Excerpts from Chapter 1

595 8 1
                                    


LATE na si Jazmine sa morning classes niya kaya nagmamadali siya ngayon. May long quiz pa naman sila ngayon. Pinatakbo niya ng ubod ng bilis ang bisikleta niya. Dumaan pa siya sa shortcut na alam niya para makarating siya kaagad sa school niya. Dirediretso lang siya sa pagpepedal kaya nagulat siya ng may lalaking bigla na lang lumitaw sa daraanan niya. Dahil hindi niya inaasahan ang pagsulpot nito, hindi siya kaagad nakapagpreno.

Napasigaw siya. Lumingon naman ang lalaki sa kanya. Pero imbes na umiwas ay nakisigaw lang ito sa kanya. Sumalpok ang bisikleta niya sa lalaki. Sumemplang siya at bumulagta naman ang lalaki sa lupa.

"Aray..." nakapikit na daing niya habang sapo niya ang binti niyang nasaktan dahil sa pagbagsak niya.

Umungol naman ang lalaki. Halatang nasaktan ito ng husto. Umupo ito. Nilapitan niya kaagad ito at iwinaksi ang sakit na dulot ng sugat na natamo niya sa binti niya.

Nakayuko ito. Nakahawak ito sa isang binti nito. Nakasuot ito ng baseball cap kaya hindi niya makita ang mukha nito. Masyadong mabilis ang pangyayari kanina kaya hindi niya na napagmasdang maigi ang mukha nito.

"M-Mister, ayos ka lang po ba?"

Noon ito nag-angat ng tingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa kanya. Siya man ay napasinghap ng makilala niya ito.

"Ikaw?!" bulalas niya sabay turo dito.

Ito iyong lalaking tumulong sa kanya na abutin iyong mga librong binili niya sa bookstore kahapon. Ang akala niya ay imposibleng makita niya pa ulit ito. Pero halatang maling akala lang pala iyon.

"Iyong babae sa bookstore!"

Kapwa sila natigilan. Pagkatapos ay luminga-linga ang ito na animo may hinahanap.

"Ayos ka lang ba? May problema ba?" usisa niya.

"Nasaan na iyong camera ko?"

Kumunot ang noo niya. "Camera?"

"Oo. Hawak ko lang iyon kanina bago mo ako binunggo. Nasaan na ba iyon?" palinga-linga sa paligid na wika nito.

Luminga-linga din siya para hanapin ang camera nito. Natigilan siya ng may makita siya sa ilalim ng bisikleta niya. Parang natuyo ang lahat ng dugo niya sa katawan ng makita niya ang camera nito. Nawasak ang ilang bahagi niyon at nabasag pa ang lens. Walang duda na sira na ang camera nito!

Mukhang nasira iyon dahil sa pagbunggo niya dito. Marahil ay sumabit iyon sa manibela ng bisikleta niya at nabagsakan ito dahil doon.

"I-iyon b-ba ang tinutukoy mo?" nauutal na tanong niya saka itinuro ang sirang camera.

Sinundan nito ng tingin ang itinuro niya. Napamura ito. Akmang tatayo na ito pero biglang bumigay ang binti nito. Napamura ulit ito habang hawak ang binti nito. Mukhang masakit talaga iyon dahil kitang-kita sa mukha nito ang labis na paghihirap.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Nanginig siya ng makita ang matinding galit sa mukha nito. Nakakatakot ito!

"Pagbabayaran mo ito," mariing banta nito.

Napaatras siya. "I-I'm sorry! Babayaran ko na lang ang camera mo. Hindi ko talaga sinasadya. Nagmamadali kasi ako. Pasensya ka na talaga," nagmamakaawang hindi niya ng tawad.

Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "Sa tingin mo kaya mong bayaran ang camera ko?"

Bahagya siyang nainsulto sa tanong nito. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

He gritted his teeth. "Can you pay for a camera that is worth one hundred and fifty thousand pesos?"

Natigalgal siya. "O-One hundred—" Bumigay ang mga tuhod niya at napaupo siya. "— fifty thousand."

She glared at him. "Niloloko mo ba ako? May camera ba na gan'on kamahal?"

He scoffed. "Oo naman. Ang camera ko na lang ay isang halimbawa."

"Paano mo mapapatunayan na one hundred fifty thousand ang halaga ng camera mo?"

"Gusto mo bang ipakita ko sa iyo ang resibo? O baka naman gusto mong isama pa kita sa lugar kung saan ko binili ang camera ko? Kaso lang duda ako kung makakasama ka kasi sa New York ko pa binili ang camera ko."

"N-New York?"

"Ano? Gusto mo bang sumama?"

She pursed her lips. Imposibleng makasama siya sa New York. "Iyong resibo na lang. Ipakita mo sa akin iyong resibo."

Sumimangot ito. May kinuha ito sa maliit nitong bag at inabot iyon sa kanya. Nanginig siya ng makita niya ang presyo na naroon. Totoo nga ang sinabi nito.

"Ito ba talaga iyong resibo ng camera mo?"

"Oo naman. I-check mo pa ang item code diyan at pangalan ng camera ko, makikita mong pareho sila."

Iyon nga ang ginawa niya at tama ito.

"So? Magbabayad ka na ba?"

Napayuko siya. "W-wala akong ganito kalaking pera."

"I bet. Pero hindi mo ba alam ang kasabihan?"

"Kasabihan?"

"Kung hindi mo kayang bayaran ng pera..." Itinuro siya nito. "...bayaran mo gamit ang katawan mo."

Kinilabutan siya sa sinabi nito. Napayakap siya sa sarili niya. "K-kuya, huwag po..."

He frowned. "What are you thinking? You're not my type. I was going to say that starting today, you are going to work for me as my slave."

Napatanga siya. "Ano? Slave?!"

He smirked. "Yes, that's right. You're going to be my slave. And for your first command, you are going to take me to the hospital!"

Kiss The Author (Published)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum