A Love Worth Remembering

117 6 1
                                    

MASAKIT na ang ulo niya. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang maintindihan ni isa sa kanyang binabasa. Parang biglang naglaho lahat ng kaalaman niya tungkol sa wikang ingles maging na rin sa wikang tagalog.

Nagkulong na nga siya sa kwarto niya upang walang makaistorbo sa kanya. Upang walang magiging sagabal sa kanyang mga kailangan tuklasin. Tulad na lang ang pagkatao niya. Wala siyang maalala. Sa lahat ng nakakasalubong niyang kakilala pala niya ay hindi niya matandaan.

Muli niya tinignan ang hawak hawak na pahayagan na mahigit limang taon ng nakakaraan na nailathala. Binabasa ang isang partikular na artikulo na magbabalik sa kanyang nakaraan. Naihilamos niya ang kamay niya sa kanyang mukha. Pinipigilan ang pagbalong ng mga luha sa kanyang mata. Wala pa rin siyang matandaan. Madami pa ring katanungan na wala pang kasagutan. Hindi niya na alam kung saan magsisimula. Binaba niya ang pahayagan at humarap sa computer at nagsearch tungkol sa taong isa sa mga partikular na artikulong binabasa niya kanina.

Reanne Monique Alvarez.

Maraming lumitaw na mga katugma ng kanyang sinearch. Isa-isa niyang binasa ang mga iyon, nagbabakasakaling matulungan siya ng mga iyon. Ngunit pare-parehas lang ang mga sinabi sa mga lumang pahayagan at sa internet. Sino ba talaga siya? Anong kinalaman niya sa taong nasa pahayagan at internet. May pag-asa pa kaya siyang makahanap ng mga kasagutan? O mas tamang itanong na, dapat pa ba niyang balikan ang nakaraan? O tuluyan niya na lang kalimutan iyon?

Bumukas ang pintuan ng silid at may pumasok roon. Hindi niya na kailangan pang tignan kung sino iyon. Hindi niya rin ito pinansin. Hindi naman siya nito ginulo. Ramdam niyang may malaki rin itong kinalaman sa lahat ngunit mas nais pa nitong itago sa kanya iyon.

Bigla siyang napalingon dahil sa munting tinig na nangagaling sa labas ng pintuan.

“Mommy!” patakbong pumunta ito sa puwesto nila. Tuluyan niya ng kinalimutan ang nais na tuklasin. Pinatay niya na ang laptop niya at itinabi ang mga lumang pahayagan. Niyakap niya ang anak niya na kararating lang. Isang desisyon ang nabuo sa kanyang isip: Kakalimutan niya na ang nais na makaalala. Ngunit labis naman na tumutol ang puso niya.

A Love Worth RememberingWhere stories live. Discover now