngayon napakabagal.

“So he’s hot right?” nakangising sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa daan.

“Sino?” pagmamaang maangan niya. She heard her scoffed. Inirapan niya ito.

“Uy bago yan ah. Ngayon lang kitang nakitang nainis. Sino ka? What did you do to my friend?” natatawang saad ni Zharm. Hindi niya ito pinansin. Ibinaling na lang niya ang paningin sa labas ng bintana.

“Can you bring me home Zharm?”

“What?! No way. Hindi pa tayo gumagala. Saglit lang promise. What do you think of Alex?”

“We don’t know each other Zharm. What’s with him anyway? Bakit kanina mo pa siya binabanggit?” iritadong tanong niya.

“I like him.” Tipid na sagot nito na ikinatigil niya.

A Love Worth Rememberingحيث تعيش القصص. اكتشف الآن