Excerpts from Chapter 2

175 9 0
                                    


HALOS lumuwa ang mga mata ni Jazmine pagpasok nila ni Tristian sa condo unit nito. Hindi dahil sa ganda ng unit, kundi dahil sa dami ng kalat. Hindi. Kulang ang salitang 'makalat' para ilarawan ang loob ng unit nito. Mas tamang sabihin na dinaanan ng bagyong Yolanda ang loob ng bahay nito.

"Damn. Nanggulo na naman ang kambal sa bahay ko," anas nito.

"Kambal?"

"Yeah. May pinsan akong kambal. Dumalaw sila sa akin dito kagabi at dito ko na sila pinatulog. Kaninang umaga ay iniwan ko sila dito sa bahay. Teenagers pa lang sila at mahilig sila sa party. Marahil ay inimbitahan na naman nila ang mga kaibigan nila dito pag-alis ko at nag-party dito ng walang pahintulot ko."

"Palagi ba nila itong ginagawa?"

"No. Pangatlong beses pa lang nila itong ginawa. Anyway, marunong ka bang magluto?"

"Oo. Paglulutuin mo ako?"

Ngumisi ito. "That's right. Nandoon ang kusina. Hindi ako kumakain ng pork. Kung marunong ka magluto ng chicken curry, iyon na lang ang lutuin mo."

"Seryoso ka talaga na gagawin mo akong alipin mo?"

"Bakit? Mas gusto mo bang sa kulungan na lang magbayad?"

Kinilabutan siya. "K-kulungan?"

"Yes. I can put you in jail, you know?"

Umayos siya ng tindig. "Nasaan nga ang kusina mo?"

Ngumisi ito at tinuro ulit ang kusina. Pumunta na siya sa kusina at nagluto kagaya ng gusto nito. Pagkatapos niya magluto ay tinawag niya na ito.

"Great. You can start cleaning now."

"C-cleaning?"

"Ulit-ulit?"

Napalunok siya. "Ibig mong sabihin—"

"Yes. All of this mess, please take care of it."

Nanlumo siya ng mapatingin siya sa paligid niya. Nagkalat ang mga balat ng junk foods, plastic cups, paper plates at kung ano-ano pa. Bukod pa roon ay halatang nagulo rin ang ayos ng mga furnitures sa sala. May mga mantsa din ng juice at mumo ng mga pagkain sa sahig, sa pader, sa couch at sa mga unan. Ibig bang sabihin niyon, lilinisin niya rin iyon?

"Master, m-may report kasi akong gagawin ngayon para bukas. Baka pwedeng—"

"Hah! Sinusuway mo na kaagad ang utos ko?"

Tumingin siya dito. Nagpaawa siya dito. Pinapungay niya ang mga mata niya at pinagdikit niya ang mga labi niya.

He sighed. "Okay. You can stay until seven PM. Bumalik ka na lang bukas para tapusin ang paglilinis mo."

"Pwedeng tumawad? Six PM na lang?"

Sinipat nito ang oras sa relo nito. "Tignan mo nga. It's already five-thirty PM. Ano'ng magagawa mo sa loob ng thirty minutes? Aalis ka rito ng seven PM. And that's final."

"Six-thirty."

"Gusto mong gawin kong eight PM?"

Ngumiti siya. "Sabi ko nga, eh. Hanggang seven ako dito."

He frowned. "Alalayan mo na ako papunta sa kusina."

"Opo, Master," walang bahid ng siglang sagot niya dito. Lumapit na siya dito at inalalayan itong makatayo. Naglakad na sila habang nakaakbay ito sa kanya. Pero bago sila makarating sa kusina ay napatid siya sa isang nakakalat na libro. Nawalan siya ng panimbang. Bumagsak sila sa sahig. Kaya lang ay nasa ibabaw siya ni Tristian. Bago kasi sila tuluyang bumagsak ay maagap na niyakap siya nito. Nagulat talaga siya sa ginawa nito.

Umungol ito. Halatang nasaktan ito sa pagbagsak nila. Sinalo din kasi nito ang bigat niya.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

Tumingin ito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila. Hindi niya alam kung ano ang biglang nangyari. Pakiramdam niya ay biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo at nawala ang lahat ng bagay na nakapaligid sa kanila at tanging silang dalawa lang ang naroon sa lugar na iyon ng mga oras na iyon. Basta na lang bumilis ang tibok ng puso niya at habang nakatitig siya sa mga mata nito ay parang nakakakita siya ng kakaibang ilaw na nagmumula sa mga iyon. Laser eyes? Ewan. Basta sa paningin niya ay bigla na lang ito naging gwapo kahit na balbas-sarado ito. Parang bigla itong nagliwanag sa paningin niya. Pakiramdam niya rin ay tumatagos sa kaluluwa niya ang mga titig nito.

"Ikaw?" anito.

Napigil niya ang hininga niya ng hipan ng hininga nito ang mukha niya. Ang bango! Noon niya na-realize na sobrang lapit pala ng mukha nila sa isa't-isa.

"Ha?" wala sa sariling sambit niya.

"Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?"

"O-okay lang ako."

"Good. Now, get up."

Nag-init ang pisngi niya. Nagmamadaling umalis na siya sa ibabaw nito at naupo sa tabi nito. Hindi niya namalayan na kanina pa pala siya nakadagan dito. Animo saglit siyang nawala sa earth kanina. Bumangon na din ito.

"Sorry..."

Nagpapalatak ito. "Ngayon alam ko ng clumsy ka talaga. Hindi na bale. Mag-ingat ka na lang sa susunod."

Tumango siya. "Okay ka lang ba?"

"Wala ito. Ang mabuti pa ay alalayan mo na akong tumayo. And this time, be careful. Nagugutom na ako."

Tumalima naman siya. Tinulungan niya itong makarating sa kusina.

"Paano nga pala kapag umalis na ako? Wala ka bang saklay o wheelchair na pwede mong gamitin?"

He smiled. She froze. Ngayon niya lang ulit nakita iyon. Sa pakiwari niya ay mas nagniningning ito sa paningin niya kapag nakangiti ito.

"Don't worry about it. Ang mabuti pa, simulan mo na ang paglilinis. Tatawagin na lang kita kung may kailangan ako."

"Okay."

Nagsimula itong kumain. Nakakaapat na subo na ito ng mapansin nitong hindi pa siya umaalis sa kinatatayuan niya.

"O, bakit nandito ka pa?"

"Masarap ba?" tanong niya, imbes na sagutin ang tanong nito.

Nag-iwas ito ng tingin. "Hindi. Pinagtitiyagaan ko lang dahil gutom na talaga ako."

Napangiti siya. Halatang nagsisinungaling ito. "Okay. Maglilinis na ako. Kumain ka ng marami, Master!"

i

Kiss The Author (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon