"Teka bakit puro buhangin yang sapatos nyo?" tanong nya sa amin.

Nagkatinginan kami ni Ivan. Hindi nya dapat malaman na galing kami sa site ng tinatayong bahay namin.

"Galing kami ng beach. You know mainit." pumapaypay pang sabi ni Ivan.

"Nang nakasapatos?" alanganing tanong nya.

"Ahh .. Oo. Trip namin." sobra ng di kapani paniwala ni Ivan kaya nilapitan ko na si Asha.

"Tara na Babe. Baliw lang yan." inakay ko sya papuntang kwarto. Agad naman akong naghubad ng damit para makapag shower. Naka boxer lang ako ng pumasok sa cr. Paglabas ko ay nakaupo na si Asha sa gilid ng kama at nakahanda na yung mga damit ko.  Nagbihis lang ako at inaya na syang kumain sa baba.

Pagkababa namin ay masayang kumakain si Ivan. Habang nandoon si Mommy.

"Ivan kamusta na pala ang asawa mo't mga anak?" pangangamusta ni Mommy. Habang si Asha naman ay pinaghahain ako ng pagkain.

"Ok naman Tita. Ayon baliw padin ang asawa ko at makukulit pa din ang mga anak ko."

"Eh magtataka ka pa ba? Syempre nagmana sa'yo." sabi ko.

"Alam kong mana sakin, ang gwapo ko kaya!"

"Pakipatay nga yang lecheng aircon sa katawan mo Ivan! Ang hangin!" inis na sabi ko. Nagtawanan lang naman sila.

"Ilan ba ang anak mo?" tanong ni Asha.

"Tatlo Ma'am." pagkatapos ay tumingin sya sa relo nya at tumayo na.

"Sige Tita, Asha una na ako. Magsisimba pa kasi kami ngayong hapon eh. Bro una na ko. Text ka lang pag may kailangan ka." nag fist to fist muna kami bago sya umalis.

"Ang cute nyo pala ni Ivan pag di kayo nag aaway eh." nangunot ang noo ko sa sinabi ni Asha.

"You should see them nung college pa lang sila." gatong pa ni Mom.

"Really. Dapat di mo na inaaway si Ivan. After all sya naman ang bestfriend mo eh." sagot nya.

"Ganoon lang talaga kami. We don't take it seriously,  yung mga lokohan namin."

"Sabagay ang cute!" naiiling na lang ako habang kumakain.

"Sya nga pala Babe. We're going out of town next weekend ok?"

"Saan naman?" excited na tanong nya.

"Basta. Secret muna!" ngayon pa lang ay natutuwa na kong makita si Asha na excited.

Weekend.

After one day walking and taking a picture simula ng dumating kami dito ay dumiretso kami sa isang sikat at mamahaling restaurant sa Tagaytay. Nagpareserve ako ng table for two. Papasok kami ng main door ng may maksabay din kaming couple.

"Ay sorry Miss!" agad na sorry ni Asha.

"Sorry din. Sige mauna ka na." agad na sabi ng babae.

"Hindi sige mauna ka na." sabi ni Asha.

"No. Mauna ka na." balik ng babae.

Para silang tanga na nagtuturuan.

"Mauna na tayo Babe." hawak ko kay Asha.

"Kulengleng tara mauna na tayo." pag akay din ni Ivan kay Andrea.

Oo tama kayo ng dinig. Sa laki ng Tagaytay at nagkita pa din kami ni Ivan.

"Ivan/ Dale?!" gulat na sabi ng dalawang babae. At nagkatinginan pa.

"Ikaw ang asawa ni Dale/Ivan?" ulit nilang dalawa.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Where stories live. Discover now