{13} We Got Married.

8.6K 301 88
                                    

{A/N} HIIIII~ ANDITO NA NAMAN ANG WALANG KWENTA KONG AUTHOR'S NOTE. LOLJK, NAKALIMUTAN KO NA KUNG KANINO 'TONG 13 EH. PERO MAY PAGBIBIGYAN DAPAT AKO NITO. PAG NAALALA KO NA TYAKA KO NA LANG IDE-DEDIC. HUEHUE. SORRY~

UH HI, 'YUN LANG. WAG KAYONG TITINGIN SA MULTI-MEDIA SECTION KASI NAKAKASURA ANG KALANDIAN -___- HAHAHA JK LANG.

P.S. ISA ITONG MADRAMA AT MAKABAGBAG DAMDAMING UPDATE. PASENSYA, MEDYO SABAW.

______________________________________

{ baekhyun's narration - google translator mode~ }

{13} We Got Married.

"MGA MALALANDING HIGAD!" Sigaw mo agad nang makita mo ang pagpasok nila Luhan hyung at Sehun sa restaurant. Awtomatik na napatingin sa'yo lahat ng tao pero hindi mo sila pinansin. Nanlilisik ang mga mata mo habang nakatingin sa HunHan.

Hinawakan ko ang kamay mo para pakalmahin ka pero walang epekto. Hindi mo pa rin maalis 'yung masama mong tingin sa dalawa. Napansin kong kanina pa nakaw ng nakaw ng tingin sa'yo si Luhan hyung simula nung dumating siya habang nakatingin lang sa kanya si Sehun na para atang ito pa lang ang unang ngiti simula nung dumating kami rito sa hotel.

"Yah, jagi. Sit down~" Sabi ko sa'yo. Umupo ka nga, sa kanila ka pa rin naman nakatingin.

Hindi ko tuloy maiwasang malungkot. Kasi dapat date natin 'to pero 'yung atensyon mo nasa kanila.  Marami pa naman sana akong balak ikwento tungkol sa sarili ko tapos... tapos...

:(

"ABA! WE GOT MARRIED ANG PEG NG DALAWANG BAKLA! MAY SUBUAN PANG NALALAMAN! ASDFGHJKL!" Bulalas mo.

Aish :(

Hindi mo na ako pinapansin kasi nakatingin ka na lang sa kanila. Bakit parang ang malas ko ata ngayong araw? Una, pinutol lahat ni Luhan hyung 'yung mga eyeliner ko nang walang dahilan. Tapos ngayon sa mismong date natin, nasa iba ang atensyon mo.

Bakit ganun, jagi? :(

"Era." Sambit ko.

Napatingin ka naman sa'kin kaya tinago ko munang nalulungkot ako. Ngumiti ako sa'yo para lang hindi mo mahalatang kanina pa ako naka-pout habang pinagmamasdan mo 'yung dalawa.

"This is our date, right?" Tanong ko sa'yo habang nakangiti pa rin.

Tumango ka. Mukha kang confused pero hinayaan ko lang. Patapusin mo na lang muna akong magsalita.

"Can you please... j-just look at me? O-Only me? Jebal, jagi?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napasimangot na ako.

Nalungkot talaga ako kasi pakiramdam ko wala ka nang interes sa'kin. Ewan ko kung bakit pero pakiramdam ko merong something sa inyo ni Luhan hyung. Sa lahat kasi ng myembro ng EXO, siya lang sinusungitan mo, siya lang hindi mo pina-fangirl. Alam mo 'yun? Tapos kahit minumura-mura mo siya, natutuwa pa rin siya sa'yo.

Sa'yo lang ganun si Luhan hyung.

Kaya hindi ko maiwasang mapaisip... 

Gusto ka ata ni Luhan hyung?

:(

"Oh. Sorry." Napatungo ka, "Napakapunyeta kasi ng HunHan na 'yan! Ang dami-dami naman kasing pwedeng lugar kung saan hindi ko sila makikitang naglalandian pero tanginabels pumwesto pa sila sa harap ko!" Inis na inis mong pahayag.

Napatingin ka sa'kin. Malungkot 'yung ekspresyon mo kaya nahawa na rin ako't napasimangot. 

Eh gustong-gusto kasi talaga kita. Unang kita ko pa lang sa'yo. Nung una oo, akala ko gusto lang kitang lagyan ng make-up pero nung tumagal, alam ko na talagang gusto kita. Kaya nga todo effort ako sa'yo.

Anti-HunHanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon