{2} Black Pearl.

14.4K 447 179
                                    

{2} Black Pearl.

"Si Kai o." Bigla mong hirit.

Ako naman, tatanga-tanga lumingon agad kung saan-saan kahit nasa kahabaan tayo ng kalsada ng Seoul. Mistula akong matanglawin sa kakahagilap. Medyo nagiging giraffe na rin ako dahil sa paghaba ng leeg ko sa kakahanap pero wala e.

Only to find out, 'yung Kai pala na tinutukoy mo eh 'yung nasa milk tea mo. Black pearl

Pagdating sa EXO, hindi ka mabubuhay ng hindi sila nilalait :3

"Bat Ate, mukha ba siyang sago?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Hindi. Black kasi e." Tyaka bigla kang napangiti ng sobrang lawak.

Bias wrecker mo si Kai. Kapag sumasayaw na siya hindi mo na mapigilan ang sarili mong magwala at maging hysterical. Kesyo binuntis ka niya. Kesyo magkakaanak na kayo ng labing dalawa. Kesyo gabi-gabi ka niyang dinadalaw sa kwarto mo. 

Lakas tama mo kay black pearl. 

"Makapagsabi ka namang black pearl siya eh hindi ka naman maputi." Komento ko sa kanya.

"Heh. Alam mo ba, dinalaw niya ako kagabi sa kwarto." Ayan ka na naman sa mga pagpapantasya mo. Sinisimulan mo na naman.

Hindi na ako umimik. Hinayaan na lang kitang magdaldal.

"Tapos niyaya niya akong mag-ano pero sabi ko hindi kami pwedeng mag-ano kasi nga ano ako tas ayon hindi kami nag-ano.

Taksil ka talaga kahit kailan. Akala ko ba si Sehun lang?

Sa wakas rin, eh nakarating na tayo sa hotel na tutuluyan natin. Sobrang mahal pero dun ang pinili mo. Kahit mamulubi ka, 'yun pa rin ang pipiliin mong pag-stay-an. Bakit? 

Simple.

Andun ang EXO.

Bakit sila naghohotel? Sasaengs. Sa tapat ng dorm nila. 

"Nanghold-up ka ba ng bangko at kahit sobrang mahal dito sa hotel na 'to eh dito pa rin tayo?" Tanong ko sa Ate ko.

"Hindi Dapdap!" Jusko, 'yang palayaw na 'yan. "Kinidnap ko si Suho! Jusko ang kwarta sangkaterba! Hindi lang katawan ang kapaki-pakinabang! Pati ang wallet katakam-takam!" Yan tayo Ate eh. Sa imaginations :3

Hindi ko na lang ulit siya inimik. Pumasok na kami sa loob ng hotel. 

Nakakataka kung bakit kami nakapunta ng Korea kahit wala 'yung mga magulang namin. Wala eh. Masipag magipon si Ate. Mula gradeschool ata hanggang ngayong college siya eh nagiipon siya. Dyan lang matino si Ate. Sa pagtitipid at pagiipon.

Nagcheck-in tayo sa hotel. Nauna ako sa kwarto natin. At hindi ako makapaniwalang nakuha mo 'yung kwarto katabi ng kwarto ng EXO-K. Bilib na sana ako sa'yo. Pero nang malaman kong mamumulubi tayo dahil sa sobrang mahal ng kwartong 'yun, nanlumo ako.

Pero walang kaso sa'yo 'yun. 

Sabi mo pa nga: "Jusko Dapdap! Ibenta ko na lang katawan ko sa EXO kung sakali mang mamulubi tayo rito at hindi na tayo makauwi! Basta ang mahalaga e katabi natin ang kwarto nila! MARE-REYP KO NA SI SEHUN MAMAYANG GABI!

Mukha kang asong ulol habang sinabi mo 'yun. Pero hinayaan lang kita. Tutal, pera mo naman. At tutal, baka makasalubong o makita ko si Baekhyun ko *Q*

Ako ang nag-akyat ng mga gamit natin, nagstay ka sa lobby. Pinuntahan kita run pero nadatnan ko na lang kitang tinitignan ng masama si Luhan na kasalukuyang nakaupo rin sa may lobby hawak-hawak ang phone niya.

Anti-HunHanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon