String One [Clueless]

En başından başla
                                    

Before kasi maging DJ Ford siya, ang name nya pa noon ay Daniel John Zobel.

“Nagdivorce kasi si Auntie Karla tapos si Uncle tapos napunta sya kay Auntie kaya pinalitan yung apelyido nya.” explain naman ni Julia.

Tumango lang ako.

“Naalala mo nung second year nawala sya?” sabi ni Julia.

“Oo, sabi daw ng mga teachers due to bullying,” sabi ko naman.

Super nerd kasi noon si Daniel pero kahit ganun yon ay nirerespeto naman sya ng students. Nabigla nga ako ng sinabi ni bes na yung DJ Ford na madaming ex ay si Daniel Zobel, dahil sa pagiging nerd nya..

“Well, hindi naman sya nun binubully, sya pa nga ata ang nangbubully kahit nerd yun eh.  Anyways, ang totoong rason kasi lumipat sila sa Australia ni Tita Karla..” sabi ni Julia.

WAIT.

LOADING.

KUNG NASA AUSTRALIA SYA…

EH BAKIT SUPER RAMI ANG EX NYA!?

GRABE.

“Bes, kung nasa Australia sya eh ba’t daming nyang ex dito sa Pinas?” tanong ko naman.

Tinapik ako ni Julia.

“Syempre umuuwi din dito pagsummer! Duh!” sabi ni Julia “May banda nga sya dito eh!”.

“Anong banda?” sabi ko naman.

Nastastar-struck ako dito ah! (*u*)

“Yung Parking Five…” sabi naman ni Julia.

“Alam ko yan ah! Weh.di.nga,  hindi ko naman sya nakikita tumugtog doon.” Sabi ko naman.

Nanonood din ako paminsan ng gig ng Parking Five dahil kay Niel at Kuya Sam.

“Syempre, kasi nasa Australia nga diba!?” sabi ni Julia.

“Eh pano sya nagkabanda?”

“Ginawa niya yun nung nandito pa siya...duh!” sabi naman ni Julia.

“Whatever na nga bes next topic, ” Nasabi ko nalang “Bakit nandito sya?”

“Kasi sabi ni Tito dito nalang daw ipagpatuloy ni DJ ang pagaaral nya this incoming fourth year kasi sya lang naman ang kaisa-isang magmamana ng business nila kaya dapat matuto na sya how the business works..” sabi ni Julia.

“Gah, ang mga mayaman talaga! Tsk, tsk..” sabi ko naman.

Marionette [KathNiel]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin