"Nilibre naman kita ng lunch nun." kahit paano nakonsensya pa din ako sa nangyari noon til now, best buddy kami ni Ivan pero magkaiba ng pamumuhay, scholar sya ng school na madalas kong ibully at later on naging best companion ko na din.

"Sir next week end pass muna ko, anniversary namin ni Kulengleng kaya magde date muna kami." napatingin ako sa kanya.

Alam ko naman na kahit na ilang babae ang tingnan nya sa maghapon, isang babae pa rin ang pipiliin nya; ang asawa nyang si Andrea.

"Mag de-date kayo? Saan?" tanong ko.

"Baka dalhin ko sya sa Tagaytay, makabawi man lang sa mga pagkukulang ko."

"Oo sige. Balak ko nga din ipasyal si Asha; baka ma stress na naman yun eh."

"Maghanap ka ng sarili mong pupuntahan ah? Wag kang gaya gaya!" banta nya sa akin.

"Ang laki laki ng Tagaytay, feeling mo? Magkikita tayo dun?"

"Mabuti na yun. Ayokong may distorbo."

"Edi dun ka sa Mars! Walang distorbo dun!"

"Try nyo muna! Tapos susunod kami!" ayaw patalo talaga ni Ivan.

"Ah Sir, anjan na po si Engineer Francisco." lapit ng isang trabahador at turo nito sa isang maton na tipong kargador lang.

"Goodmorning Sir Aragon! Antonio Francisco po." pakikipagkamay nya sakin.

"Sir dyahe yan ah? Baka ginogoyo ka lang nyan? Baka isang bagyong Yolanda lang buwag na ang bahay mo." bulong ni Ivan.

"Gago. Kung Yolanda ang dadating siguradong buwag talaga yun. Super typhoon kaya yun!" minsan.talaga ang tanga nitong si Ivan eh.

"Check his background." utos ko kay Ivan. Tapos nagclear throat ako. "I'm John Dale Aragon the CEO of Aragon Corporation. Can you estimate kung gaano katagal bago matapos ang bahay namin?" tanong ko.

"Sir, nung nakita ko yung drafts ni Architect Marquez, masasabi kong tatagal ito ng four to five months." napatango tango na lang ako.

"Gusto ko sana before manganak ang asawa ko ay matapos na ito. She's almost five months pregnant."

"Kaya yan Sir! Basta tuloy tuloy lang ang bagsak ng materyales at kung maganda ang panahon." confident na sagot nya.

"So then, i expect na matatapos ito very soon. Thank you Engineer Francisco." pakikipagkamay ko sa kanya.

"Tondo na lang Sir! Di na kayo naiiba sakin dahil naging classmate ko sa Engineering Class si Karla Aragon." napangiti naman ako dun sa sinabi nya. So magkakilala pala sila ni Karla.

Pumunta ako ng van at nakita ko si Ivan na naglalaro ng candy crush sa laptop nya.

"Anong research yang ginagawa mo?" sandal ko sa pinto ng van.

"Wag kang magulo! Level 359 nako!"

"Pakealam ko?! Anong nangyari sa pinapaasikaso ko sayo?!"

"Clear Sir! Wag kayong mag alala, isa si Antonio Francisco sa pinakabatang highest paid Engineer ng kumpanya nila. Hindi nga lang halata." sabi nya at tuloy pa din sa paglalaro.

"De ok. Tumabi ka jan uuwi nako." kinuha ko yung gamit ko at naglakad papuntang kotse ko.

"Sir sama ko! Kakain muna ko!" 

"Ginawa mo pang restaurant ang bahay namin?" hinayaan ko syang pumasok sa kotse. Eversince naman ng college pa kami ay kilala na sya ng family ko kaya at home sa amin yan.

"Hi Asha!" bati nya agad kay Asha na sumalubong sa amin sa main door.

"Hello Ivan! Kamusta?"

"Eto pogi pa din! Kainis nga eh! " binatukan ko nga napaka feeling kasi. Natawa naman si Asha doon at lumapit sakin. Pero pinagmasdan nya muna ako.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon