"3"

12 0 0
                                    

KHYRA

Yinakap ko sya pabalik. I really really missed him. Parang di ako makapaniwala sa mga nangyayari. Makakasama ko na sya. Makikita ko na sya araw-araw. Palagi ko na syang mayayakap.

Ipinikit ko ang aking mga mata. 'Di ko napigilan ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking pisngi. Di ko na napigilan ang pag-iyak ko habang kayakap ko ang lalaking pinaka-mahal ko. Marahil napansin nya ang aking pag-iyak kaya agad syang kumalas at tinignan ako.

"Baby? Stop crying. Why? What happened?" Tanong nya sakin. Halata sa mukha nya ang pag-aalala. Agad kong pinunasan ang aking luha sa aking mukha sabay iling ko at natawa nalang ako. "Crazy." Sabi nya at napa-facepalm nalang bigla. Tinignan nya ako ng makahulugan, marahil tinatanong ako kung anong meron. "I just.... Missed you." Sabi ko at natawa.

He kissed my forehead. "Let's go. May gagawin pa tayo." Sabi nya sabay baling ang atensyon sa manibela ng kanyang sasakyan at sinimulan ng paandarin ito. "Saan tayo pupunta? At anong gagawin? Anong meron?" Dere-deretsong tanong ko at hindi ko pa rin itinitigil ang pag tingin sakanya. "Are you tired?" Tanong nya ng sa pagmamaneho pa rin ang atensyon nya. "Hindi. Ano lang naman ang ginawa ko? Eh umupo lang naman ako at nag-lakad." Sagot ko sakanya. Tinititigan ko pa rin sya. Ang kinis ng mukha nya. Ang haba ng pilik-mata nya. Medyo singkit sya. May dimple 'pag ngumiti. Matangos ang ilong nya. Medyo namumula ang labi nya.

"Baka matunaw ako nyan, baby." Nagulat ako ng bigla syang nag salita. Inayos ko nalang ang pag upo ko at ibinaling ang atensyon sa ibang bagay.

CHRISTIAN

Hello, ako si Christian. Isa sa mga kaibigan nila Khyra. 16 years old. May kapatid akong tatlo. Puro babae sila. Sila mama at papa ay nasa U.S., doon sila ngayon naka-reto. Palagi silang naga-out of country, syempre kailangan. Pero ang mali, kung kailangan ko sila, ay doon naman sila wala. Tulad nalang ng graduation ko noong highschool kami, ay wala sila. Tuwing birthday ko, ay wala rin sila. Pero wala akong magagawa, dahil tulad ng sabi nila ay para daw sa kinabukasan naming magkakapatid iyon.

Christian Kristoffer Yuan ang full name ko. May lahi kaming Chinese. Culinary ang course ko. Kilala bilang Top students sa campus. Hindi ako gano'n kaseryoso sa mga bagay-bagay. Mga sasakyan ang collections ko. Ewan ko ba, bata palang ako noon, pangarap ko ng magkaroon ng maraming sasakyan.

"Class Dismissed." Nahinto ako ng bigla ko 'yong narinig sa Prof namin. Agad namang nag-labasan ang mga block mates ko kaya nakisabay na rin ako sa paglakad.

Agad napukaw ang atensyon ko ng biglang may lumapit na apat na babae sakin. Tinignan ko lang sila. Parang timang lang. Yung isa, namumula. Yung isa, parang wala sa sarili. Yung isa naman ay nagpapa-cute pa at yung isa ay seryoso.

Isang minuto na 'ata ang nakalipas pero wala pa rin silang sinasabi ni isang salita man lang kaya nawalan na ako ng gana at umalis nalang. Di pa man ako nakakahakbang ng ilang beses ay biglang nagsalita yung isang babae dahilan para mapatingin ako ng seryoso sakanya.

"Anong sabi mo?" Tanong ko. Di ko sure kung 'yon talaga ang narinig ko o baka nagkakamali lang ako. "Si Pitch, pinagtu-tulungan ng isang grupo ng mga babae sa main Court." Mas mabilis pa sa alas kwarto ay agad akong napa-sugod sa court. Agad hinanap ng mga paningin ko si Pitch. Di nagtagal ay agad nahagilap ng mata ko ang maraming tao. Sigurado akong may nangyayari banda doon kaya agad 'kong pinuntahan at nakipag-siksikan sa mga taong nandoon.

So tama nga 'yong mga babae kanina at tama nga ang narinig ko simula palang?

Biglang natahimik ang lahat at napatigil sila sa kani-kanilang ginagawa. Sigurado akong ngayon palang nila napansin ang presensya ko. Bakas sa mukha ng iba ang pagkatakot.

Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang nangingi-alam at sinasaktan ang taong mahal ko. Pero anong ginawa nila? Pinagtulungan lang naman nila physically si Pitch, ang girlfriend ko. Napansin kong paonti-onting rumarami ang mga tao sa court.

Agad kong linapitan si Pitch. Ipinasok ko sa loob ng bag nya ang kanyang mga gamit na naka-kalat. Hinawakan ko ang kanyang bag at tinulungan ko syang tumayo. "Anong nararamdaman mo? May masakit ba? Saan? May sugat ka? May nararamdaman ka bang masakit? Oh kahit na ano pa man?" Di ko napigilang mainis ng may napansin ako sa kanyang braso na pasa. "Shit." Bulong ko sa sarili. Di ko napigilang mag-mura. Pinikit ko ng saglit ang mga mata ko, pinipigilan kong 'wag magalit.

Kinuha ko sa bulsa ang panyo ko at pinunasan ang kanyang mukha na basang-basa, malamang dahil sa kanyang mga luha. Inayos ko ang buhok nyang natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha, at sa di inaasahan, may nakita na naman akong bakat ng isang palad sa kanyang pisngi. Malamang ay sampal ito.

Di ko na napigilang magalit at agad akong napatingin sa limang babae na ngayon ay mukhang kinakabahan sila.

"Mag shift na kayo sa mga course nyo dahil mag-simula bukas, di na kayo tatanggapin dito sa Yuan's Empire."

'Yon na lamang ang lumabas sa bibig ko at yinaya si Pitch na umalis na kami.

Beside You [On going]Where stories live. Discover now