Chapter 8

4 0 0
                                    

Nanginginig ako habang nakatayo sa may gilid ng pinto habang tinitignan syang nakatingin ng masama sa akin.
"S-sorry ka-kasi naman eh. Di ko naman alam na ikakasal pala t-tayo. Sabi mo kasi fiancei lang eh. Tapos tapos..-" yumuko nalang ako dahil hindi ko na alam ang dapat sabihin. naramdaman ko na ring may namumuo ng luha sa mga mata ko.
Bumuntong hininga sya bago nagsalita.

Naramdaman kong may humawak sa baba ko at dahan-dahan yung inangat. Masuyo nyang pinahiran ang luha sa mata ko. Na di ko namalayang tumulo na pala.
"Sorry. It's just that... You almost ruin my reputation to my parents. A-and you know how much that means yo me."

Tinignan ko sya. At sunod sunod na tumango. Hinawakan naman nya ang ulo ko para patigilin ako.

"Okay na." Sabi nya habang nakangiti ng maluwag sa akin.

Kinuskos ko ang mga mata ko at saka sya tinignan.

"What?"

"May mga pinsan ka ba?" Tanong ko habang nakatingin sya sa akin ng may halong pagtataka.

★•°•°•°•°•★

"is that so..?" Tanong sakin ng nanay ni Eros.
naramdaman ko namang pinisil muna ni Eros ang kamay ko bago ako magsalita.

"Opo sorry po talaga. Si Louise lang po pala yung kasama nya. Yung pinsan nya po. Napag usapan po namin kanina. sorry po kung nagduda po ako kanina. Sorry din po kung nabigla ko kayo dahil sa sinabi ko."mahabang litanya ko habang madiin na hinahawakan ang kamay ni Eros. jusko lord. Kailangan ko po ng gabay nyo ngayon.

"No hija. Okay lang. We understand. Ganyan talaga tayong mga babae pag mahal natin ng sobra ang kapareha natin. mabilis nang magselos." Sabi ng nanay ni Eros habang mahinang tumatawa. At inangkla ang braso sa braso ng tatay ni Eros.

"So, now that we-resolved this issue. Can we move the wedding? I mean you know I want to marry rose but isn't better if she trusts me completely on the day of our marriage?" Agad nyang pagpapaliwanag ng makitang tumaas ang kilay ng mga magulang nya.

Bumuntonghininga naman ang nanay ni Eros bago magsalita.

"eventhough I want you two to get married. I understand the situation Eros. Kaya naman naming maghintay basta ba't sisiguraduhin nyong dalawa na magkakaapo kami sa tagal ng paghihintay namin ah." Napangiwi ako dun sa huling sinabi ng nanay ni Eros. Anak? Anak talaga agad? Naku mom wala pa po akong boyfriend.. wala po akong experience!

Ang landi lang sere. Ang landi

"Mom!" Muntik na akong mapatalon sa sigaw ni Eros buti nalang napigilan ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko syang nanlalaking mata habang sinasaway ang mga magulang nya.

"Don't shout at your mother, Eros. Besides she is right we are not getting any younger son. It has been too long since makakita kami ng maliliit na bata." tinignan nya ng masama ang tatay nya at bumulong ng

"There are children in the orphanage. Why don't you just go there?" Na hindi rin naman successful dahil narinig din sya ng mga magulang.

Ang ano rin naman kasi ni Eros bubulong nalang hindi pa magawa ng maayos. Bulong ko sa isip ko habang umiiling iling

"Eros anak, iba pa rin naman kung kadugo mo yung bata diba?"sabi naman ng nanay ni Eros. Oh no!

"oo nga anak. Saka I think you forgot to tell us something. Eros," huh? meron pa!?

"what is it dad?" sabi nya habang parehas kaming nakakunot ang noo. Pati ako nacurious eh.

"ilang years na ba kayo ni serenity?" Nanlaki naman bigla ang mata ko sa sinabi ng nanay ni Eros. Oh noes!....

Sabay kaming nagkatingingan ni Eros. Parehong Nanlalaki ang mata naming dalawa habang mahigpit ang hawak namin sa isa't isa.

"Is there something wrong?" agad akong napatingin sa nanay ni Eros at sunod sunod na umiling.

"Wala po! Ano naman pong magiging problema naming dalawa ni Eros? Hehehe" kinakabahang sabi ko sa nanay ni Eros.

"So.. ilang years na nga kayong dalawa?"

"7"

"5"

Sabay kaming nagkatinginan ni Eros ng magkaiba kami ng sinabi.

"Huh?" Napatingin naman ako agad sa tatay ni Eros ng magtaka sya..

"5"

"7"

"Pinagloloko nyo ba kaming dalawa?" Nakapameywang na. Na tanong ng nanay ni Eros.

"Hindi po! Hindi po!" Agad kong tugon sa nanay ni Eros.

"What we mean is that.. our relationship is already 7 years and 5 months long." para naman akong nabunutan ng tinik sa sinabing paliwanag ni Eros sa mga magukang nya.

"Oh. Is that so?"

"Of course, mom, why do you think would we lie to you?" At naramdaman ko na namang hinigpitan ni Eros ang hawak sa kamay ko.

"See. Kung 7 years na pala kayong dalawa. Bat ayaw nyo pang magpakasal?" Namutla na naman ako sa sinabi ng nanay nya.

"H-hindi pa po kasi kami handa." Medyo nauutal na sagot ko sa kanila.

"Fine. As long as you pay more attention in making my granchildren." nalaglag naman ang panga ko sa sinabi ng tatay ni Eros. Again.

"Dad! I told you. We're getting there. Soon. but not now. So let's not talk about it." Mas lalo yatang nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Eros. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano sa sagot nya sa tatay nya.

Kaya ang ginawa ko ay pinisil ko ang kamay nya ng napakalakas. At dahil mukhang walang epekto sa kanya ay tinignan ko sya kaya tinignan ko sya pagtingin ko sakanya ay muntik na akong matawa dahil nagtatagis ang bagang nya.

"We batter get going." Biglang sabi ni Eros sa mga magulang nya. Bumuntonghininga muna ang nanay nya bago tumango at ngumiti samin.

"Fine." lumapit sya kay Eros at hinalikan ito sa pisngi. Lumapit din sya sakin at hinug ako.

"Take care of my son for me. Huh." Malambing na bulong nya sakin. Hindi ko alam pero parang nababasa yata ang mata ko dahil sa sinabi nya.
Pagkatapos nya akong ihug ay hinalikan nya rin ako sa pisngi katulad ng ginawa nya kay Eros.

"Makakaasa ka po." Sabi ko at nginitian din sya.

UnexpectedWhere stories live. Discover now