One Shot ng Lalaking Tinamaan

157 3 0
                                    

               Humarap ako sa salamin sa loob ng banyo habang nakangising inaayos ang kwelyo ng suot kong gray-black checkered polo. Kinuha ko ang Fix na nakapatong katabi ang Dove conditioner ng bunso kong kapatid na siyang ginagamit ko rin. Ang ganda kaya sa buhok ng conditioner na iyon. In fact, ako pa nga ang nagpakilala ng product na iyon sa kapatid ko. Utang na loob niya sa akin ang pagkawala ng split ends ng buhok niya. Huh.

                Pinahid ko sa buhok ko ang cream at pasipol-pisol pa ako habang inaayos ko paitaas ang bangs ko. Ang haba na naman pala ng buhok ko. Putsa. Papagupit na naman. Bawas singkwenta na naman iyon sa allowance ko. Ma-try nga na ako ang maggupit sa sarili ko. Kaso… Naalala ko na na-try ko na nga pala iyon dati. Ang kinalabasan ay isang malaking katangahan. Nagkaroon ako ng paknot malapit sa puyo ko at sumobra sa pagkapudpod ang bangs ko. Putangina. Ilang linggo rin akong pinagtawanan ng pamilya ko no’n.

                Oh, well. Bata pa naman ako nang mga panahong iyon. Kung matatawag pa nga bang bata ang lalaking may edad na labing-apat na taong gulang para makagawa ng isang napakalaking katangahan at kahihiyan para sa sarili. Oh, sige. Tanga na nga. Tanggap ko nang hindi bagay na maging manggugupit ang kagwapuhan ko.

                Nang makuntento ako sa ayos ng buhok ko ay taas-noong pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Ngumiti ako nang malawak at mabilis na pinadaan ko ang aking hintuturo sa tungki ng aking ilong. Katulad no’ng mga ginagawa ng mga nagpapagwapo sa TV.

                “Putsa, Ezikiel, ang gwapo mo talaga. Kaya nagkakandarapa ang mga babae sa 'yo, eh.” Binuntunan ko pa iyon ng halakhak at umakto pa akong binabaril ang sarili kong repleksyon. “Bang. Bang, Sik. Ha-ha-ha!”

                May kumalampag sa pinto ng banyo. “Hoy, Kuya Sik! You’re sick!” Ang kapatid ko iyon. Grabe. Parang magigiba ang pinto ng banyo kaya binuksan ko na iyon. Kawawa, eh. Iyong pinto, ah. Ang bigat kasi ng kamay ng T-rex na 'to.

                “Then call the doctor very quick.”

                “Tse!” Hinila niya ako palabas tapos pabalibag na isinara niya ang pinto.

                “Halimaw ka!”

                “Baliw ka naman!”

                “At nagsisigawan na naman kayong dalawa!”

                Ngayon, napatunayan ko na talagang kay Nanay kami nagmana nitong si T-rex cum halimaw. Ang lakas ding makasigaw, eh. Kaya nga nagtataka ako kung bakit si Nanay ang pinakasalan ni Tatay, eh, si Tatay sobrang kalmado.

                Shoot sa back pocket ko ang wallet ko. Tapos hawak ko ang touch screen phone at panyo ko. Mabilis na binagtas ko ang hagdan pababa. Nakita ko si Nanay na nakaupo sa kawayang sofa sa sala habang seryosong nanonood ng… Mr. Bean. Natawa ako bigla. Si Nanay talaga. Patawa.

                “Oy, 'Nay, gwapo na ba?” Nag-pose ako ala-model ng Bench. Saglit niya lang akong tiningnan tapos nagpatuloy siyang manood.

                “Oo na lang, anak.” Napaka-supportive talaga nito ni Nanay.

                “Napipilitan ka lang, eh.”

                “Mabuti at alam mo.”

                “Hmp.” Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo. “Aalis na 'ko. I’ll be home before nine.”

                “Sige. Shoo.” Iwinagayway pa niya ang mga kamay niya na parang nagtataboy ng makukulit na langaw. “Ingat.” Pahabol niya.

One Shot ng Lalaking TinamaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon